Chapter 31

1273 Words
Halos mahilo siya sa sinakyan nila, kung hindi lang sa babaeng ito hindi siya sasakay sa rides na iyon, humanda ka sakin mamaya aniya sa sarili, nang mahimasmasan siya ay niyaya niya ang dalaga sa Horror House, naririg kasi niya ang mga tili ng mga babae na pumapasok don “Tingnan ko lang kung hindi ka matakot.. makakabawi din ako sayo.. huh” aniya sa isip Pagpasok pa lang nila ay nagulat na siya sa multong lumabas, pero si Miles ay walang reaction “Okay simula pa lang naman yan, pag nasagitna natayo.. ewan ko lang kung hindi ka yumakap sa akin” payabang pa niya sa sarili Pagpasok pa lang nila sa unang pinto ay medyo nakakatakot na ito, kakaiba ang ambience nito kaya pala sumisigaw ang mga pumapasok dito, nanguna siya sa magpasok at salikod niya ang dalaga Nang biglang may bumulaga sa harap niya kaya napasigaw siya “Haaaaaaa” halos maubo siya sa lakas nangsigaw niya Nakita naman niya ang dalaga na tinatawanan siya, nagulat lang siya kaya napasigaw siya, hindi na iyon mauulit pa, wala sila sa kalagitnaan ay sunod sunod ang multong bumubulaga sa kanya Kung kanina ay nasa unahan siya ni Miles ngayon ay nasa likod na siya “okay sige inaamin na niya, nagsisisi na siya na niyaya niya itong pumasok doon” aniya sa isip malay ba niyang hindi ito takot sa mga ganoon Halos mapunit ang bibig niya kasisigaw samantalang ito tawa lang ito ng tawa ang nakikipag high five pa sa mga multo Halos mabasa siya ng pawis pagkalabas nila ng Horror House, ang akala niya ay yayakap ito sa kanya sa takot siya pala ang manghihila dito palabas doon sa lugar, hindi siya duwag okay, nagugulat lang siya Nakangiti itong nakatingin sa kanya “Oh, hindi ko alam naligo ka pala... haha” pangaasar pa nito sa kanya “Feeling ko sumabog ang eardrums ko sa sigaw mo... hehe” sabay hawak sa tenga nito “Ayoko na umuwi na tayo” sabi na lang niya dito feeling niya kasi wala na siyang boses “Ano sayang naman ang rides all you can, nakakadalawa pa lang tayo” reklamo nito “Dito na lang ako, hihintayin na lang kita dito” sabi niya dahil na ubos na lang lakas niya kakasigaw “Ano bayan wala namang saya pag mag-isa, ikaw ang nagyaya sakin dito tapos, mag-isa lang ako” reklamo pa nito “Tara sa Octopus” anito at tinuro sa kanya ang parang tasa na parang galamay na taas baba, parang hinahagis ang mga sakay nito “No..no.. no” aniya at pinag cross pa ang kamay niya “Doon na lang” turo pa nito sa rides, na mas lalong ayaw niya kung saan nakaupo sa pabilog saka iikot ng pa 360 degree, na pag dating sa taas ay nakatiwarik ang mga sakay, mamali lang ang paglagay ng safety bars sa mga sakay siguradong laglag ang mga ito “Hay naku, ang KJ mo naman, isa na lang at uuwi na tayo” anito “Okay isa na lang” paninigurado niya “OO, saka hindi ka mahihilo dito” sabi nito sa kanya Pabilog ang rides na ito tapos may mga parang duyan na nakasabit dito, isang tao lang sa isang upuan pero mag katabi sila malayo lang siya nang konti sa isa’t isa Nang masimula na itong umikot ay dahan dahan lang, hindi ito gaanong nakakatakot magaan sa pakiramdam, pag tingin niya sa dalaga ay nakataas ang kamay nito at nakapikit, dinadama ang hangin Medyo bumimilis ang ikot nito pero hindi pa rin nakakatakot sakto lang “Ano natatakot ka pa” anito na nakangiti sa kanya, nginitian lang din niya ito, mukhang mas patapang pa ito sa kanya Inabot nito ang kamay sa kanya “Humawak ka para hindi ka matakot” anito sa kanya ng nakangiti Napangiti siya at hinawakan ang kamay nito, may maganda din palang maidudulot nagpagsigaw niya sa Horror House e Hindi na ito na ngulit pa na sumakay sa iba pang rides, pagkatapos ng rides na iyong ay kumain muna sila sa fast food na meron sa lugar, at nagpasyang umuwi na rin kasi malayo layo pa rin ang lalakarin nila dahil hindi sila nagdala ng sasakyan Bago umalis ay dumaan muna sila sa mag Ama “Kamusta nag-enjoy ba kayo sa mga rides” tanong sa kanila ng matandang lalaki “Ako ho nag-enjoy, ewan ko lang dito sa kasama ko” ngisi sa kanya ng dalaga “Hahaha mukhang namutla iyang binatang kasama mo ah” tawanito na kinasimangot niya “Nasaan ho si Becca?” tanong nito “Nako pinauwi ko na at inaantok na daw” ani ng matanda “Ganoon ho ba, kung ganoon ay mauna na rin ko kame, kasi ay mag lalakad lang po kame” sabi ni Miles dito “Gusto mo ba ng Cotton Candy” tanong niya dito “Wag na kayong bumili bigay ko na lang ito sa inyo” Singit naman ng matanda “Naku hindi na po, tinda niyo po iyan nakakahiya naman kung kukunin lang namin ng libre” tanggi niya, nag paalam na din sila dito *** “Aghh” nag-inat si Miles medyo na pagod siya dun ah, pero masaya Habang naglalakad sila ng lalaki ay hindi niya mapigilan ang mapangiti “Mukhang ang saya natin ah” baling ng lalaki sa kanya ng mapansing naka-ngiti siya Nginitian din naman niya ito “Oo, ngayon na lang ulit ako na kapunta sa ganitong lugar, ang sarap lang sa pakiramdam, elementary pa nang huling punta ko sa tulad nito” tugon niya dito “Matagal tagal na rin pala, wala na bang perya sa lugar niyo at hindi ka na naka punta ulit” tanong ulit ng lalaki “Hmmp, hindi naman simula kasi nag mawala si mama, naging busy na si papa kakatrabaho, kaya naging tagabantay ako ng kapatid ko na maliit panoon” sabi niya dito, hindi niya alam pero habang magkasama sila ay nagiging palagay na ang loob niya dito “Sorry” anito sa kanya “Hindi okay lang saka matagal na iyon” aniya “Ako ang dapat mag sorry kasi sinungitan kita” dagdag niya “Naku wala iyon, sanay na ako sa pagsungit mo” biro nito sa kanya ng nakangit Kaya naman pala nitong ngumiti bakit hindi nito ginawa nuong una pa ang edi sana hindiniya ito sinusungitan.. haha “hahaha... salamat nga pala kasi niyaya mo ako dito, kung hindi pala ako sumama hindi ko malalaman na bagay ka palang maging singer sa taas ng boses mo” ganting biro niya dito at humawak sa kanyang tenga Sumimangot naman ito, naikinatawa niya dahil para itong bata, hanggang sa pagdating sila sa resthouse ayaw tawa lang sila ng tawang dalawa Hindi nagtagal ay namomoblema na naman siya, wala nga pa siyang susi sa kwarto saan siya ngayon matutulog nito “Okay lang doon ka na lang sa kwarto” anito sa kanya “Paano ka” balik niya tanong dito “Okay lang kung gusto mo akong katabi walang kaso sa akin” sabay ngisi nito Hinapas niya ito sa balikat “Ayan ka na naman sa kalokohan mo” pasungit niya dito “Hahaha biro lang, doon na lang ulit ako sa lapag” anito “Ayos lang sa iyo” tanong ulit niya Hinawakan nito ang sariling baba saka ngumisi “Sabi ko nga sayo ayos lang sa akin kung..” hindi na niya itopinatapos mag salita ay tinalikuran na niya ito Narinig na lamang niya itong tumatawa at sinundan siya ng tingin papasok sa loob
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD