Malawak ang kweba wala pa sila sa pinaka loob nito, hindi nila inaasahan na mas mawalak pa ito kumpara sa iniisip nila, dahil ang kweba ay mag isa pang kweba sa loob, mukhang safe naman itong pasukin, dahil kung hindi matagal ng bumagsak ang bundok na iyon, kaya kinakailangan na nilang hatiin pa ang grupo para mas mapabilis sila.
Pitong grupo na mayroon tig apat na miyembro ang pumasok sa loob at ang ibang maiiwan sa labas ay iikuting muli ang labas ng kweba at hahanapin ang pinaka lagusan dahil sigurado sila na hindi lang ang kweba na iyon ang nagiisang daan papasok sa loob
Sa grupo si Lizzie, Shun, Adrie at Mr. Grey ang mag kakasama kaya naman si shun ay hindi maipinta ang mukha dahil ayaw nito itong makasama
“huh! As if naman gusto din kitang makasama.” Irap ni Lizzie
“Mas lalo naman ako, you know”. Ganti naman nito
“You two, listen, kung hindi ninyong dalawa magagawang magkasundo mas mabuti pa siguro na wag na kayo pumasok sa loob dahil magiging pabigat lang kayong dalawa sa amin.” Paglit na sabi ni Mr. Grey habang naka pameywang sa harap ng dalawa
“Sir baka pwedeng sa iba na lang ako sumamang grupo, mukhang hindi makakayang makasama itong babae maingay na ito ng ilang oras.” Sabay pinandilatan nito si shun na kinainis ng isa.
“What! Kapal din naman ng balat mo sa mukha na puro make-up, ikaw pa talaga ang hindi makakatiis”. Naka pameywang nitong sabi kay lizzie
“Pwede bang tumigil na kayong dalawa, kung ayaw ninyong makasama ang isa’t isa mabuti pang maiwan na kayo dito sa labas.” Ani Mr Grey na hindi na matiis ang kaartehan ng dalawa
“Isa pa” dagdag ni Mr. Grey at huminto sa pag-aayos ng gamit nito
“Baka lang ha! Baka lang nakakalimutan nyo at gusto ko lang ipaalala sa inyong dalawa.” Sabay turo sa mga ito “na ang ginagawa natin ngayon ay bahagi pa rin ng pagiging intern niyo, isa pa hindi kayo naglalaro lang sa school katulad ng mga actvities niyo na pwede nyong gawin yang mga ugali na pinapakita nyo ngayon, kaya kung gusto ninyo makatapos umayos kayo.” At tuluyan ng tumayo upang pumasok sa loob ng kweba
Wala naman nagawa ang dalawang babae kung di sumimangot at sumunod dito
Napapailing na lang ako sa nasaksihan ko, kilala ko si Shun sa kanilang team ito talaga ang hindi papatalo sa kahit na anong bagay kahit sa kanya ayaw na ayaw nitong papatalo, sa team niya lahat sila magaling at walang naiiwan talagang itong si Shun ay natural na mahilig sa kumpetisyon
At ang team ko naman ay handa ng rin pumasok, sa paghahati ngteam ay random kaya ang mga ka team niya ay hindi niya ka-grupo sa pagkakataong iyon, ang makakasama nya ay si Mei na ka-grupo ni Lizzie at si Anton na kabilang sa orihinal na unang grupo at ang kanilang Leader ay walang ibang kundi si Lance, kaya naman ay sobrang ilang ang nararamdaman niya ngayon
Tingnan nya ito at nakita niyang mukhang handang handa na ito sa pagpasok sa loob, sa pagtitig niya dito mababakas sa suot nito ang kagandahan ng katawan nito, para ito born to be wild actor.. hehe, ang bag na gamit nito at ang flash light sa ulo nito ay bumagay din dito.
Habang titig na titig siya dito ay saka bigla naman itong nagtaas ng tingin kung kaya’t nagtama ang kanilang mga mata, pakiramdam naman niya ay parang sinilihan ang kanyang mukha at nag-init bigla siya ay nag iwas ng tingin, nangtingnan niya itong muli dahil sa pagaakala na hindi na ito na katingin ay nagkamali siya, dahil nakatingin pa rin ito sa kanya at naniningkit ang mga mata dahil sa pagkaka-ngisi nito.
Shit! Parang gusto na niya lumubog sa kinatatayuan niya dahil sa nararamdamang hiya “Antipatikong lalaki” bulong niya sabay irap dito at na unang lumakad patungo sa loob ng kweba dahil ayaw na niya mag tagal pa sa kinatatuyan niya
Naramdaman naman niya sumunod na ang mga kasama nya pati ito, pero ayaw niyang lingunin ang mga ito dahil hindi niya gustong makita ang mukha nito.
Pagkapasok nila sa kweba, ang bawat grupo ay maingat at masusing pinag-aralan ang bawat sulok at ditalye nito, naging maingat din ang bawat isa dahil may bahagi ang kweba na basa, dahil parang may butas ito kaya pinapasok ng tubig hindi naman ito ganoon kabasa pero dahil na din sa moist na nanggagalin lupa ang nagpadagdag para maging madulas sa loob.
Seryoso siya sa kanya ginagawa at hindi napasin ang bahagi ng kweba na madulas, at dito siya ay nadulas buti na lang at nahawakan siya ni Andrei kaya lang ay parang nainipit ang ugat sa kaniyang paa.
“ouch!” na pa-aray kong sabi
Kaagad naman siyang inalalayan ni Andrie at pati si Shun ay lumapit din sa kanya.
“Girl mag-ingat ka madulas sa banda dito”Ani Shun sa kanya
“Sandali, tingnan ko ang paa mo.” Ani Andrei at lumuhod sa harap niya bago pa niya ito mapigilan
At sa di kalayuan pakiramdam niya ay may pares ng mata na nag-aapoy sa pagtinginsa gawi nila, hindi na lang niya ito pinanasin
Dahil na papangiwi siya sa ginagawang paghilot ni Andrei sa kanyang paa
“okay, try mo nga na galawin ang paa mo” ani Andrei sa kanya
Sinunod naman niya ito at inikot-ikot, hay! Buti na lang at hindi gaanong malala at salamat kay Andrie”. Sa isip nya
“Buti nalang nandito ka” ani ko kay Andrei sabay hawak sa magkabila nito balikat
“ako pa.. hehe” ani Andrei sabay hampas sa sariling dibdib
Hmmmpp!.. sabay pisil ko sa dalawa nitong pisngi
“Ahh! Yan ba ang kapalit ng tulung ko, babe! Ang sakit ah”. Pero na kangiti nitong sabi habang hawak ang pisngi nito
Tinawanan ko lang ito, at tinulak ko na ang mga ito upang bumalik na sa mga ka-team nito, dahil gusto na rin niyang lumayo doon sapagkat hindi na niya matiis ang presensya ng mga matang nakatingin sa kanya.
May napansin siya medjo maliit na lagusan, dito tinawag niya si Mei at Albert
“Mei” tawag niya dito sabay kaway upang ito ay lumapit sa kanya kasunod nito si Albert
“Mayroong maliit pang lagusan dito sa tingin ko ay kailangan din nating pasukin ito”. Wika ko sa kanila habang sirusuri at iniilawan ito