Chapter 37

945 Words
Alas syete na ng umaga ng magising si Miles, tirik na tirik ang araw sa labas dahil tumatagos na ang liwanag nito sa binta kahit may kurtina pa ito Bumangon na siya at niligpit ang pinaghigaan, pag tingin niya sa kama ay wala na ang lalaki, kaya pagkatapos ng ginagawa ay lumabas na din siya “Gising ka na pala” anito “hmmp.. Good Morning” nakangiting bati niya dito, hindi na niya ito gaanong sinusungitan dahil sa ilang araw na ito lang ang kasama niya ay napalagay na din siya dito Tahimik lang ito minsan pero hindi naman pala ito masungit, mabait din naman ito sa gentleman pa, napangiti naman siya sa naisip “Mukhang ang ganda ng panaginip natin ah!” biro nito na para bang hindi gumawang eksena kaninang madaling araw “Sya nga pala pupunta ulit ako sa bayan, bibili ang nang kakainin nila mamaya, gusto mo bang sumama?” tanong nito sa kanya “Sige, nakakahiya naman kung ikaw lang mag-isa ang magaasikaso” aniya dito “Here, mag breakfast ka muna” abot nito sa nilutong waffles, kumpleto ang gamit sa resthouse na iyon kaya naluluto nila ang pagkaing naisin nila “Salamat, Coffee? Matitimpla ako” tanong niya dito “Ah, sige salamat may ininit na ako malapit na yang kumulo, dahil alam ko nang mukha kang kape” natatawang biro nito “Oo... hehehe, sinabi mo pa, kape na ata ang dumadaloy sa mga ugat ko” aniya na sinabayan ang biro nito, hindi nag tagal ay kumulo na ang ininit nito at sabay na silang nag-agahan ***** Mag-aalas dose na nang tanghali ng makabalik sila galing sa pamamalengke, bumili na lng sila ng mga ready to cook na mga ulam, tulad ng BBQ, relyenong bangus, nag order na din si Lance ng mga ulam na luto sa malapit na restaurant sa lugar at kinuha na lang nila dahil hindi nila kakayanin mag luto ng sila lang na dalawa Pinahiram din sila mesa ni bert upang may gamitin sila, nakasalubong nila ito bago sila magpunta ng palengke, ito naman ay kakababa lang ng bundok dala ang ibang gamit ng team, madilim pa lang ay naghahakot na ang team nila Bert ng kanilang gamit, ang ilan sa kasahaman nito ay binababa ang gamit sa unang bundok mula sa kweba at sila Bert naman ang kukuha nito para maibaba at maging mabilis ang kanilang paghahakot Matapos madala ang mga mesa ay muli itong umakyat upang tumulong sa mga kasamahan, sila naman ay nagsimula ng mag asikaso ng pagkain May ilang kababaihan na din ang tinawag ni Bert upang tumulong sa kanila, talagang mabuti ang kalooban ng mga tao dun kung kaya’t napadali ang kanilang pag aasikaso “Ate tawag po kayo ng boyfriend nyo” ani ng dalagita na kapatid ni Bert na isa sa tumutulong sa kanila “Boyfriend?” aniya dito “opo, ayun po kumakaway na siya” turon nito kay Lance na tinatawag sya “Sige, Salamat” sabi na lamang niya dito at lumapit sa lalaki “Pwede mo bang akong tulungan dito medyo marami kasi itong iihawin ko e” anito ng makalapit sya “Anong sabi mo dun sa bata?” tanong niya dito na nakakunot ang noo “Sinabi ko na kung pwede tawagin ka!” alanganin pa nitong sagot dahil nagtaka sa tanong niya “bakit?” “Ah.. wala... wala... wag mo na akong pansinin kalimutan mo na un” sabay ngiti dito At nag-umpisa na silang mag ihaw ng ibang pagkain “Hindi ba parang ang dami naman ata ng mga pagkain na binili natin?” Tanong niya dito “Hindi naman, madami tayong papakain isa pa, hindi naman pwede na tayo-tayo lang ang kakain isinama ko na din ang mga tumulong mag buhat at sila” turo nito sa mga babaeng tumutulong ngayon sa kanila “Sabagay, nag mukha tuloy na may fiesta” aniya Tumatawa silang dalawa ng lumapit sa kanila ang babaeng kapatid ni bert “Wow! Ang sweet naman talaga nila, Sana all lahat ng may boyfriend na sweet” tudyo nito sa kanilang dalawa sabay kinuha nitoang kanilang naluto Nagkatinginan na lang silang dalawa ng tumalikod ito, bibo at makwela ang dalagitang ito. “Hindi kame magboyfriend” aniya dito bago pa ito makalayo Nang muli itong humarap sa kanila “Nahiya pa si ate, okay lang po yan, ang sweet sweet nyo po kayang tingnan kulang na lang po ay langgamin kayo... hihi” sabay takbo nito papunta sa ibang kasama na nagaasikaso ng table Pag lingon niya sa lalaki ay nakatingin din ito sa kanya habang naka ngisi “Anong nginingiti-ngiti mo jan?” nakasimangot niyang tanong dito “Wala! Natutuwa lang ako dun sa bata... hehe” nangaasar pa nitong turan **** Natatawa si Lance sa reaction ng dalaga, lalo na ng mamula ang pisngi nito dahil sa sinabi ng dalagita Wala siyang sinabi na kahit ano sa dalagita ito na lamang ang nag-assume na mag boyfriend at girlfirend silang dalawa dahil ng nagpunta sila sa peryahan ay nakita pala nito ang pagtatlo nila at hindi ito sumakay ng kotse, at kung paano niya ito sundan at ang sweet moment nila ng pauwi na sila, nakita rin nito ang pagbuhat sa pinamili at pagsunod niya sa dalaga ng magpunta ito sa palengke kasama ang mga kaibigan nito Para daw silang aso’t puso, at hindi rin nagtatagal ay sweet na ulit sila sa isa’t isa, kinikilig pa ito habang nagkukwento sa kanya, napapangiti na lamang siya sa tuwing naiisip ang sinabi ng dalagita Malapit na silang matapos sa ginagawa nang makita ang mga kasamahan na nakabalik na galing sa kweba
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD