Chapter 26

1080 Words
Gaya ng pinangako ni Landro sa kanya ay isinama siya nito sa mga tarangkahan, ang buong akala niya ay gate lang ang makikita doon, marami din ang mga bahayan doon, may malalaking kahoy nanakapalibot sa paligid na nagsisilbing daanan patungo sa kabilang bahagi ng gubat Paglagpas mo ng tarangkahan na iyon ay wala na makikitang kabahayan maliban sa doon sa lugar, may makikitang bahay sa taas ng malaking puno na nagsisilbing pahingahan ng mga bantay sa lugar, at ang mga pamilya nito ay sa baba na medyo di kalayuan sa mismong tarangkahan Maganda ang lugar, malinis at maraming tanim na halaman at mga gulay, malamang ay dito ni Landro nakuha ang dala nitong mga prutas “anong bahagi ito ng tribo?” may pagkamangha niyang tanong sa lalaki “nasa kanlurang bahagi tayo ng tribo, nagustohan mo ba?” tanong nito sa kanya Ngumiti siya dito at tinungo ang kanyang ulo “Maganda dito mapayapa sa pakiramdam, ngunit sabi mo ay sa timog tayo pupunta?” muli niyang tanong dito “hindi kita maaaring isama doon, dahil ang bahaging iyong ang pinaka delikado sa lugar na ito, malapit na iyon sa bangin” paliwanag nito sa kanya Hindi na siya nag pilit pa at nilibot nila ang buong lugar “Magandang umaga pinuno” ani ng lalaki na sa taas ng bahay na nasa malapit sa tarangkahan Niyaya siya ni Landro na umakyat dito at na mangha siya sa nakita “ Ang ganda” aniya Ang daming mga bulaklak sa ibang bahagi ng bundok at kitang kita iyon sa kinaroroon nila, sa bahaging iyon ay kakaunti lang ang dami ng puno at kita ang iba’t ibang uri ng bulaklak Ngumiti at inakbayan lamang siya nito at bumaling na sa mga lalaking nagbabantay sa lugar “Kamusta dito?” aniya sa mga ito “Maayos naman, pinuno at walang nagtatangkang pumasok ng walang pahintulot” anito “Mabuti kung ganoon” aniya at ngumiti “Masaya kami pinuno at maayos na ang lagay ng binibini” anito sa kanya at kanya itong nginitian “Salamat” ani Landro at tinapik ito sa balikat at niyaya na siyang bumaba Bukod sa pinaka pinuno at si Landro iyon ay nagtalaga pa ito ng bawat leader sa bawat tarangkahan na magbabalita sa mga pangyayari, ang lugar nila ni Landro ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Tribo at siya ang pinaka pinuno o ama ng bawat tao na kabilang sa tribo kahit na siya ay mas bata kung ikukumpara sa mga lider na tinalaga niya sa bawat tarangkahan ay makikita mo ang paggalang ng mga ito sa kanya kahit mga may edad na ay ginagalang siya, na mas lalong nagpahanga sa kanya, mas lalo itong gumandang lalaki para sa kanya Pumasok sila sa isang bahay ng may binatang bumati sa kanila “Magandang umaga sa inyo pinuno” anito at bahagyang yumuko sa kanila “Ama nandito ang pinuno” sigaw nito “Landro” anito at ngumiti ng makita sila “Kamusta na ang pakiramdam mo iha” anito sa kanya “Mahal siya si Asyong ang pinuno ng kanluran” pakilala nito sa kanya “Maayos lang po ako, Salamat” tugon niya dito “Landro, kumain na ba kayo? Halina kayo at samahan kaming mag umagahan, masarap magluto ang aking asawa sigurado ang magugustuhan mo” yaya nito sa kanila Nang lumabas naman ang medyo may edad na babae ito siguro ang asawa ni Mang Asyong, niyaya siya nito papuntang hapag, na patingin naman siya kay Landro at nakangiti lang ito sa kanya na para bang sinasabi na wag siyang magalala Nagulat pa siya nang magsalita ang ginang na umaalalay sa kanya “Wag kang magalala iha, magiging ayos ka lang sa lugar na ito at wala kang dapat ipagalala, mahigpit na binabantayan ng aking asawa at kanyang mga kasamahan ang lugar na ito, at salamat sa iyong asawa at napanatili ang katahimikan sa ating lugar” anito sa kanya Ngumiti lang siya dito dahil medyo naiilang pa siya, kay Landro pa lang siya kumportable dahil ito ang madalas niyang kasama “Halika hayaan muna natin silang magusap” anito at niyaya na siyang kumain “Maraming salamat po” aniya dito “Hayaan mo at magkukwentuhan tayo pag katapos natin kumain upang hindi ka mainip habang nagpupulong sila” dagdag pa nitong sabi sa kanya Hindi niya kasamang kumain ito dahil kausap pa rin nito ang mga kasamang mga lalaki, nag matapos kumain ay niyaya siya ni Aling Domingga na asawa na Mang Asyong sa lugar kung nasaan ang mga kababaihan sa tribo Ang mga ito ang nag-aasikaso ng inaning mais, sobrang daming mais, ngayon lang siya nakakita ng ganoon “Ang bawat tarangkahan ay may kanyang inaani, dito kamote, mani at mais ang aming tinatanim may ilang mga punong may bunga din dito pero iilan lamang dahil medyo malayo ang tubig dito kaya ang aming tinatamin dito ay iyong hindi gaanong na ngangailangan ng tubig at maaring pa ding mabuhay, sa Silangang bahagi ay doon mo makikita ang mga palay, mga iba’t ibang klaseng gulay dahil mas malapit sila sa tubig, sa hilaganaman ay maraming halaman din doon, mga puno kung saan tayo madalas kumuha ng kahoy pag magtatayo ng bahay, pero kailangan din palitan ang mga nakukuha dahil kung hahayan nating maubos ang mga puno ay tayo din ang kawawa” mahabag paliwag ni Aling Domingga sa kanya “At ang mga ani ay pinaghahati-hatian ng bawat pamilya na kabilang sa tribo kung ano ang inaani sa bawat tarangkahan ay meron ang bawat pamilya” dagdag pa nito “E sa Timog po ano po ang nakatanim doon” pag uusisa niya dahil hindi nito na banggit “Naku iha, wag kang pupunta doon dahil delikado sa lugar na iyon, sa katunayan niyan ay doon nakatira ang tribo dati kaya napagpasyahan ng pinuno na lumipat dito sa kapatagan dahil delikado doon, malalalim ang mga bangin doon, maraming mababangisna hayop, kaya ang tribo ay doon madalas maghuli ng mga hayop kung karne ang paguusapan pero tanging mga lalaki lang ang pinapayagan na magpunta doon” paliwanag nito sa kanya Nang maalala niya ang sinabi ni Lola Conchita, na bago sila lumipat sa kapatagan ay may nangyari sa kanya, malakas ang kutob niya nasa sa timog niya malalaman ang kasagutan kung bakit siya napadpad sa lugar na iyo, iisip siya ng paraan para makapunta doon Sa ngayon ay kailangan muna niyang pagaralan ang lugar kung saan hindi gaanong mahigpit ang bantay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD