Nagising si Miles dahil nakaramdam siya ng gutom, bumangon siya upang humanap ng makakin pero, laking gulat niya ng mapansin na wala na siya sa bundok kundi sa ibang lugar na naman
Naguguluhan na siya dahil kung panaginip lang iyan bakit paulit ulit lang sa lugar na iyon kung saan siya nagigising, iisang kwarto lang ang namumulatan niya at iba-ibang ang pangyayari na nagaganap kung ito ay isang panaginip lang, sinubukan niya kurutin at sampalin ang sarili, pero talagang nararamdaman niya ang sakit
Dahan dahan siyang tumayo, inikot ang mata sa paligid pero, mag isa lang siya, wala yung bata na una niyang nakita sa panaginip, pati yung lalaking kahawig ni Lance ay wala din
tahimik siyang lumabas ng bahay, nang may pusa na biglang tumalon sa harap niya dahilan upang magulat at mapasigaw siya ng bahagya, agad niyang tinakpan ang kanyang bibig upang hindi siya marinig.
Lumingon lingon siya sa paligid pero ni isang tao ay wala, tumakbo siya palayo sa lugar, medyo padilim na at hindi niya alam kung saan siya pupunta, dahil ang mahalaga ay makaalis siya sa lugar na iyon.
Habang nag lalakad siya ay biglang may malaking braso ang humawak sa kanya, nakahit anong pumiglas niya ay hindi niya magawang makawala, wala rin kagalaw galaw na parang walang epekto ang pagwawala niya sa taong nakayakap sa kanya sa likod.
“Sino ka, bitiwan mo ako.” Nag pupumiglas pa din niyang sigaw
“binitiwan mo ako.” Sigaw niya ngunit parang wala itong naririnig patuloy ito sa paglalakad pabalik sa bahay kung saan siya tumakas
Pagkarating nila sa bahay ay saka palang siya nito pinakawalan, sa takot ay tumakbo siya papasok ng kwarto ng walang lingon at sinara ito
ang bahay ay gawa lang sa kahoy at kawayan, pero halatang magagandang uri ng kahoy ang ginamit upang maitayo ito, kaya hindi madaling masira
Sa pagmamadaling makapasok sa loob ay hindi na niya nakita kung sino ang lalaki bumitbit sa kanya pabalik ng bahay na iyon at sa pag tataka niya ay hindi din sumunod ang lalaki sa kwarto
Hindi niya alam ang kanyang gagawin kailangan niyang mag-isip ng paraan upang makaalis sa lugar.
Tumayo siya saka tiningnan ang bintanang kahoy pero may nakaharang dito.
Habang abala sa paghahanap ng daan para makaalis sa bahay na iyon ay biglang bumukas ang pinto
Sa takot niya ay napapikit na lang siya, umupo sa isang gilid at tikpan ang kanyang mga tenga
Lumapit ang lalaki sa kanya at hinawakan siya sa balikat
“Wag mo ang akong hawakan, pakiusap.’ Naiiyak kong sabi sa lalaki, pero parang wala itong narinig naramdaman niyang niyakap siya nito
Buong lakas niya itong tinulak.”Please don’t touch me... please, don’t come near me.” Umiiyak ko nang sabi sa sobrang takot
Pero sa pagtataka ko tumayo lang ang lalaki at lumabas ng kwarto, buong akala nya sasaktan siya nito, pero walang imik ito na lumabas lang ng kwarto.
Saka naman siya dumilat, hindi na niya aalam ang gagawin gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon, dahil sa una pa lang ay hindi niya alam kung papaano siya na punta doon.
Lumakad siya papalapit ng pinto ng bigla itong bumukas
Napatulala na lamang siya sa kanyang nakita, para siyang tinulos na kandila sa kanyang kinatatayuan, ni hindi niya magawang makapag salita, hindi rin niya mapaniwalaan ang kanyang nakikita
Si Lance ba ang kanyang nakikita, ano ba talaga ang nagyayari sa kanya, hindi niya mahanapan nang sagot na aangkop sa sitwasyon niya ngayon
Si Lance ay nakatayo sa harapan niya, pero iba ang pananamit nito, nakatali ang medyo mahaba nito buhok pataas at may nakataling tela na may mga simbolo at kulay pula sa ulo nito, wala itong suot na pang itaas tangging ang ibaba lang nito ang natatakpan ng bahag, para itong tribo sa ifugao ang suot nito pero iba pa rin lalo na ang mga simbolo sa suot nito ay hindi ko pa nakikita sa history ng bansa, hawak nito ang mga pagkain na sa tingin niya ay para sa kanya, naka tingin ito sa kanya pero hindi tulad ng unang matilim kung tumingin, ang tingin niya sa akin ay puno ng pag-aalala ang pagmamahal na para bang may kaugnayan kami sa isa’t isa na hindi ko maintindihan.
“Lance”. tanging pangalan lang niya ang salitang nabigkas ko
pero ito rin ang salita na nagpabago sa expression nito, tumalim ang pagkakatitig nito na para bang tigre na handang lusubin ang kanyang mga target.
Napaatras na lamang ako sa takot, walang salita at bigla niya binaba ang hawak na pagkain, at lumabas ng kwarto, narinig na lamang niya na nilock nito ang pinto.
Wala siyang nagawa at muling na lamang umiyak ng medyo na himasmasansa pagkabigla
“Bakit nandito si Lance, ano ba talaga nangyayari.” Yakap niya ang kanyang binti at patuloy ang pag iyak
Nang maramdaman niya ang isang kamay sa kanyang balikat at pilit na tinananggal nito sa pagkakayap sa kanyang binti. Sumisigaw sila at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito
“hhaaa” sigaw niya
Dahan dahan ay dumilat siya nakita niya ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa kanya na puno nag pagaalaa
Humihingal siya at habang habol-habol ang kanyang paghinga
“Miles anong problema, ano bang napanaginipan mo”. Tanong na may pagaalala ni Cel
“kanina ka pa namin ginigising, pero ayaw mong gumising, saka kanina mo pa din titanawag ang pangalan ni Mr. Lance”. ani Shun
Pero hindi pa rin sya na salita ang umiyak na lamang
Nataranta naman ang dalawa dahil hindi nila alam ang nagyayari
“Girl ano ba? Pinag-aalala mo kame, ano ba kasing napana ginipan mo? Habang pinupunasan nito ang kanyan luha
“ tignan mo ang itsura mo pawis na pawis ka, yang mukha mo puro luha”. Ani Cel
“panaginip lang yan, nandito kame ni Cel huh, wag kang mag-alala”. Anito na hinahaplos ang kanyang likod
“ikwento mo samin ang napanginipan mo, para kahit papaano ay mawala nag bigat na nasa iyong dibdib.” Ani shun habang pinipunasan ang kanyang pawis
Tango siya bilang tugon, at sinimulan ang kanyang kweto, sinabi niya sa dalawa ang lahat simula sa pagdating nila sa sa lugar na iyon hanggang sa mga oras na iyon, wala siyang detalye na iniwan.
“ Naku, girl mukhang inlove ka, na love at first sight ka na, besh.” Ani Shun na hindi na niniwala sa mga sinasabi niya
“bakit hindi kayo na niniwala, totoo ang sinasabi ko.” Pagpupumilit ko
“Girl, sabi mo nag simula yang nung makita mo si Mr. Lance sa Company natin, hindi ka naman tulog non ah!” pero diba mukhang na maligno ka na.” tapik nito sa balikat niya habang naka ngiti
“So ibig sabihin na love at first sight ang kaibingan natin.” Ahaha tawa ni Cel
“in denial ka lang kaya yun ang mga napapanagnipan mo ay hindi maganda”.. pabiro pang sabi ni Shun