Chapter 29

1014 Words
Habang naghuhugas siya ng ginamit nito sa pagluluto ay hindi mapigilan ni Lance ang mapangiti dahil alam niyang sinasadya siyang utusan ng dalaga upang inisin, ngunit nasisiyahan siya sa kinikilos ng dalaga alam niyang dahil iyon sa nangyari kanina Na amoy niya ang mabangong amoy ng niluluto nitong adobo, hindi niya mapigilan ang kumalam ang sikmura niya, lumapit siya sa likod ito at inamoy ang iluluto, na siyang kinagulat nito, tiningnan siya nito ng masama “Opps, sorry” aniya sabay taas ng kamay nginitian lamang niya ito, ang cute talaga nito lalo na pag namumula ang pisngi nito Nang matapos sa hugasin ay bumalik siya sa inuupuan kanina at pinagmasadan na lang niya itong muli, kinabahan pa siya kanina ng isang hiwa lang nahiwa na nito agad ang karne, samantalang siya nakailang hiwa mapag hiwalay lang ang karne, pero ito isang hataw lang,kaya napahawak na lamang siya sa kanyang kaibigan baka matuluyan ito kung magsasalita pa siya Naalala niya na pupunta pa siyang muli sa bayan kaya naisip niya itong tanungin “Nga pala pupunta akong uli sa bayan, gusto mo bang sumama, baka may bibilin ka” tanong niya sa dalaga, tumingin lang ito sa kanya “Hindi na, wala naman akong pambili dahil nasa kuwarto ang gamit ko, salamat na lang” walang emosyon nitong tugon “You can use mine, ibalik mo na lang pag nabuksan mo na ang kwarto nyo” aniya Napa-isip si Miles sa alok ng lalaki dahil kailangan din niyang bumili pansamantala ng damit at undies niya dahil wala siyang pamalit, kahapon pa ang suot niya “Sigurado ka, baka may hidden agenda ka, mamaya magulat na lang ako triple na yung babayran ko” aniya dito “Anong akala mo sa akin scammer?” anito sa kanya “Malay ko ba?’ pang aasar niya dito “Okay kung ayaw mo wala naman ang magagawa, ang sakin lang e baka gusto mo din magpalit ng damit” ganting pangaasar nito sa kanya Inirapan lang niya ito, dahil mas malakas itong mang-asar kesa sa kanya Hindi na rin siya nagpakipot at sumama na din siya dito papuntang bayan, dahil kailangan din niyang tawagan ang pamilya niya dahil simula ng magpunta sila sa bundok ay hindi pa niya nakakausap ang mga ito *** Akala ni Lance ay hindi sa kanya sasama ang dalaga e, pagakarating nila sa bayan ay dumiretso agad sila sa may lugar na may wifi at sinend niya ang kaniyang reports. Ito naman ay napansin niyang may kausap siguro ay ang pamilya nito dahil narinig niya na tinawag niya itong lolo, hindi nag tagal ay binabana rin nito ang cellphone at dumiretso na sila sa pamilihan Dumiretso si Miles sa bilihan ng bistida at nagtingin tingin siya doon, may nagustuhan siya isang bestida pero binalik niya lang muli sa sabitan nito, kasi malamig sa lugar na tinutuluyan niya baka hindi din niya magamit, T-shirt at short na lang siguro” aniya sa isip Nang makapili siya na siya ay pumunta naman siya sa mga undies, sinusukat niya ang bra at pinatong sa suot niyang damit, nang mapalingon siya sa lalaking nakangisi habang sumusunod sa kanya “Ugh” hindi niya mapigilan na angilan ito sabay irap na lalong nagpalawak sa pagkangisi nito Binilisan niya ang pamimili ng babayaran na niya ay naalala niya na wala nga pala siyang pera kaya nilahad niya ang kamay ka Lance Ngumiti ito sa kanya at bumaling sa tindera na halos mapunit na ang mga labi at lumuwa ang mga mata katitingin kay Lance Narinig pa niyang sabi ng isang dalagang tindera “Ang pogi ni kuya... ihhh” ani ng mga ito, naiinis siya dahil tila gustong gusto nito ang naririnig, gusto niyang sabunutan ang mga babaeng iyon “Magkano ho?” tanong nito sa tindera “Nasa 680 po lahat ang nakuha ni Misis” ani nang tindera na hindi mawala ang ngiti “What?” aniya hindi siya nagulat sa babayaran kundi sa sinabi itong “Misis” daw siya ng lalaking ito Narinig pa niya ang bulungan ng iba “Ay ang sungit, baka naglilihi” anito at nilingon ang mga ito Nang bigla siyang akbayan ni Lance at hapitin palapit sa kanya “Pasensya na ito” sabay abot nito ng 700 pesos sa tindera “keep the change” dagdag pa nito “Wala hong problema, ganon po talaga pag naglilihi” anito at inabot ang pinamili niya at ngumiti sa lalaki “Hindi...” naputol ang kanya sasabihin ng hilahin na siya ng lalaki paalis “Okay halika na umalis na tayo” anito at nginitiang muli ang tindera Pagkalayo niya sa lugar at tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya, at kinuha dito ang damit na binili niya, saka mabilis na naglakad at iwan ito “Dahan-dahan lang sa paglalakad naglilihi ka pa naman” narinig pa niyang sabi nito sabay tawa, umirap lang siya dito Buong byahe niya itong hindi kinausap dahil pagod na saiyang makipag talo dito nang muli itong masalita “May malapit pa diyang peryahan, baka gusto mong pumunta?” tanong niya dito Sinulyapan niya ito pero hindi ito nakatingin sa kanya dahil sa daan naka focus ang mata nito “Maaga pa mamayang gabi pa yon” walang sigla niyang tugon dito “Walang problema, edi bumalik na lang tayo malapit lang naman” sagot nito Pero hindi na niya ito pinansin, dahil pagod na din siyang makipagtalo, saka hindi naman siya nanalo dito, sa bandang huli kasi siya din ang naiinis, tumanaw na lang siya sa bintana ng kotse Pagdating sa bahay ay agad niyang nilaban ang mga damit na pinamili, may washing at drayer naman kaya mabilis lang din na natuyo ang nilaban niya saka malakas din ang hangin, kumuha na din siya ng ipit at nilagyan ang damit para hindi ito liparin dahil kung hahayan niya itong liiparin ay baka sa taas ng puno na niya ito makita, at pag nagkataon baka asarin lang siya ng lokong lalaki na iyon hindi pa siya tulungan, mahirap na kaya maganda na rin ung nag iingat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD