Chapter 33

1311 Words
Ganising si Miles sa mga halik sa kanyang pisngi, bigla siyang bumangon dahil akala niya kung sino ang humahalik sa kanya Nang mapansin ang isang batang babae sa kanyang hingaan at ito ay si Maria, parang nagulat din ito dahil sa bilaan niyang pag tayo pero hindi din nagtagal ay ngumiti din ito sa kanya “nan..na” wika ni Maria, hindi pa ito gaanong marunong mag salita, may mga salita ito minsan na hindi niya mantindihan Hindi rin sya sure kung 3 o 4 yrs old na ito, malikot na ito bibo “Halika nga dito” aniya dito at binuka ang kanyang kamay upang ito ay yumakap sa kanya Pinanggigilan niya ito sa pagyakap, medyo na sasanay na din siya at nalalaman na niya kung nasa kasalukuyan siya o sa panaginip na naman Pero ngayon sigurado na siya na hindi lang iyon basta panaginip lang dahil sobra namang wierd kung panaginip lang iyon kasi napapadalas na ito at hindi paulit ulit lang ang pangyayari sa kung saang lugar siya na pupunta dahil parang pangyayari talaga ito sa totoong buhay, pakiramdam niya ay nagpunta lang siya sa probinsya na malayo sa kabihasnan Kaya sigurado siyang bumabalik siya sa ibang panahon hindi lang niya matukoy kung anong panahon iyon, kailangan din niyang alamin kung ano ang dahilan bakit siya na pupunta doon at connection niya sa mga tao dun para magbalik siya sa nakalipas Nagulat pa si Miles ng biglang tumalon ang bata sa kandungan niya dahilan para maputol ang malalim niyang pagiisip sa sitwasyon niya Binuhat niya nag bata at lumabas na ng kuwarto, nakita niya si Minda na nagaasikaso sa kusina, nagulat pa ito nang makita nito na buhat niya ang bata “ayy, naku nagising ka ba nya, pasensya na hindi ko na pansin na nakapasok pala siya sa kuwarto” anito at kukunin sana nito ang bata sa kanya “ayos lang, ako muna ang magalaga sa kanya” aniya “Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” tanong niya dito “Ah! Binilin ka kasi sa amin ni Pinuno, umalis kasi sila kasama ang pangkat upang mangaso” naka ngiting turan nito “Ah. Ganon ba wala kasi siyang nabanggit sa akin kahapon” aniya dito at umupo siya sa upuan dahil sobrang likot ng bata na buhat niya “medyo malikot na siya ngayon at halatang nagigiliw siya sayo, Mila” ani Minda “hehehe... talaga, napaka siglang bata, at sobrang nakakagigil... hmmpp” aniya at muling niyakap ng mahigpit sa pinugpog ng halik “Ah, sya nga pala ilang taon na ba itong si Maria?” dagdag niya tanong dito “Nasa tatlo taon at apat na buwan siya” masayang tugon nito “Pero na pansin ko lang, parang hindi pa siya gaanong nagsasalita?” aniya “hahaha, naku nasasabi mo lang iyan ngayon, siya na ata ang pinaka madaldal na bata dito sa tribo” natatawa nitong tugon “Ah, kung ganoon ay nagiipon ka pala muna ng lakas ah” baling niya sa bata at kiniliti ito, tawa naman ng tawa ang bata sa ginawa niya “Nasaan nga pala ang iyon asawa, kasi napapansin ko na ikaw lang at ang anak mo ang madalas kong makita” tanong niya dito, sasamantalahin na niyang magtanong sa naka paligid sa kanya para makakuha na rin ng inpormasyon “Ah.. e.. anak? Asawa?” anito na tila nagtataka sa mga tanong niya “Oo, bakit? Hindi ba anak mo itong si maria?” nagtataka din niyang tanong dito dahil parang nagulat ito sa tanong niya “Sakatunayan niyan ay dalaga pa ako at wala pa akong asawa, hindi ko din anak si Maria” alangan ang ngiti nito sa kanya Nagtaka naman siya sa sinabi nito, mas lalo lang siyang na papaisip “Kung ganoon, ilang taon ka na ba?” aniya “Dalawampu’t dalawa na ang akin edad” nakangitin nitong turan “Mag ka-edad lang pala tayo” aniya sa nagulat na ekspresyon At sa turan niyang iyon ay ito naman ang kumunot ang noo “Ah Mila, hindi tayo mag ka-edad, mas matanda ako sa iyo ng dalawang taon” ngumiti ito sa kanya Ibinaba niya ang bata dahil malikot na ito dahil gustong kumawala sa kandungan niya at parang mabibitawan na din niya ito dahil sa nalalaman “Dalawang taon? Ibig sabihin nasa dalawampong taon pa lang ako?” nagulat niya tanong din, at naka ngiti lang itong tinungo ang ulo Wala kasing salamin man lang doon sa bahay kaya hindi niya makita ang itsura niya, nakita nya lang ang mukha niya sa reflection niya sa tubig sa lawa, at wala naman pinag kaiba kapag hindi siya nanaginip, kaya papanong dalawampo pa lang siya “Kung ganon ay ilang taon na si Landro?” naguguluhan niya tanong “Matanda lamang siya sa akin ng isang taon” anito habang nag aasikaso na ito ng mga niluluto nito Natahimik na lamang siya dahil sa nalaman, 20 yrs old palang siya at 23yrs old palang ang lalaki pero mag asawa na sila, paanong nangyari iyon mas dumadami na ang mga gusto niyang itanong at malaman, na nabuo sa isip niya ngayon “Kung ganoon, kung hindi mo anak si Maria sino ang magulang niya? Ako.. ako” at tinuro niya ang kanyang sarili “Si Landro nasaan ang pamilya namin, saka paano kaming naging mag asawa ang babata pa pala namin?” sunod sunod niya tanong sa babae “Mila... Mila, kumalma ka muna” pigil nito sa kanya dahil sunod sunod na ng mga tanong niya dito at hinawakan siya nito sa balikat Huminga naman siya ng malalim at kinalma ang sarili “Mila, makinig ka muna sa akin at sana maunawaan mo ako” anito at huminga muna ng malalim “Ginagalang namin ang mga desisyon ni Pinuno dahil sa kanya ay naging matahimik ang tribo at hindi na kame palipat lipat ng matitirahan, kaya sa ngayon hindi ko pa masasagot ang mga tanong mo, hindi ka pa masyadong magaling at baka kung pilitin natin na bumalik ang alaala mo ay mas lalong makasama sayo kaya dahan dahan lamang at huwag nating biglain na maalala mo ang lahat” mahabang paliwanag nito “Ano ang ibig sabihin mo ng dahil kay Landro?” tanong niya dito “Magkasama kayong dalawa na dumating dito sa aming lugar limang taon na ang nakaklipas at tumira kasama ng tribo, at si pinuno ay naging kanang kamay ng unang pinuno, tahimik ang tribo bago dumating ang mga bandidong kumukuha ng mga ari-arian ng mga tribo at napatay sa labanan ang pinuno, halos mawalan na ng pag-asa ang buong tribo, pero hindi sumuko si Pinuno para mabawi ang tirahan, pinaglaban niya ng kaniyang buhay, ang katahimikan natin ngayon” naluluha pa ito habang nagkukuwento sa kanya “Kasabay ng tagumpay na mabawi ang ating lupa ay pinadiwang din noon ang inyong pagiisang dibdib” dagdag pa nito habang ngiting-ngiti Napangiti lang siya dito “Tanong ko lang din, ilang taon na ang tribo?” baka sakali kung malaman niya ang tagal ng pagkatatag ay malaman din niya kung saan taon sya bumabalik “Ah, hindi ko yan masasagot dahil ang tangin alam ko lamang ay ang pinaka matandang nabubuhay sa tribo ay nasa isandaan at tatlumpo’t dalawang taon na” anito sa kanya “Saka hindi ko pa sa ngayon masasagot ang mga tanong diyan sa isip mo, kung ma iba ka pang katanungan kay si Pinuno lamang ang makaka sagot, at may tamang panahon para diyan, sana ay maunawaan mo?” humihingi ito ng pangunawa base sa mukha at tingin nito sa kanya “Salamat saka kahit papaano ay may nalalaman ako, kahit paunti unti” aniya dito Matapos nilang mag-agahan ay niyaya siya nito na lumabas muna at libutin ang tribo, pagkakataon na rin niya iyo upang makakalap ba ng inposmasyon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD