Chapter 32

1190 Words
“Haaayy” buntong hininga niya sobrang na pagod talaga siya dun ah, mas nakakapagod palang sumigaw sa horror house kesa sa pag-akyat ng bundok aniya sa sarili Tumingin siya sa kwarto niya, siguro ay tulog na ang dalaga kasi ay wala na siyang naririnig pa na ingay mula sa loob, hindi muna siya pumasok sa kuwarto niya dahil hindi pa rin naman siya inaantok kaya na isip muna niyang manood ng TV, nang magsawa ay pinatay na rin niya ito at pumasok na sa kuwarto para mag linis na din, simula kasi ng makabalik sila galing perya ay hindi pa sya nagbibihis Pagpasok niya ay nakita niya itong nakaupo pasandal sa headbord ng kama, napatingin din ito ng pumasok siya “Ah, inayos ko na rin pala yung hihigaan mo” anito medyo nahihiya pang ngumiti at itinuro ang nakaayos na higaan tulad ng pwesto niya noong una ito natulog doon “Ah.. oo cge, salamat” tugon niya dito at pumasok na sya sa banyo Pag labas niya ay nakita niya itong parang hindi mapakali at tila may hinahanap nang matabig nito ang kanyang bag na nakapatong sa maliit table malapit sa kama at nahulog sa sahig, kaagad din naman nitong pinulot iyon pero mas lalo lang nagkalat ang laman ng bag niya dahil hindi nito na pansin na bukas ito, pinanuod lang niya ito habang pinupulot nito ang mga gamit niyang nagkalat Hindi pa rin siya nito napapasin dahil busy ito sa ginagawa nang bigla itong natigilan at may kinuha sa bulsa ng bag niya, at ito ay ang Family heirloom na kuwintas na binigay sa kanya ng lola niya Lumapit na rin siya dito at tinulungan itong ayusin ang nagkalat niyang gamit at kinuha dito ang kuwintas “Sorry natabig ko yung bag mo, hindi ko sinadaya naghahanap kasi ako ng charger nalowbat kasi ako, hindi na ako nagpaalam at nakialam na ako sa mga gamit mo” nahihiyang paliwanag nito **** Nagchecheck si Miles ng emails sa kanya at mga credentials kailangang isubmit sa School pag na tapos ang internship, para habang wala siyang ginagawa ay maunti unti niya ang mga ito, pero ayaw makisama ng cellphone dahil nag warning na ito 5% na lamang ay malo-lowbat na siya, gusto sana niya katukin ang lalaki sa banyo pang manghiram ng charger nito pero nahihiya siya kaya hinanap na lang niya ito ng walang paalam Pero biglang bumagsak ang bag nito sa sahig dahil hindi niya sinasadayang matabig ito, kaagad niya ito pinulot dahil parang may narinig siyang nabasag “Naku patay na” bulong niya Pinulot niya ang bag sa lapag ng mas lalo nagkalat ang laman nito, hindi niya napasin na bukas ito, kaya ang lahat ng laman nito ay nagkalat sa sahig Inisa-isa niyang pulutin ang mga gamit nito ng mapasin niya ang isang kuwintas, parang ito ata ang narinig niya kanina “Patay talaga ito ata yung narinig niya kanina na parang nabasag” aniya sa sarili, pinakatitigan niya ito, tinitigan ng mabuti kung design lang ito o nasira niya, pero mukhang may nawawalang bahagi nito, lagot na! Nang bigla itong sumulpot ito sa likod niya, nakabihis na rin ito at kinuha sa kanya ang hawak niyang kuwintas, mukhang kakalabas lang nito sa banyo “Sorry natabig ko yung bag mo, hindi ko sinadaya naghahanap kasi ako ng charger nalowbat kasi ako, hindi na ako nagpaalam at nakialam na ako sa mga gamit mo” hingi niya ng paumanhin “Ayos lang” anito at pinulot pa ang natitirang mga gamit nito sa sahig “Yung charger nandon malapit sa Laptop” anito sabay turo sa kinakalagyan nito Lumapit siya papunta sa tinuro nito, pero hindi siya mapakali sa hawak nitong kwintas, nakatingin ito dito napansin ata nito na nasira niya iyon “Sorry sa kwintas mo, nasira ko ata parang may nawawala kasing bahagi niya, kaso hindi ko alam kung saan napunta” paliwanag niya dito “Hindi ko rin alam kung nasaan ang bahagi ng kwintas” tugon nito Naku patay na talaga, “Sorry talaga, wag kang magalala bukas na bukas din hahanapin ko kung saan ito tumilapon, mag lilinis na lang ako dito para makita ko iyon” aniya dito na kinakabahan, mukha kasing napaka importante ng kwintas para dito Pero ngumiti lang ito sa kanya, na pinagtaka niya hindi ito galit sa kanya na nasira niya ang gamit nito “Hindi na kailangan, dahil matagal ng wala ang bahagi ng kwintas na ito, bata pa lang ako ganito na itsura nito” paliwanag nito “hweew!” aniya sabay tinapik tapik ang dibdib “kala ko talaga nasira ko, dahil sa pinakialaman ko ang gamit mo” Natawa naman ito sa kanya “Ayos lang” tipid nitong sagot “Paanong nawala yung bahagi ng kuwintas mo at saan mo din iyan nakuha kasi mukhang luma na” usisa niya dito Ngumiti lang ito sa kanya at binalik ang kuwintas sa bag “Ay, sorry hindi mo na kailangan sagutin ang tanong ko na curious lang ako” aniya kasi pakiramdam niya ayaw nitong sabihin “Giling ito sa lola ko, binigay sakin nuong bata pa lang ako, pero ganyan na iyang ng binigay sa akin, Family heirloom namin ito” tugon nito sa tanong niya “Sorry ah!” aniya “Na curious lang kasi ako, paanong siyang nasira ang ganda pa naman sana, paano pa kaya kung buo ito” makulit niyang tanong dito “Hindi ito sira may partner ito, pero hindi na nakita dahil may pinag-iwanan ang lola kaso hindi na niya matandaan kung saan niya naiwan dahil na din sa sakit niya alzheimers, tinangka pang hanapin ni Papa pero wala din hindi rin natagpuan” paliwanag nito “Sayang naman” sabi na lamang niya at hindi na rin pa siya nagtanong dahil Family matters na iyon, na curious lang kasi talaga siya Nag charge na lamang siya ng phone niya at humiga na rin sa kama ganoon din ang lalaki pumuwesto na ito sa higaan nito malapit sa kama “Pasensya ka na ah, kinuha ko yung higaan mo” aniya dito na nakapikit na “Wala iyon, ayos lang sa akin sanay ako sa mga ganitong bagay, sige na matulog ka na kasi gabi na rin” anito sa kanya “Sige, Good Night” sabi niya dito na medyo nagtataka, kasi bigla itong naging parang matamlay samantalang kanina ay tawa pa sila ng tawa tapos ngayon, parang pilit na lang ang ngiti nito Hinayaan na lamang niya itong magpahinga baka dahil na pagod lamang ito *** Tulog na ang dalaga pero siya ay ayon gising na gising pa rin, kinuha niya ang kuwintas at itinapat iyon sa ilaw ng lampshade, kuminang ito dahil sa epekto ng ilaw na tumatama dito galing sa lampshade, at mapiit siyang napangiti “Tama ka, maganda sana ito kung kasama nito ang partner nya na hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin mahanap ang daan pabalik” bulong niya sa sarili at napabuntong hininga na lamang Nilagay na niya ang kuwintas sa drawer at sinilip muna ang dalaga, bago siya muling nahiga at malutog
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD