Chapter 24

1177 Words
Nakita niya ito pilit na binubukasan ang pinto na para bang hirap na hirap, nilapitan niya ito “Anong problema, hindi mo pabuksan” tanong niya dito “Ah... Eh.. na i-lock ko ata kanina pag labas at hindi ko na dala ang susi” bagsak ang balikat nitong tugon “Okay lang sa akin kung doon ka muna sa kuwarto ko” aniya na nabigla sa kanyang sinabi, pero hindi na rin niya binawi “No, hindi, Ah kukunin ko na lang yung duplicate ng susi” anito sa kanya na parang natataranta pa “Okay! Well kung kailangan mo ng tulong katukin mo lang ako magkatabi lang naman ang kuwarto natin” aniya sabay ngisi dito “Ah! Oo sige... salamat” tugon nito Pumasok na siya sa kuwarto at hinayaan na lang muna ang dalaga hihintayin na lamang niya itong kumatok sa kuwarto niya hehehe “Kaiinis talaga ang lalaking iyon, hindi man lang siya inalok ng tulong, antipatiko na wala pang puso... nakakainis talaga” aniya Shit! Saan ko naman kukunin ang duplicate, talaga naman oo, baka alam ng lalaking iyon” aniya sa isip at kinatok ito “Hmmp... ang bilis naman niyang kailanganin ang tulong ko... hehe” aniya sa sarili Binuksan niya ang pinto at nakita niya ito na nakayoko “Ahmmp... gusto ko lang sanang itanong kung kanino ko kukuhanin ang duplicate ng susi, alam mo ba yung no. nya” tanong nito sa kanya “I’m sorry, but i can’t help you with that, si Ms. Janet and Mr. Grey ang nag-booked dito kaya sila lang ang may alam ng contact nila”aniya pero sa totoo lang wala talaga siyang contact ng may-ari pero alam kung saan sila nakatira at malapit lang ito sa kinaroroonan nila “Ah! Ganon ba, sige ah salamat sa tulong” sarkastikong tugon niya dito “Okay, No problem kung wala nang kailangan, maytatapusin pa kasi ako” anito sabay turo sa ginagawa at sinara na ang pinto “Huh, hmmp” inis niya at inambaan ng suntok ang lalaking nagsara ng pinto Lumabas siya ng bahay at susubukan niyang magtanong tanong sa mga tao na malapit sa lugar nila baka alam ng mga ito kung saan matatagpuan ang may-ari nito Lumingon siyang muli sa bahay ” hmmp.. bwisit, napaka antipatiko mong lalaki ka, pasensya na ah, naabala ang mahal na prinsipe,, buwisit... ibang-iba talaga ang ugali ni Landro sa iyo” pagmamatol niya Mabagal ang lakad niya dahil medyo masakit pa rin ang paa at hita niya dahil hindi pa rin nawawala ang pagkabugbog nito, may mga pasa pa rin siya, pero pinilit niya ang sarili na mapuntahan ang may-ari ng bahay na tinutulyan nila dahil ayaw na niyang makasama ang lalaki sa isang kuwarto Mag nakita siyang lalaki na naglalakad, tinawag niya ito upang magtanong “Mawalang galang na po, magtatanong lang po sana?” magalang niyang tanong dito “Ano po ang maitutulong ko?”tugon nito sa kanya “Ah! Diyan sa resthouse ako nakatuloy ngayon, maaari ko po bang malaman kung saan nakatira ang may-ari” aniya dito “Wala ho ba kayong Contact sa kanila para tawagan na lang po ninyo?” balik na tanong nito sa kanya “yung isang ko po kasing kasama ang may contact sa may-ari, umalis kasi siya at hindi ko ma-contact yung kaibigan ko, kailangan ko lang po kasing makausap yung may-ari” paliwanag niya sa lalaki “Ah! Ganon po ba, ang alam ko kasi yung may-ari niyan ay nasa America, si Tandang Ure lang ang nandito yung caretaker ng bahay na iyan” anito “Saan po kaya si Tandang Ure?” aniya sa lalaki “Direstohin mo lang itong kanto na ito yung pang limang bahay yung kanila” tugon nito “Maraming salamat po sa tulong” aniya dito “Walang anuman, mauna na ako sa iyo dahil ako’y maygagawin pa” anito sa kanya at tumuloy na sa paglalakad Binaybay niya ang direksyong tinuro ng lalaking napagtanungan niya kanina at agad din naman niya natunton ito, buti na lamang at malapit lang iyon hindi siya nahirapan sa paghahanap Kumatok siya sa pinto, pero walang sumasagot, nakailang ulit siya ng katok pero mukhang walang tao sa bahay, nang may Ale na lumapit sa kanya “mawalang galang na iha, anong kailangan mo kay Ure?” tanong nito sa kanya “Magdang hapon po sa inyo, isa po ako a nakatira doon sa resthouse po nila, sabi po kasi ng napagtanungan ko dito daw po siya nakatira, may kailangan lang po kasi akong kuhanin sa kanya” aniya sa ale “Naku iha, madaling araw pa lang siya nang lumuwas pa maynila, may kailangan daw siyang asikasuhin doon at sa isang linggo pa ang balik niya, nagbilin din siya na kung sakaling may maghanap sa kanya ay tawagan na lang siya, tawagan mo na lang siya, iha” anito “Ganoon po ba, sige ho mauna na po ako, maraming salamat po” aniya sa ginang Lupaypay ang balikat na bumalik siya sa bahay * * Hindi mapakali si Lance, kasi kanina pa umalis si Miles pero madidilim na ay wala pa rin ito, naligaw kaya ito? Baka naman ay hinimatay ito sa daan? Bakit kasi binibiro pa niya kanina at hinayaan niyang umalis mag-isa.. nagsisi sa isip niya Aalis na sana siya para sundan ito nang makita niya itong iika-ika na papasok sa balkunahe habang kinakain ang kawak na cotton candy, naiiling niya itong nilapitan “Bakit ngayon ka lang, kanina ka pa umalis ngayon ka lang bumalik?”tanong niya dito Hindi ito umimik ang tingnan lamang siya, inaasar ba siya nito “Hayyy! Okay” aniya at umupo tapat nito “nakuha mo ba ang susi, malapit lang ang mabahay ng caretaker pero ginabi ka” aniya dito Nilakihan siya nito ng mata “So alam mo kung saan siya nakatira pero hindi mo sinabi sa akin” galit nitong turan sa kanya “Well... ang tinanong mo lang naman yung contact number niya at wala ako, hindi ang address nya” palusot niya dito, hindi talaga niya sinabi na alam niya kung saan ito nakatira, dahil gusto niya na sa kuwarto niya muli itong matulog, at mukhang napasama ang ideya niyang iyon dahil nagalit ito sa kanya “My gosh, I Can’t believe you, napaka immature mo, nakakinis ka!” galit na turan nito sa kanya sabay subo ng buo sa hawak nitong cottong candy “well nakuha mo naman ang kailangan mo bakit ka pa nagagalit” “hindi ko nakuha, okay, wala siya sa bahay niya at sa isang linggo pa ang balik, masaya ka na?” inis pa rin nitong sagot sa kanya “bakit ka ginabi wala naman pala siya sa bahay, saka saan ka kumuha ng pambili ng cotton candy wala ka naman dalang pera?” muli niyang tanong dito “Mr. wala ka na pong paki doon, hindi kita tatay o asawa para magpaliwanag sayo” anito “Malay ko ba kung saan mo iyan kinuha”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD