Chapter 30

1362 Words
Nakaupo si Miles sa beranda nang lumabas si Lance na nakaporma “Saan naman ang punta ng lalaking ito” aniya sa sarili “Oh, bakit hindi ka pa nakabihis” tanong nito sa kanya “At saan naman ako pupunta, aber?” sarkastikong tanong niya dito “Saan pa edi sa peryahan” anito nanakunot ang noo “Sa peryahan ka lang pupunta pero pormang porma ka” aniya habang natatawa sa lalaki first time lang ba nito pumunta sa ganoong klaseng lugar “Mas ok na ito kesa gamitin ko yung pinang-akyat ko na bundok mas magmumukha akong ewan diba” nakasimangot nitong turan, na inis ata ito dahil pinatawanan niya “Ano sasama ka ba o hindi” dagdag pa nitong tanong, napaisip siya kung sasama dahil na iinip na rin siya sa lugar at wala siyang ginagawa “Saglit lang magbibihis lang ako” aniya at tumayo na rin Napangiti si Lance dahil makakasama niya ang dalaga, feeling kasi niya magda-date silang dalawa, sa peryahan nga lang kasi wala naman silang ibang pupuntahan doon bukod sa lugar na iyon e Nang lumabas ang dalaga ay palihim siyang napangiti dahil suot nito ang bestida na palihim niyang isinama sa pinamili nito kanina habang busy ito na simangutan ang mga babae kanina sa palengke Nakita niya kasi na parang gusto ng dalaga iyon pero binalik muli ito sa pinagkunan, kaya kinuha niya ito ng palihim Bagay na bagay dito ang suot, bakas ang gandang ng katawan nito “Let’s go” aniya dito at hahawakan sana niya ang kamay nito ng iiwas nito sa kanya at nilagpasan siya, kaya nagkunwari na lamang siya na may hinawakang kamay at winagayway sa ere ang sariling kamay Nang akmang sasakay na siya ng sasakyan ay nagulat siya dahil lumagpas ito at hindi sumakay ng sasakyan “Wag ka ng gumamit ng sasakyan, malapit lang naman, magmumuka kang ewan pag nagdala ka ng sasakyan, ikaw lang ang may sasakyan doon” anito sa kanya, naiiling na lang siyang ibinalik ang susi sa suot na short at sinundan ito Sinabayan niya itongmaglakad, okay din pala na hindi siya nagdala ng sasakyan kasi mas romantic pala pag naglalakad lang, maliwanag ang dinadaanan nila dahil may ilaw naman ang bawat poste sa lugar Nang malapit na sila sa peryahan ay maykumaway ditong isang lalaki, pagtingin niya kay Miles ay ngiting ngiti ito, ito ba ang nagbigay dito nang Cotton Candy nuong nakaraang araw, nainis siya mahilig pala ito sa matanda Sobrang nagpupuyos ang loob niya gusto na niyang bumalik nang may batang babae ang tumakbo papalapit dito “Ate Miles” ani ng bata “akala ko hindi ka na babalik dito e, ang ganda ganda mo naman” puri nito sa dalaga At hinatak na ito papalapit sa lalaki, naiinis pa rin siya pero sinundan niya ang mga ito “Kamusta ka iha, salamat nga pala sa tulong mo noong nakaraang araw ah, madami ang kinita namin dahil sayo at malaking tulong iyon sa amin” anito “naku walang hong problema” ani ng dalaga “ kamusta po ang benta ngayon?” tanong nito sa lalaki “Medyo malakas ngayon dahil nadagdagan ang mga rides sa perya, at maraming tao ang nagsisipunta” anito “kayo pa rin po bang dalawa ang nagtitinda” tanong ng dalaga dito “Hindi kasama ko na ang asawa at anak ko, sana loob sila nagtitinda” tugon nito “Ate Miles, nagustuhan mo bang ang Cotton Candy na bigay ko sa iyo, pwede kita ulit igawa” ani ng bata, nakahinga si Lance dahil ang bata pa lang iyon ang tinutukoy niyang cute, nag seselos pala siya sa wala hehe Nang mapatingin ang bata sa gawi niya “Sino siya” tanong nito “Boyfriend mo po?” dagdag nitong tanong nang sasagutin sana niya ng nagsalita ang dalaga “Naku, becca hindi ko siya boyfriend” anito sa bata at hinaplos ang pingi nito Sumimangot siya sa sagot nito, grabe itong makatanggi ah! Samantalang siya nung mapagkamalan siyang misis ko hindi naman niya tinanggi, aniya sa isip na parang batang nagmamaktol “Nga pala ate Miles, tinatanong ni kuya Eugine ang pangalan mo, pero hindi ko sinabi saka buti nalang at hindi ko sinabi baka magalit ang boyfriend mo” anito sa kanya sabay ngiti nito, naku mukhang mabibili niya lahat nang paninda nito hehe “Becca sabi ko sayo hindi ko sya boyfriend” problema ng babaeng ito parang diring diri itong maging boyfriend sya, kaya hindi na siya nakatiis at sumingit na siya sa usapan ng dalawa Hinila niya si Becca dito “Tama lang ang ginawa mo, pag nagtanong sya ulit sabihin mo magaglit si kuya Lance huh” aniya sa bata saka ngumiti dito “Opo, sasabihin ko na may boyfriend na po si ate Miles” anito sabay ngiti sa kanya, ginulo naman niya ang buhok nito “Naku Becca, tigilan mo na ang Ate at Kuya mo, baka marasahan sila ng peryahan dahil sa kakulitan mo” ani ng ama nito “Halika dito Becca” ani Miles sa bata at isinuot dito ang ipit sa buhok na Hello Kitty, tuwang tuwa ang bata sa binigay niya “Salamat Ate Miles” yakap nito sa dalaga, nakangiti naman ito at ang ama ng bata dahil sa tuwang tuwa ito “Saan mo naman yan kinuha” bulong niya dito dahil hindi niya napansin sa binili nito ito kanina at siniko siya nang dalaga Pumasok na sila sa peryahan ng mabilis siya nitong iniwan “Alam mo, ano bang problema mo sa akin huh” biglang harap nito sa kanya, galit itong tumingin sa kanya “Ano bang akala mo sa akin magnanakaw, noong ka pa sa Cotton Candy tapos ngayon sa bigay ko dun sa bata” inis nitong sabi sa kanya, napasin din niya na ngilid ang luha nito *** Naiinis si Miles ano ba ang kala nang lalaking ito sa kanya magnanakaw, sana hindi na lamang siya sumama dito Binili niya ang ipit na iyon ng makita niya sa palengke kanina at naalala niya ang bata, 50 pesos lang naman kaya binili na niya meron pa naman siyang pera sa bulsa niya Gusto niyang umiyak dahilang lalaking ito pa ang magbibintang sa kanya, tinalikuran na niya ito, nang magsalita ito “Sorry, natanong ko lang kasi hindi ko na kita na binili mo yan kanina, wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko” anito pero hindi niya ito pinansin dahil masama talaga ang loob niya Pumunta sila sa ticket booth,ng magsalita itong muli “Saan mo gusto sumakay na rides” anito pero hindi siya umimik, narinig niya ng masalita ang teller sa booth “Sir meron po kameng ticket, ride all you can 300 pesos lang po” anito “Sige yun na lang dalawa” narinig niyang sagot nito Nang mabayaran ang tickets ay diretso pasok na siya sa perya hindi na niya ito inantay, nakasunod lang ito sa kanya Pumila siya sa Vikings at nakasunod pa rin ang lalaki sa kanya, nang sila na ang sasakay ay agad siya pumuwesto sa pinaka dulo Nang magsimulang umandar ang rider ay humawak siya sa handle, nangmabilis ang pagbulusok nito ay bigay todo siyang tumili, dito niya nilabas ang inis sa lalaki ng medyo maayos na ang pakiramdam niya ay nilingon niya ang lalaki na walang kaimik imik “hoy anong nangyayari sayo, namumutla ka... hahaha, ang lakas ng loob mong magyaya dito tapos ikaw pa itong hindi sanay sa mga rides” nakangiti niyang sabi dito Tumingin ito sa kanya ng bigla itong pumikit at sumigaw dahil biglang bumabang muli ng mabilis ang rides Natatawa siya sa itsura nito, parang itong multo, mawawalan na ata ito ng malay “Dumilat ka” asar niya dito “ Aaaahh” tili niya... hahaha” aniya Nang patapos ang time nila ay nanginginig itong bumaba, lupaypay itong nakahawak sa mga bars habang pababa Sinundan lang niya ito at umupo sa malapit na upuan sa lugar, nangingiti siyang pinagmasdan ito, para itong masusuka “Ano ba yan ang hina mo naman” aniya dito at tingnan lang siya nito ng masama
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD