Chapter 36

1492 Words
“OMG? Ka-dramahan? Ano ang iyong mga sinasabi, sabihin mo na lamang kung hindi mo ako tanggap bilang asawa mo, dahil handa akong mag paraya makita ka lamang na sumaya, dahil mahal kita” malungkot niyang turan, pero anong sagot ang nakuha niya dito, wala! Nilakihan lang siya ng mata at iiling iling itong na nakatingin sa kanya, mukhang wala na talaga siyang pagasa na maibalik pa ang dating Mila, ibang iba na ito ngayon kumpara sa dati “Kung iyan ang iyong nais, hindi ko na ipipilit ang aking sarili” aniya dito, at tatalikod na siya dito ay bigla itong tumawa ng malakas “hahahaha... pasensya na hindi ko lang mapigilan na hindi tumawa” anito “grabe ka pa lang magselos... nakikita mo ba ang itsura mo ngayon, hahaha” tawa pa rin nito Nalulungkot siya sa kinikilos ng asawa, mukhang na sisiraan na ito ng bait, para siyang nanghina sa naisip niya Nang tatalikod na siya dito ay siya namang pagpigil nito, at yumakap sa kanya, nagulat siya sa ginawa nito at hindi kaagad nakakilos “Sa totoo lang tama ka magandang lalaki si Itoy, pero para sa akin ay mas lamang ka, mas komportable ako na ikaw ang kasama ko, nagagawa ko ang gusto ko ng hindi na iilang pag ikaw ang kasama ko, pakiramdam ko ay magiging ligtas ako tuwing ikaw ang nasa tabi ko, sumasaya ako kapag ikaw ang kasama ko, natutuwa lamang ako sa kanya dahil mayroon akong bagong nakikilala, magkakaroon na naman ako ng bagong kaibigan, pero hindi ibig sabihin ay lalamang na siya sayo, sabi mo nga diba ikaw ang asawa ko siguro hindi ka naalala ng isip ko, pero alam ko at nararamdaman ko na naalala ka ng puso ko” anito sa kanya habang nakabaon ang mukha nito sa kanyang dibdib Para naman siya nasa alapaap sa mga sinabi nito, lubos ang saya na kanyang nararamdaman para dito, kaya ginantihan niya ang pagyakap nito sa kanya, at mahipit din niya itong niyakap, Mahal na mahal niya ang kanyang asawa “Hindi ka na galit sakin?” Tanong nito habang nakatingala sa kanya, hindi pa rin niya ito binibitawan dahil simula ng magising ito ay ngayon lang siya nito niyakap ng ganoon “Kahit na kailan ay hinding hindi ako magagalit sa iyo” “Hindi ka magagalit kanina nga lang, hindi ma ipinta iyang mukha mo” sabay ngisi nito ***** Nagising si Miles dahil sa ungol na naririnig niya, hindi pa niya gaanong maimulat ang kaniyang mata ay pinilit na niyang abutin ang kanyang cellphone, pagtingin niya dito ay alas tres pa lang ng madaling araw. Sinilip niya ang lalaking natutulog sa lapag nakita niya itong hindi mapakali, pabaling baling ang ulo nito, halos maligo na ito sa pawis dahil balot na balot ito ng kumot, hindi naman gaanong malakas ang aircon sa loob ng kwarto, bakit ito nagkumot? Takang tanong niya sa sarili Bumaba siya sa kama at lumapit dito upang gisingin, ngunit bigla itong nagsalita “Mila... Mila... ako ang asawa mo... hmmp” napahinto siya sa tangkang paggising dito dahil sa narinig, nang muli itong magsalita “handa akong gawin ang lahat maalala mo lang ako.. ooohh... hmmp... Mila” mahina lang ang mga salita nito pero para siyang binuhasan ng malamig na tubig sa narinig at tuluyan ng nagising ang kanyang diwa, ng muli itong umungol, kaya ginising na niya ito “Lance... Lance..” tawag niya dito habang niyuyugyog ito sa balikat Nang dumilat ito ay bahagya pa itong nagulat ng makita siya nito, bumangon ito at nanatiling naka-upo habang ang kamay nito ay nakasalo sa sariling mukha, siya naman ay pinagmamasdan lang ito Akma siyang tatayo upang kumuha sana ng pamunas dahil basang basa ito ng pawis, nang bigla siya nitong hilahin dahilan para mapaluhod siya sa tabi nito “Sandali kukuha lang ako...” hindi na niya na ituloy ang sasabihin dahil bigla siya nitong niyakap, at isinubsob nito ang mukha sa kanyang balikat, para siyang naging estatwa pansamantala dahil sa ginawa nitong pagyakap sa kanya Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat nito “Umiiyak ba ito?” aniya sa isip. Hindi niya malaman kung paano ito papakalmahin, kaya niyakap na lamang niya ito at hinaplos ito sa likod “ssshhh... panaginip lang iyon, sshhh” aniya dito at patuloy ang ginagawa niyang paghaplos sa likod nito Habang pinapakalma ito ay siya naman ang hindi mapakali dahil sa sinabi nito habang natutulog, ang daming tanong sa isip niya, “Bakit parang pareho ang napanaginipan nila... hindi.. hindi baka ibang Mila ang tinutukoy nito... tama, ibang tao iyon?” pagkumbinsi niya sa sarili Nang medyo kumalma na ang lalaki ay bahagya niya itong tinulak paharap sa kanya “Sandali kukuha lang ang ng pamunas, basang basa ka ng pawis” aniya dito at saka tumayo Tahimik lang itong sumandal sa kama, habang nakayuko lumapit siya dito at pinunasan ang leeg nito “Grabe ang pawis mo, basang basa din ang T-shirt mo” saka muling tumayo at kumuha ng pamalit nito “Eto, mag palit ka” aniya sabay abot ng T-s**t dito Lumabas siya upang kumuha ng tubig, at pagbalik niya sa kuwarto ay nakaupo na ito sa kama habang nakayuko at sapo ang ulo “Bakit hindi ka pa nagpalit ng damit mo? Basang basa ka ng pawis... uminom ka muna” aniya sabay abot sa hawak na basong may tubig Kinuha nito iyon “Salamat” anito sa kanya, kinuha niya ang baso at nilapag sa side table “Magbihis ka muna, tanggalin mo na yang damit mo” at pinulot niya ang binigay niyang damit kanina dito Bahagya pa siyang nagulat ng bigla itong magtanggal ng damit sa harap niya, pero hindi niya pinahalata dito “Ano ba ang napanaginipan mo?” tanong niya dito, pero tumitig lang ito sa kanya at hindi nagsalita Kinumpas niya ang kamay sa harap nito “Tulog ka pa ata, Sabi ko ano ba ang napanaginipan mo?” ulit niyang tanong dito Ngumiti lang ito sa kanya “Hehe... Hindi ko matandaan, nakalimutan ko na” anito sabay hawak sa batok nito “Huh! Nakalimutan mo na pero umiyak ka”aniya at tumingin dito, pero tumahimik lang ito “Hayy... dyan ka na sa kama mahiga ako na lang dito sa lapag” sabi niya “Hindi na dito ka na ulit” anito at akmang tatayo na pero pinigilan niya “Hindi... jan ka na mahiga” matigas niyang turan dito “Baka kaya ka binangungot ay dahil hindi ka kumportable dito” dagdag niya “Salamat” anito Napangiti naman siya dito “Ako nga ang dapat magpa-salamat sayo e” aniya, at nginitian ito “Sigurado ka, ayos ka lang jan?” tanong nito sa kanya “Oo naman, sanay ako sa ganito, saka bukas na rin ang balik nila kaya makakalipat na ako sa kabila, masosolo muna ito” biro niya dito, pero mukhang hindi epektibo dahil seryoso lang ito Tahimik lang itong nakahiga at nakatitig sa kisame at ang kamay nito ay nakapatong sa noo nito Nahiga na rin siya, hindi pa rin niya maiwasang hindi mapaisip sa sinabi nito habang nanaginip ito, baka may kaugnayan ito sa panaginip niya? Baka pareho silang bumabalik sa nakaraan? O baka nagkataon lang? Talaga kayang may asawa na ito ano kaya ang nangyari bakit ganoon ang panaginip nito? Mga tanong na nabuo sa kanyang isip ng mga oras na iyon, kaya hindi na niya napigilan pa ang sariling tanungin ito “Sino si Mila? Siya kasi ang tinatawag mo kanina ng nananaginip ka” hindi niya nakita ang reaksyon nito, bumunting hininga lang ito pero hindi nagsalita, hindi na niya ito pinilit dahil mukhang ayaw nitong mag kuwento “Anino ng nakaraan na hindi ko magawang makalimutan” makahulugan nitong tugon sa tanong niya “hayy” napabuntong hininga siya, mukhang nagkamali siya ng iniisip “Matulog na lang tayong muli, dahil sigurado na busy na naman tayo bukas, Good night... ay Morning na pala” aniya, narinig pa niya ang bahagya nitong pagtawa “Good Morning din sayo... sige matulog ka ng muli, pasensya na at nagising pa kita” paumanhin nito “Naku wala iyon, ako nga itong nakaabala sayo” “Salamat” anitong muli Hindi na siya sumagot at napangiti na lang, bumaling siya patalikod sa kama saka pinilit na lang ang sarili na makatulog muli *** Sinilip ni Lance ang dalaga na nakahiga sa lapag dahil hindi na ito tumugon sa kanya, nakita niya itong patalikod na nakatagilid sa kama Hindi niya masagot ang tanong nito dahil ayaw niyang malaman ng dalaga ang kanyang napanaginipan, kaya sinabi na lamang niya na hindi na niya maalala pa Dahil kahit siya, sa sarili niya ay nalilito na rin, pilit niyang pinaglalabanan ang nararamdaman ngunit nahihirapan na siya, kaya kahit sa panaginip ay napapanaginipan na niya, kahitnahihirapan na siyang matulog ay pinilit pa rin niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD