Chapter 35

1320 Words
“Anong problema naman ng isang ito” aniya sa isip at dinala na ang ginawa sa mga ito “Kakaiba ang paggawa mo ng kape, binibini sa iyo ko lamang ito nakita, at sobrang bango habang ginagawa mo ito “Huh!” nagtataka niyang reaction sa mga ito “Hindi ko alam na marunong ka palang gumawa ng kape” ani Landro sa kanya, paano naman kasi nito malalaman ay hindi siya nito hinahayaang kumilos sa bahay tangin ito lang ang madalas na gumagawa “anong tawag sa mamamaraan mong iyon binibini?” tanong ng bisitang lalaki sa kanya “Ahh! Hindi ko din alam, naisip ko lang” sabi na lang niya dahil kahit sabihin niya ay hindi naman siya maiintindihan “Kami kasi pag gumagawa na kape ay inihahalo namin sa pinakulong tubig pag ang buto ay naibusa na” nakangiting turan ng lalaki, mabait ang lalaki magalang at sweet kaya napapalagay na din ang loob niya dito, pero hindi ibig sabihin ay may gusto siya dito “Uhmmp, ang sarap at mabango pa” anito ng tikman ang ginawa niya Napangiti siya sa lalaki dahil na gustuhan nito ang ginawa, hindi tulad ng kanyang lolo na madalas siyang pagalitan dahil mali daw ang gingawa niyang paggawa “Anong nilagay mo dito hindi siya masyadong mapait?” nakangiti pa rin ito sa kanya “naglagay ako ng kaunting pulot para mawala ang sobrang pait nito” masigla din niya tugon dito Nang sumingit ang lalaki na kanina pa hindi maipinta ang mukha “Itoy, diba may sasabihin ka?” anito sa lalaki “Itoy” ulit niya sa pangalan nito, bigla tuloy niyang naalala si Shun dahil kung nandon ito ay nanlait na ito, parang hindi bagay dito ang pangalan nito “Oo binibini iyon ang tawag sa akin, pero Anton talaga ang tunay kong pangalan” paliwanag nito sa kanya, at napatungo na lamang siya dito “Siya ang namumuno sa silangang bahagi tarangkahan ng tribo” ani Landro “Gusto ko lamang itanong, bakit iba ang kulay na nakatali dyan sa noo mo?” tanong niya sa mga ito “Ah, ito” ani Itoy sabay hawak sa tali sa noo nito “bawat tarangkahan ay iba-iba ang kulay at simbulo na nakalagay upang malaman ng bawat miyembro sa tribo kung saan bahagi kame nanggagaling, Sa Silangan bughaw ang kulay dahil dito nanggagaling ang mga tubig na pinagkukunan ng tribo sa bawat tarangkahan, sa Hilagang bahagi naman ay kulay luntian dahil nandito ang iba’t ibang klaseng mga pananim dahil sa mataba ang lupa sa lugar at magada ang tubo ng mga pananim, Kanluran naman ay kulay dilaw, sa katunayan niyan ay marami kang matatagpuan sa bahaging iyon ng tribo, ngunit mas marami kasing mga tanim doon na kulay dilaw ang nagiging bunga at sa bahaging iyon lamang mas marami, tulad ng mais at saging mas marami ito dito kaya iyong ang kulay na sumisimbulo sa lugar, at sa Timog dahil dito ang pinanggagalingan ng mga karne ng hayop na pinagkukuhanan ng tribo kaya kulay pula ito” mahabang paliwanag nito sa kanya Nakatitig lang siya dito habang nagpapaliwanag ito, nagulat pa siya ng timikhim sa kanila si Landro “Ehemm, Itoy ano ang tungkol sa kaarawan ni Apong Oreng” anito putoy sa paguusap nila “Oo pinuno, dahil ikaw ang pinuno gusto namin na nandoon ka, Sumama ka din binibini, pati ang bawat pinuno ng bawat tarangkahan ay pupuntadin doon, siguradong marami kang makikilala kapag sumama ka” naka ngiting turan nito At ngumiti din siya dito, “Sige” aniya na medyo nahihiya pa Nang biglang malakas na binagsak ni Landro ang hawak nitong tasa dahilan ng sabay nilang paglingon dito, ang talim ng tingin nito sa kanilang dalawa ni Itoy “Itoy hindi ka pa ba uuwi, masyado ng malalim ang gabi at delikado na sa labas” malamig nitong tanong sa lalaki “Madilim na at delikado, hindi ba dapat dito na siya magpalipas ng gabi” tanong niya dito, na lalong nagpadilim ng anyo nito “Naku binibini, hindi na kailangan kaya ko ang aking sarili salamat sa iyon pag-aalala, isa pa ako ang pinuno sa Silangan kung kaya ay kinakailangan ko din makabalik” naka ngiting turan nito “Ipabatid mo na din kay Apong Oreng na dadalo kame sa kasiyahan” ani Lando At tumayo na ang mga ito “Salamat pinuno” saka ito nakipag kamay dito, kasunod siya ng mga ito na lumabas ng bahay “Salamat binibini sa masarap mong kape” baling nito sa kanya “Maaring kang pumasyal dito kung gusto mo at igagawa kitang muli” aniya dito “Sa muli kong pagbisita”anito “Pinuno, ako’y mauuna na salamat sa pagtanggap sa aming paanyaya” anito at muling nakipag kamay dito Kumaway siya dito ng papaalis na ito at ganon din ito sa kanya at ng tumalikod na ito ay hinila siya ni Landro papasok sa bahay at sinara ang pinto Agad din siya nitong binitawan at lumalikod sa kanya, hindi na lang niya ito pinansin, inasikaso nito ang mga dala nito kanina kaya lumapit siya dito upang tulungan ito sa kinagawa “Tulungan na kita” aniya dito at nang aabutin niya ang basket na may lamang prutas ay bigla nitong kinuha at nilayo sa kanya “Ako na maupo ka na lamang” malamig nitong tugon Ano ba ang problema nitong mokong na ito, tanong niya sa kanyang isip, alam niyang pagod na ito sa maghapon kung kaya’t nag pilit siyang tulungan ito “Hindi tutulungan na kita, alam kong pagod ka sa maghapon” aniya at nginitian ito Pero hindi pa din siya nito pinansin at tuloy lang sa ginagawa Kinuha niya ang dala nitong karne, ngunit bigla din nitong kinuha sa kanya at pabagsak na nilagay sa mesa, naiinis na siya hindi naniya ma-take ang lalaking ito “Sandali nga may problema ka ba?” iritadong tanong niya dito Pero hindi siya nito pinansin na lalo niyang kinainis, “Pisting yan, problema nito sa buhay” sa isip nya Patuloy lang ito sa ginagawang pagdadabog nito, baka pag hindi pa ito tumigil malamog ng lahat nang pagkaing dala nito “Maaaribang itigil mo yang ginagawa mo at kausapin mo ako, dahil naiinis na ako sa ginagawa mo” pagalit na niyang sabi dito Tumigil ito at tumingin lang sa kanya pero hindi pa rin nag salita “Anong problema mo?” tanong ulit niya dito “Ikaw, ikaw ang problema ko, alam mo na may asawa ka na at sinabi ko na iyon sa iyo, at ako iyon” himutok nito at tinuro ang sarili “Ako ang asawa mo, pero bakit ganon mo na lamang tratuhin si Itoy, parang mas gusto mo pa siyang kasama kaysa sa akin na asawa mo, ang tamis ng mga ngiti mo sa kanya at ang mga titig mo sa kanya ibang iba kumpara sa kung paano mo ako tingnan, simula ng magising ka kahit minsan ay hindi mo ako nagawang tingnan ng ganoon” galit nitong wika “Bakit Mila, hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin tanggap na ako ang asawa mo, mas gusto mo ba si Itoy kaysa sa akin?” Malungkot nitong tanong sa kanya Hindi siya makasagot sa tanong nito dahil na bigla siya at hindi niya inaasahan ang naging kilos nito, kaya tinitigan na lang niya ito “Hindi ka makasagot, ang ibig bang sabihin ng iyong pagtahimik ay may katotohanan ang aking mga sinabi” mababakas mo ang hinanakit at lungkot sa mukha nito “OMG! Grabe ka pa lang mag selos no, dinaig mo pa ang babae sa sobrang ka-dramahan mo” aniya dito na lalong nag pasimangot dito Ito na ata ang pinaka madramang lalaki na nakilala niya, sanay na siya sa mga ganitong eksana, kay Shun pa lang ay kotang kota na siya, ito ang lalaking vesion ni Shun
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD