Niyaya na siya ng ginang para sumali sa pagbabalat ng mga mais na kanilang inani, nalilibang siya dahil ngayon lamang niya iyon nararanasan, dahil ang alam lang niya ay kumain ng mais na nabibili sa palengke at luto na iyon
Halos magdapit hapon na rin nangmatapos siya, hindi niya napansin ang oras, ngayon ay pakiramdam niya ay mapuputol ang balakang niya sa tagal ng pagka-upo niya, pero nag enjoy din naman siya
“Mahal, halika na dahil malapit ng dumilim” tawag ng lalaki sa kanya, nahihiya pa rin siya sa tuwing tatawagin siya nitong Mahal dahil hindi siya sanay
Napangiti si Aling Domingga sa naging reaction niya sa pagtawag ng lalaki sa kanya “Masasanay ka din iha” anito sa kanya
“Iho, dalhin mo ito” Ani aling domingga, inabot nito ang mga kamoteng kahoy, mani at mais na kanilang ginawa kanina
“Naku ang dami naman po nito, hindi pa nga po nauubos sa dinala niyo sa bahay” ani ng lalaki
“Ayos lang iyan pinuno, saka dalawa kayong kakain at sigurado ako na gaganahan ka na sa pagkain baka kulangin na yan, hehe” ani ng anak ni Mang Asyong at Aling Domingga
Napakamot naman ito ng batok at hindi na tumutol pa “Kung ganoon ay maraming salamat” tugon na lamang nito
“Naku iho, kame ang magpapasalamat diyan sa asawa mo dahil sa tulongniya ay napabilis ang aming gawain” ani ng nakangiting ginang
Nahiya naman siya sa pagbanggit nito sa salitang asawa, naiilang talaga siya dahil hindi naman niya nakasanayan iyon
“Paano ho mauna na kame” paalam nito
“Aalis na po kame” paalam na rin niya sa mga ito
“Sige at mag-ingat kayo, hayaan mo iho sa susunod ay kame naman ang pupunta sayo” ani mang Asyong
At tuluyan na silang lumisan sa lugar, hawak ni Landro ang kanyang kamay at ang isa ay hawak ang mga binigay sa kanila, kita mo ang mga ugat nito sa kamay
“tulungan na kita jan” alok niya dito ngunit iniwas niya ang kamay ng tangka niya kuhanin ang ibang dala nito
“Kaya ko na mahal ko, napagod kana kanina kaya hayaan mo ng ako ang magdala nito” anito at nakangiti sa kanya
“Ayos lang, kahit iyang mais na lang ang dalin ko” pagpupumilit niya
Ngumiti lang ito at hinila siya papalapit sa kanya at inakbayan siya
“Hindi na kaya ko na” anito
Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa bahay, naupo siya sa pagod masakit pala sa katawan ang pagbabalat ng mais kahit nakaupo lang maghapon
“Mahal maglinis ka na ng katawan mo dahil makati sa balat ang balat ng mais baka may mga higad pang dumikitsayo doon, at ilalaga ko lang ito para kainin natin” anito sa kanya
Medyo na ngangati na nga siya at bukod sa mais ay tumulong din siya sa paglilinis ng kamote at mani
Nagtungo siya sa palikuran ng bahay, mayroon ditong malaking banga na pag pumasok siya ay kasya siya, dito naka-imbak ang tubig
Nagbuhos nang tubig si Miles, sobrang lamig sa pakiramdam nakakaginhawa, wala siya suot na bra kasi hindi naman ito uso doon, at manipis lang ang pang ibaba niya may suot din siya na sandong mahaba na ginagamit na pangilalim ng mga babae doon pero manipis lang iyon
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto nang palikuran, hindi siya makakilos sa pag kabigla, gawa lang ang palikuran sa mga dahon ng niyog na pinagtirintas bilang bubong at ang dingding nito ay gawa sasawali kaya madali lang iyong buksan
Bumungad sa kanya ang nakatulalang si Landro, nakatingin lang ito sa kanya at hindi kumikilos doon na siya sumigaw at nagpagising dito sa pagkatulala at agad din tumalikod
***
Habang inaayos niya ang kanya nilulutong mais ay tinawag niya ang asawa ngunit wala siyang tugon nanarinig, kaya matapos niya isalang ang niluluto ay hinanap niya ito
Siguro ay naliligo na ito, saka niya na alala kung may tubig pa ang kanilang tapayan, kaya nag tungo siya sa palikuran upang kumpirmahin ito, tinawag niya ang asawa pero hindi ito sumasagot
Nagsimula na siyang mag alala dahil hindi ganoon ka kapal ang dingding nito para hindi siya nito marinig, kaya binuksan niya ito at nagulat sa tumambad sa kanyang harapan
Ang kaniyang asawa ay naliligo na pala, basa na ito at humapit ang manipis nitong damit sa hubog ng katawan nito
Kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nang asawa, nakataas ang kamay nito dahil nag buhos ito ng tubig hawak ng isa nitong kamay ang panalok at ang isa nitong kamay ay nakapatong sa ulo hawak ang buhok, nalalong nagpalandatan nang matatayog nitong dibdib
Hindi siya makakilos dahil sa natunghayan, para siyang tinulos sa kinatatayuan, biglang nabuhay at gustong kumawala na kaniyang alagang dragon, nag-init ang buo niyang katawan
Gusto niya kayapin ang asawa nang mga oras na iyon at ikulong sa kanyang mga bisig ng bigla itong sumigaw na nagpagising sa kanyang pagkatulala, at agad na siyang tumalikod dahil baka mapasin nito ang kanyang pagka-lalaki na kanina pa gustong kumawala
Kaagad niyang isinara ang pinto “Paumahin hindi ko sinasadya, hindi ka kasi sumasagot kanina ng tinawag kita kaya nag alala ako” aniyo at agad na ding umalis
At lumayo na siya sa lugar dahil baka hindi siya maka pagpigil
“Ano ba Landro nangako ka na hihintayin mo na matanggap ka niya, pero ano ito hindi mo mapigilan ang sarili mo” pabulong niyang kastigo sa sarili
Habol ang hininga at hinawakan ni Miles ang kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba na naramdaman, halos makita nang lahat sa kanya dahil manipis lang ang kanyang suot
Kanina ay gustong lumubog na Miles sa kinatatyuan dahil sa naabutan siya ng lalaki sa ganoon itsura, lalo siyang nag-init sa paraan nang patitig nito sa kanya hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin alaga nitong gustong kumawala, hindi sinasadyang mapatingin siya sa gawi ng alaga nito kaya nang makita niya ito ay agad siyang napasigaw, buti na lang talaga at tumalikod ito dahil sobrang nakakahiya kung mahuli siya na nakatingin dito
Nag-init lalo ang kaniyang pakiramdam kaya, nagbuhos siya ng tubig para maibsan ang init ng kaniyang pakiramdam
Pagkatapos niyang maligo ay nagtungo siya sa beranda, walang silong ang kanilang bahay hindi gaya ng iba, pero may beranda sila dito niya ito naabutan at nakapatong ang mais na niluto nito kanina
Ngumiti ito sa kanya pero nahihiya siya at hindi niya masalubong ang tingin nito kaya nakayuko siyang lumapit dito