Nagising si Miles sa lagaslas ng tubig sa banyo, nagtaka siya dahil sa ang alam niya ay sa sofa siya natulog kagabi bakit nasa kwarto na siya ng lalaki, binuhat ba siya ng nito, nag-init ang pisngi niya sa isiping iyon
Nasa malalim siyang pagiisip nang biglang bumukas ang banyo, at lumabas dito ang lalaki na nakatapis lang nag tuwalya, nagulat ito ng makitang gising na siya hindi nito malaman kung papasok muli sa loob ng banyo o ano, nang matanggal ang magkakabuhol nito sa tuwalya na nakatapis dito
Napasigaw si Miles sa nasaksihang biyaya naka boxer short ito pero kita pa rin ang umbok nito, maging ang lalaki ay natarata na rin dahil sa sigaw niya, si Miles ay biglang tumalon sa kama ang tangkang lalabas ng madulas at paupong bumagsak sa sahig sa pagmamadali
Nakita niyang lalapit ang binata ay itinaas niya ang kaniyang kamay upang sabihin na wag na itong lumapit pero hulina at nakalapit na ito sa kanya isa pa ay mali na itinaas niya ang kaniyang kamay dahil sa maling bahagi niya ito naihawak
Ramdam niya ang katigasan ng lalaki na lalo siyang napasigaw
“Haaaaa” aniya at hindi malaman kung aalisin ang kanyang kamay sa p*********i nito
Patakbong lumabas siya ng kuwarto at malakas na sinara ang pinto para hindi na ito sumunod pa
Halos ipunas niya kung saan saan ang kanyang kamay dahil pakiramdam niya ay nandoon pa din ang nahawakan niya
“ano ba yan bakit hindi ako tinatantanan ng ganoong eksena” aniya at pinapagpag pa rin ang kamay sa ere
***
Nagising si Lance sa pagkakatulog dahil sa naiinitan siya, pumasok siya sa kuwarto ng makita ang dalaga na mahimbing pa, kaya nagpasya siyang maligo muna bago ito magising
Dahil sa pagaakalang hindi pa ito gising ay lumabas siyang naka boxer short at nagtapis ng tuwalya pero pag labas niya ay nakita niya itong naka mata sa kanya, kita niya sa mukha nito ang pagkagulat
Hindi niya malaman kung papasok siyang muli sa banyo pero nataranta siya ng malaglag ang tuwalya niya sa beywang, nagtitili naman ang dalaga ng makita ito at bigla itong tumalon sa kama
Nag-alala siya ng pabagsak itong naupo sa sahig, lumapit siya upang alalayan ito ngunit mali ang hakbang na ginawa niya dahil naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang alaga, pipigilan sana siya nito na wag nag lumapit pero huli na nakalapit na siya at nahawakan na nito ang hindi dapat mahawakan
Nabuhay ang natutulog niyang alaga at alam niya na naramdaman ito ng dalaga dahil mas lalo itong nagsisigaw, para naman siyang tinulos na kandila sa kanyang kinatatayuan at sinundan na lang ng tingin ang palabas at sumisigaw na dalaga
Pero sa kaibuturan ng puso niya ay may kakaibang saya siyang naramdaman, hindi niya namalayan ang kusang pagguhit ng ngiti sa kanyan labi
***
Nang mapakalma ni Miles ang sarili ay saka naman siya nakaramdam ng gutom, mula sa panaginip hanggang sa realidad ay hinahabol siya ng ahas kaya sigaw siya ng sigaw, dahil ibang klaseng ahas ang nai-engkuwentro niya at delikado ang ahas na iyon
Kaya nagpunta siya sa kusina at naghanap ng mailuluto, nagutom talaga siya, naginit muna siya ng tubig dahil gusto niyang magkape, nilabas niya ang karne sa ref at nilagay sa gripo at pinatuluan ng tubig para lumambot ito, nagsalang na rin siya ng kanin, kaunti lang sana ang kaniyang iluluto ng maalala na may kasama pala siya ahas, kaya dinagdagan niya ito
Pagkatapos ay naghiwa na siya ng bawang at sibuyas, napansin niyang lumabas na ang lalaki sa kuwarto nito, nagiwas siya ng tingin dito, hindi niya naalala na naghiwa siya ng sibuyas at ikinamot niya ng kumati ang mata niya, papalapit ang lalaki sa kinaroroonan niya ay tumalikod na siya
Maiyak iyak siya dahil sa hapdi ng mata niya, hindi na niya napigilan at tumulo na ang luha niya, pakiramdam niya ay ang pula ng mata niya, pinahid niya ng braso ang mata niya, at kinuha na ang karne sa lababo na binabad niya ng tubig, medyo malambot na iyon at mahihiwa na niya
Nang bigla itong magsalita “Are you alright? Umiiyak ba?” anito pero hindi niya ito pinasin
“Sorry sa nangyari kanina, hindi ko alam na first time mo, sorry” sabi nitong muli
Ano bang pinasasabi nitong loko na ito, ayaw ko na ngang pagusapan iyon pero mukhang nangaasar pa ang loko. Sabi niya sa kanyang isipan
Magsasalita pa sana ito nang hindi na siya nakatiis pa at hinataw niya ng hawak niyang kutsilyo ang karne at nahati ito sa dalawa, nagulat ang lalaki sa ginawa niya, maging sya ay nagulat din hindi niya akalain namahihiwa ng ganoon kabilis ang karne
“Ah” sabi nito na nakataas ang kamay at mukhang may sasabihin pero pinigilan niya dahil baka kung saan lang mapunta ang usapan nila
“Shut up” madiin niyang sabi dito at tiningnan niya ito ng masama, nakita niya itong napalunok, natuwa naman siya dahil mukhang natakot niya ito
Hindi na niya ito pinasin at hinayaan na lamang niyang tumingin ito sa bawat kilos niya dahil ayaw niya itong kausapin para paalisin, at ang loko mukhang hindi nakakaramdam na naiilang na sya kaya tiniis na lang niya ang presensya nito
Pero mukhang matigas talaga ang lalaking ito ayaw tumigil sa pangiinis sa kanya
“Ah Miles, may maitu...” sabi nito na pinutol niya ang sasabihin, naiinis na siya ano ba ang gusto ng lalaking ito
“For once.. pwede bang wag ka ng magsalita pa, para sa ikakatigil mo, hindi ako umiyak dahil lang jan sa alaga mo, humapdi ang mata ko dahil sa naihawak ko sa mata ko ang kamay na pinanghawak ko sa sibuyas... maliwanag na ba sayo? Pwede tumahik ka na” mahaba niyang litanya
Ngunit ngumisi lang ang lalaki sa kanya at tinitigan siya, na lalo niyang ikinainis
“Uhmp... well wala ang magagawa kung hindi maalis iyon sa isip mo” anito at nagkibit balikat lang sa kanya
“Ang akin lang naman, itatanong ko sana kung may maitutulong ako dahil ayaw ko naman na umupo lang dito habang tingnan ka sa ginagawa mo” anito na hindi pa rin matanggal tangal ang ngisi nito
Magiging giniling na ang adobong lulutuin niya paghindi pa ito tumigil sa pangaasar sa kanya, hindi na niya ito pinansin dahil inis na inis na siya, isapang salita nito at tutuluyan ko na ang alaga nito
“Gusto mong tumulong pwes” aniya at nilagay lahat ng ginamit niya sa pagluluto sa lababo “ito hugasan mong lahat” utos niya dito
Pero mukhang siya lang ang naasar dahil nakangiti pa itong sumunod sa utos niya
“Wait, itimpla mo muna ako ng kape” pang aasar pa niya dito, pero sumunod lang ulit ito sa sinabi nya
“Here’s your coffee” anito sa kanya ng nakangiti at inirapan lang niya ito
“Ibaba mo lang jan” sabi niya dito at hindi na pinansin, pinagtuunan na lang niya ang kanyang niluluto