Chapter 34

1069 Words
Lumipas ang maghapon pero wala na siya iba pang nalaman bukod sa sinabing iyon ni Minda, mukhang ingat na ingat ang mga ito sa pagsasalita pagdating sa kung bakit siya walang maalala Sino ba talaga si Mila sa panahong iyon, bakit ayaw nilang magsalita sa totoong dahilan bakit si Mila na ngayon ay siya na ay walang maalala, hindi dahil nawalan siya ng alaala dahil hindi naman talaga siya si Mila kaya wala siyang alam tungkol sa katauhan niya ngayon, ngunit hindi naman niya ito pwedeng sabihin sa mga ito dahil hindi maniniwala ang mga ito sa kanya Ang pinagtataka lang niya ay bakit ayaw ng mga itong magkwento, siguradong may malalim na dahilan at iyon ang kailangan niyang malaman maaaring may kaugnayan ito at ang dahilan bakit siya napupunta sa lugar na iyon Nasa malalim siyang pag-iisip at hindi niya napansin ang lalaking makakasalubong niya at ganon din ang lalaking makakasalubong niya dahil mukhang may hinahanap ito dahil lilingap lingap ito kaya pareho nilang nabangga ang isa’t isa “Ayyy” tili niya dahil sa nabangga niya, at hindi niya mapigilan ang sarili at babagsak siya dahil na out of balance siya At naramdaman niya ang malakas na bisig na humawak sa kanyang beywang para pigilan ang pagbagsak niya, hindi siya nakatingin dito dahil sa lupang babagsakan niya siya nakatingin kaya ng magtaas siya ng tingin ay nagulat siya sa nakita “OMG! Your so handsome” aniya dito dahil iba ang itsura nito kung ikukumpara sa mga tao sa paligid, macho, matangkad, matangos ang ilong, kayumanggi din ang kulay nito pero mamaputi ang kulay nito kesa sa iba, ngayon lang din niya ito nakita sa lugar Halos hindi nagkakalayo ang taas nito sa taas ni Landro pati ang itsura nito, parehong magandang lalaki, nakatali din ang buhok nito pataas at may simbolo din na nakatali sa noo nito, ang pinagkaiba lang ay kulay blue ang nakatali dito “Pasensya ka na binibini” anito at nakakunot ang noo “Hindi ko naiinindihan ang iyong turan” anito sa kanya “Ah” aniya saka sabay layo dito dahil napasin niyang nakahawak pa rin ito sa kanyang beywang “ay, pasensya na, ayos ka lang ba?” tanong nito “Ah... oo ayos lang ako, Salamat” aniya na medyo nahiya dito “Pasensya na binibini, hinahanap ko kasi si Pinuno nag punta ako sa bahay ninyo pero hindi ko siya nakita buti na lamang at nakasalubong kita ngayon” anito at nakangiti sa kanya Shook ang gwapo talaga para yung ganitong itsura ang mga sumasali sa Mr. Pogi ah! Sa isip niya “Kilala mo ako?” tanong niya dito Ngumiti ulit ito sa kanya at napahaplos sa batok nito “Oo naman binibini, wala sa tribo ang hindi ka kilala dahil ikaw ang asawa ng Pinuno” anito Ngayon nawala ang ngiti niya, may asawa nga pala siya sa lugar na iyon, hindi siya makaka da-moves, saka tinampal niya ang sarili “Ayos ka lang, bakit mo sinaktan ang sarili mo” nagtataka na may pagaalala ito at hinawakan ang pisngi na sinampal niya “Ayos lang may lamok kasi nadumapo” palusot niya dito, hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi niya upang tanggalin sana ng may nagsalita At pareho sila ng lalaki na napalingon sa pinanggalingan ng boses Si Landro ito at sobrang dilim ng pagkatingin nito sa kanilang dalawa, kung nakakamatay lang ang tingin na iyon ay malamang patay na silang dalawa Nakangiti naman na lumapit dito ang lalaki at bahangyang yumuko biglang paggalang dito “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito sa lalaki “Nandito ako pinuno upang anyayahan kayong dalawa sa kaarawan ni Apong Oreng susunod na araw” anito “Pumasok muna tayo sa loob upang mapagusapan iyan, at ikaw anong ginagawa mo dito sa labas sa ganitong oras, gabi na?” malamig nito tanong sa kanya “Ah, kasi nag libot libot lang kame ni Minda sa Tribo, hindi na ako nagpasama na uwi dahil kaya ko naman na” aniya dito “Bakit kayo magkasama na dalawa” matigas nitong tanong “Paumahin pinuno, ngunit nagkasalubong lamang kame ni Binibini habang hinahanap kita, iyong naabutan nyo kanina ay walang ibang ibig sabihin, may dumapo lamang na lamok sa kanyang pisngi kaya nasampal niya ang kanyang sarili nagalala lamang ang dahil na palakas iyon, paumanhin pinuno hindi na mauulit” mahabang paliwanag nito “Ah! Okay nagseselos pala ang mokong na ito kaya halos patayin ako sa tingin” aniya sa isip at napapangiti Napalingon naman sa kanya ang lalaki at nagkunot noo ito at bumakas ang pagtataka nito sa mukha ng makita siya napapangiti “Pumasok na tayo sa loob” anito at diredireso na itong pumasok ng hindi siya tinitingnan “Binibini halika na sa loob” anito at inalayan siya nito sa pagpasok na lalong kinadilim na mukha ng isa na ikina-ngiti naman niya dahil sa nakikita pagseselos nito “Itoy, maupo ka” anito sa lalaki “Salamat pinuno” anito at umupo paharap sa lalaki “binibini halika at maupo ka na rin dahil may gusto akong sabihin sa inyo” yaya nito sa kanya “Sige, gagawa muna ang mag maiinom” aniya dito Coffee beans lang ang naikita niya sa kusina na pwede gawin, kaya naginit siya nang tubig at giniling ang kape, alam niya kung paano ito gawin dahil ganito ang madalas na ginagawa ng kanyang lolo at tinuraan siya nito, habang nag papakulo ng tubig ay binusa niya ang coffee beans, at dinikdik iyon, kumuha siya ng katsa at nilagay tasang losa, wala din ibang gamit doon, kaya iyong na lamang ang ginamit niya, dito niya pinatong ang tela at nilagay ang dinikdik na kape Nang kumulo ang tubig ay kinuha niya ito at dahan dahang binuhos sa dinikdik niya kape, may alam din kasi siya sa pagba-bartending dahil isa din iyon sa mga naging part time work niya, hinayaan niyang dahan dahan tumuloy ang katas ng dinikdik niyang kape, nag matapos ay kumuha siya ng pulot at nag lagay siya sa kape, mahilig siya sa kape pero ayaw niya ng puro hindi niya kinakaya ang pait nito pag walang asukal Nang matapos ang ginagawa ay hindi niya na pansin na nakatingin pala sa kanya ang dalawang lalaki, ang bisita nila ang ngiting ngiti samatalang ang isa naman ay nakakuno ang noo, hindi pa ipinta ang mukha nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD