Naiinis na si Miles sa lalaking ito, hindi na nga nito sinabi sa kanya kung saan nakatira ang caretaker, ito pa ngayon ang tanong ng tanong sa kanya na para bang gumawa siya ng kasalanan
“FYI, Mr. hindi kung saan ko lang ito kinuha at hindi ko ito ninakaw, para lang sa kaalaman mo, ang cute nya kasi kaya hindi ko na sya na tanggihan” inis na turan niya sa lalaking kausap
“So cute pala ang lalaking nagbigay nyang sayo kaya kinuha mo na lang basta” madilim ang tingin nito sa kanya
Anong problema nito, saka wala siyang sinabi na lalaki ang nagbigay sa kanya, anong problema nito sa Cotton candy na kinakain niya, kung gusto nito sana nanghingi na lamang ito hindi yung nagagalit na lang basta
Saka batang babae ang nagbigay sa kanya hindi lalaki, habang papauwi na siya ay nakita niya ang mag-ama na nagaasikaso nang paninda nito kaya tinulungan lang niya dahil naawa siya sa dalawa pilay ang matandang lalaki at isang pitong taong gulang lang ang katulong nito, dahil maaga pa naman kanina ay tinulungan na rin niyang magtinda ang mga ito, naaliw siya sa ginagawa kaya hindi niya na malayang gabi na dahil maliwanag sa peryahan na tapat ng pinagtitindahan ng mga ito, at bilang pasasalamat ay bibigyan dapat siya ng mga ito ng perang kinita, ayaw niyang tanggapin kaya ang cotton candy na lamang ang binigay sa kanya ng batang babae, kaya iyon ang kinakain niya kanina
Ayaw na niyang makipagtalo pa dito kaya iniwan na niya ito at pumasok sa loob, may TV sa tinutuluyan nila kaya binuksan niya ito, nakita niyang pumasok na ang lalaki pero hindi niya ito pinansin, pag pasok nito sa kuwarto nito ay pinatay din niya ang TV dahil wala namang magandang palabas
Buti na lamang ata nadala niya ang kanyang Cellphone kaya iyon na lang ang nilaro niya
Nagpupuyos sa inis si Lance, dapat sinamahan na lang niya kanina ang dalaga, na iinis siya sa isiping kung sino sinong lalaki ang umaaligid dito naiinis na nga siya pag kasama nito si Andrei tapos may dadagdag pa
Umupo siya sa table at hinarap ang kanyang laptop, tatapusin na lang niya ang report na ginagawa kanina, mag alas-nuebe na ng matapos siya, saka niya naalala ang dalaga
Paglabas niya nang kuwarto ay nakita niya itong tulog sa sofa, binuhat niya ito papasok sa kuwarto at hiniga sa kama at siya ang humiga sa sofa
***
Naramdaman ni Miles na may mga braso na nakayakap sa kanya, nagulat siya pero pinanatili ang sariling kalmado at sinuri ang paligid
“okay nandito na naman ako, minsan ay nalilito na rin ako kung nasa panaginip ba ako o sa realidad, dahil walang pinagkaiba sa pakiramdam maliban sa mga tao sa paligid niya” aniya sa isip
Pumihit siya paharap sa taong nakayakap sa kanya, at hindi siya nagkamali si Landro ang nakayakap sa kanya, ang huling usap niya dito ay iyong pangyayari sa lawa, napabuntong hininga na lamang siya, nang maramdaman niya na humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya
“Magandang umaga” anito at kinitalan siya ng halik sa kanyang ulo
Hindi siya umimik dahil nahihiya pa rin siya dito, ng muli itong magsalita
“Paumanhin sa nagawa ko kagabi, hindi ko dapat iyon ginawa sa susunod hihingi muna ako sa iyo ng pahintulot” anito at hinigpitan pang lalo ang yakap sa kanya
Ang tinitukoy ba nito ay ang nangyari sa kanila sa lawa kagabi lang pala iyon, ibig din sabihin na kung dito ay umaga, ay gabi naman sa kabila, nahahati ang oras niya sa araw at gabi, at sa magkaiba ding katauhan
Ang kailangan pa niyang malaman ay kung papaano siya napupunta doon at kung ano ang kaugnayan niya sa mga tao doon, aniya sa kanyang sarili
Gustong-gusto na niyang itanong dito ang ugnayan nilang dalawa, nahihiya lamang siya pero mag lalakas na siya ngayon ng loob, upang malaman na niya kung anong ang nangyayari sa kanya
Kaya tinanggal niya nag pagkakayakap nito sa kanya, na pinagtaka naman nito, nabakas dito ang mga tanong na gusto nitong itanong sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili at hinihintay siya na magsalita
Nakahiga pa rin sila sa hingaan, at tiningala niya ito “Ah... Landro, may gusto sana akong itanong sayo kung ayos lang?” aniya dito habang kumakabog ang kanyang dibdib
“Ano iyon?” ngumiti ito at hinawakan siya sa braso
“Gusto ko lang malaman, ano ba ang ugnayan natin sa isa’t isa, bakit magkasama tayo sa iisang bubong, iisa lang ang ating higaan?” sunod-sunod niyang tanong dito
Malungkot ang mga mata nitong tumingin sa kanya pero pinilit pa rin nitong ngumiti
“Huwag mo na muna itong isipin, baka makasama lang ito sayo” tugon nito
Bumangon siya at paharap na umupo sa higaan
“Hindi, kaya ko na ang sarili ko, mas lalo lang akong mahihirapan dahil sa mga tanong sa aking isipin na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan, kaya pakiusap sabihin mo na sa akin” pagmamaka-awa niya dito
Sa pagkakataong iyon ay paupong na rin itong humarap sa kanya, hinwakan ang kaniyang mga kamay at hinaplos iyon
“kung gayon ay sasabihin ko na saiyo, pero hindi lahat dahil ayaw kong mabigla ka” anito sa kanya
Tinungo niya ang kanya ulo
“ikaw at ako ay nakatira dito sa bahay na ito” anito
“oo alam ko iyon, kaya ko nga tinatanong sa iyo” aniya dto ngunit ngumiti lang ito sa kanya
“Makinig ka muna, maliwanag ba” anito at hinawakan siya nito sa pisngi at ang isang kamay nita ay nakahawak pa rin sa kanyang kamay
“Magkasama tayong dalawa sa iisang bubong dahil mag-asawa tayong dalawa” anito sa kanya, na sobrang kinabigla niya
“What!!” aniya at tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanyan pisngi, nakakunot naman ito ng noo at napapiling
“Alam ko na ganyan ang magiging tugon mo pagsinabi ko sa iyo ang totoo, ang mabuti pa ay itigil na natin ito, saka ko na laman sasabihin sa ito pag handa ka na talaga” anito sa kanya ng akma na itong tatayo ngunit pinigilan niya
“Sandali... sandali, ituloy muna tatahimik na ako” aniya dito, pero pinaka titigan muna siya nito bago tinuloy ang kuwento
“Hayy... mag iisang taon na tayong mag-asawa, bago ka nawalan ng ala-ala, ang tribo natin ay nakatira sa bundok, bago mag pasyang lumipat dito sa kapatagan at habang ang tribo ang naghahanda sa ating pagbaba sa kapatagan saka nangyari ang isang pangyayari na hindi inaasahan” anito na lumukot ang titig sa kanya
“at iyon ang dahilan nang pagkawala ng iyon alaala, at hinding-hindi ko na muling hahayaang mangyari itong muli, pinapangako ko iyan sayo” naluluha nitong turan sa kanya habang muli nitong hinawakan ang kaniyang pisngi at hinaplos ito
Hindi niya mapigilan ang maawa dito sa nakitang lungkot sa mga mata nito, kaya hindi niya mapigilan na yakapin ito
“Mahal na mahal kita at ayokong makita kang masaktang muli, sa tuwing nakikita kitang nasasaktan at umiiyak, ay higit sa dalawang beses ang sakit na aking nadarama” anito na mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya