Alas dose na ng hapon at nagugutom na si Miles, ayaw niyang lumabas kasi baka makasalubong niya ang lalaki, naiinis pa rin kasi siya dito dahil sa trato nito kay Lizzei Na dapat ay wala siyang pakialam dahil wala naman silang relasyon ng lalaki
Nagulat pa siya nang marinig ang mahinang katok sa pinto, kinabahan siya dahil bakit siya kinakatok ni Lance Tumayo siya para pagbuksan ito
“Hi! Anito “napansin ko kasi na hindi ka pa kumakain, may niluto ako, halika at samahan mo na akong kumain” walang emosyon nito sabi sa kanya
“niyaya ba ako nito o inuutusan ako” aniya sa isip parang hindi masaya at napilitan lang na yayain ako ah! Aniya sa isip
“Here, dumaan na din ako ng pharmacy, inomin mo para makatulong na mapabilis ang magkawala ng maga ng sugat mo”dagdag nito sa kanya
“wow. May concern din pala sa kanya ang mokong na ito” aniya sa isip at hindi ito kinibo, tumango lang siya dito ayaw sana niya mapag-solo silang dalawa dahil sobrang nakakailang, pero pasaway ang mga alaga niya sa tiyan, dahil kanina pa siya na gugutom, hindi pa rin siya nag-aagahan tangin kape lang ang ininom niya kanina tumalikod na ito at lumakad pa punta sa kusina, wala na siyang nagawa kundi sumunod dito dahil gutom na rin siya, ni-lock na niya ang pinto ng kwarto at nagtungo na rin siya sa kusina nasa pintuan pa lang ay amoy na niya ang masarap na pagkain, mas lalo tuloy kumulo ang kanyang tiyan
“Sit down” anito at inabot nito sa kanyan ang pinggan saka kutsara Nagsimula na siya kumuha ng pagkain hindi na niya pinansin ang kasama dahil gutom na talaga siya, hindi na niya napigilan pa ang sarili
“hmmp! Ang bango ano kayang tawag sa ulam na ito? Siya ba ang nagluto ng mga ito mukhang masasarap ah?’” tanong niya sa kanyang isipan
“uhmmp, ang sarap ah! Ikaw ang nagluto nito? Marunong ka pa lang magluto?” hindi na niya napigilanang sarili na tanungin ito
Bukod sa masarap ang pagkain ay sobrang gutom na talaga siya na lalong nagpadagdag sa sarap nito, mukhang mapapadami ang kain niya ngayon ah!
**
Nakamasid na lamang si Lance sa babaeng nasa harap niya habang ito ay kumakain, siya nag nagyaya dito na kumain pero ngayon mukhang hindi na nito na malayan na may kasama pa ito
Napapangiti na lang siya na babae na masarap kumain, halata na kanina pa nito nagtinitiis ang gutom, alam niyang na iilang ito na silang dalawa lang ang magkasama ngayon, pero wala itong choice kundi tanggapin na silang dalawa lang doon sa resthouse
At ng mapansin nito na nakatitig siya ay bumagal ito sa pagkain na tila ba nahihiya
Napangisi siya dito “Sige lang kumain ka lang ng kumain, walang ibang kakain niyan kudin tayong dalawa lang” turan ko dito Ngumiti naman ito at tinuloy na ang maganang pagkain
“Sa totoo lang masarap ang pagkain, masarap ka pa lang magluto” anito sa kanya
Ngumiti lang siya dito, dahil sa totoo lang ay hindi siya ang nagluto nito, may nadaanan lang siya kanina ng papauwi na siya na isang maliit na resto nagooffer ng service kung saan mag rerequest ka ng pagkain saka nila lulutuin
Kaya ang pagkain na kinakain niya ay galing doon sa resto na iyon, ininit niya lang ito dahil kaninang umaga pa niya iyon binili
Pagkatapos nilang kumain ang nagprisinta na siya ang mag huhugas ng pinagkainan nila dahil ito na ang nagluto ng kanilang pagkain, ito naman ay gumawa maiinom
“What do you want, Coffee or Tea?” tanong nito sa kanya At syempre dahil coffee lover siya, kaya iyon ang pinili niya, pagkatapos niya mag hugas ay sumunod na siya dito sa balkonahe, nakita niya sa table ang dalawang tasa ng kape
“Mahilig ka din pala sa coffee?” tanong niya dito habang nakaupo at nakatanaw
“Here” anito sabay lapit nito sa isang tasa ng kape
“yeah, mahilig ako sa coffee” dugtong nito
“Parehas pala tayo na coffee lover” aniya dito at medyo nawawala na ang pagkailang para sa lalaki
“Nah! I’m not coffee lover, madalang akong uminom” anito na hindi pa rin siya tinitingnan
“Ah! ako kasi kahit maiinit, kahit tumutulo pa ang pawis ko, kape lang ang katapat ko... hahahaha” aniya na parang nagmamalaki sa lalaki
“kamusta na pakiramdam mo” nagulat pa siya sa tanong ng lalaki
“Ah... e.. ayos naman na Salamat”aniya dito
Tumango lang ito sa kanya, katahimikan ang muling bumalot sa pagitan nilang dalawa, saka naman biglang pumasok sa isip niya si Landro kaya hindi niya mapigilan ang titigan ito dahil sobrang magkahawig sila,
“Hindi ko naman iniisip ang lalaking ito bakit ganong klaseng panaginip ang napapaniganipan ko, hindi ko pa rin maintindihan, kung panagip ba talaga iyon o baka naman nag ta-time travel ako.... ahh, pero paano? napaka imposible yun?” aniya sa isip habang mataman ang pagtitig niya dito
Napasin ni Lance ang pagtitig na ginagawa ni Miles sa kanya, hindi na sana niya ito papansinin pero hindi siya mapakali sa paraan ng pagtitig nito
“What? May dumi ba ako sa mukha o masyado lang talaga akong gwapo at hindi mo lang mapigilan ang tumitig sa akin” aniya dito ng para naman ito napahiya sa sinabi nya
“masyado din mataas ang confidence mo sa sarili mo e.. noh” aniya dito ang kapal din naman ng mukha ng lalaking ito huh!
“hmmp” aniya at hinawakan ang sariling baba
“Wala naman problema kung tititigan mo ako, hindi rin naman talaga kasi maikakaila ang ganda kong lalaki” pang-aasar niya dito, namula ang mukha nito, ang cute nito lalo tuloy siya humanga sa dalaga
Buwisit! bakit ko ba kasi tinitigan ang lalaking ito, napasin nya tuloy, s**t talaga nakakahiya parang hindi na niya kaya pang tumagal sa harap nito, piling nya lulubog siya sa kanyang kina-uupuan kaya tumayo na siya at tinalukuran ito, papasok na lang siya sa kuwarto niya
“Napaka antipatiko ng lalaki ito.. hmmp nakaka-bwisit, ang lakas ng loob sabihin iyon sa akin” bulong niya sabay tayo sa kinauupuan
“Narinig ko yon, nagsasabi lang ako ng totoo” dagdag pa niyang pang asar sa dalaga na hindi na talaga nito natiis at padabog siyang tinalikuran
Napapailing siyang sinundan na lang ito ng tingin papunta sa kuwarto nito, hindi na ito sa kuwarto niya dahil ng magising ito kinabukasan ay lumipat din ito kaagad sa tinutuluyan kasama ang mga kaibigan, ayaw pa sana niya kaso wala na syang nagawa