Tatlong araw na din ang nilagi nila sa resthouse na iyon, at wala na din ang bagyo, medyo magaling na din siya at kayang-kaya na niyang makipag-sabayang umakyat ng bundok
May mga pasa pa rin sa katawan niya at medyo sumasakit pa rin ang mga ito pero kaya na niyang tiisin hindi tulad noong una na halaos mapasigaw siya sa sakit, kahit ang kanyang paa ay wala na rin ang pamamaga, at naitatapak nya na rin ito ng maayos
Lumabas muna siya ng kwarto dahl ilang araw din siya hindi nakakalanghap ng hangin, saka mukhang maso-suffocate siya kung hindi pa siya lalabas, paano ba naman kasama niya sa kuwarto ang lalaking iyon.
Naiinis talaga siya kila Shun dahil bakit dun siya dinala sa dami-daming kuwarto doon ay iyong kuwarto pa na iyon ang napili, pero hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil kasama niya ito sa isang kuwarto
“hihi, hayy... Milagros ang aga-aga na nanaginip ka, magtigil ka nga” saway niya sa kanyang sarili pero hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa kanyang mga labi
“Hayyy sarap makalanghap ng sariwang hangin... hmmmp” aniya habang nagiinat
“Hayy... hmmmp... tama ka besh, sarap talaga langhapin ang sariwang hangin” anim Shun na papalapit sa kanya, kasunod nito ang tatlo, si Andrei, Cel at Vince
“Girl, kamusta na ang pakiramdam mo?” pagaalalang tanong ni Cel sa kanya
“Okay na ang pakiramdam ko salamat sa inyo” sabi ko sa kanila
“Alam mo babe, sobrang nagalala talaga kame sayo, anito Andrei na pa-cute pang yumakap sa kanya
“Haha.. siraulo ka talaga lumayo ka nga sa akin” ani ko sabay tulak dito
“Ito talagang si Andrei walang pagkakataong panapalampas, dumada-moves eh... hahaha” ani Vince sa kaibigan
Sinuntok naman ito nagmahina ni Andrei sa braso
“Pero guys salamat talaga sa inyo, sa lahat ng effort nyo, na-appriciate ko talaga yun” sabi ko habang ang mga kamay ko ay nakalagay sa kaliwang dibdib ko
“Pero girl, sorry talaga ah, kasi kung hindi dahil sa akin hindi ka mag suffer ng ganyan” ani Cel na yumakap sa kanya
“Hayy.. ikaw talaga, sabi ko sa iyo ay ayos lang, sakaling bang ako ang mahulog ng ganon iiwasan mo ba ako at hahayan mahulog na lamang” aniya kay Cel
“Syempre hindi, bakit ko naman hahayang mahulog ang kaibigan ko” anito sa kanya at sabay ngisi
“diba gagawin mo din ang ginawa ko” aniya dito
“Ako din babe, sasaluhin kita ng buong puso” anito na parang bata at yumakap sa kanila ni Cel
“Group hug” sigaw naman ni Vince
“Hehehe, Sali ako” ani Shun at nakisali na rin sa kanila
“hahaha mga pasaway kayo, layuan ninyo na ako kasi hindi ako makahinga
Nasa ganoon silang sitwasyon ng dumating si Ms. Janet
“Mukhang nagkakasiyahan tayo jan ah” anito sa kanila ng nakangiti
“Good Morning Ms. Janet” bati ko dito
“Oh, kamusta na pakiramdam mo Miles?” tanong nito sa kanya
“Maayos na po ako” aniya
“Anyways, guys paalala ko lang at baka nakakalimutan niyo, aakyat na ulit tayo sa taas” anito sa kanila
“Ay OO nga pala” ani Shun, nagtaka naman siyadahil walang na banggit sa kanya
“Wait, aakayat tayo ngayon?” patatakang tanong niya
“Girl, hindi ka kasama maiiwan ka dito” ani Shun
At sabay sabay naman ang pagtungo ng iba
“huh, bakit?” tanong niya
“Aba! Girl nagtanong ka pa, tingnan mo nga yang kalagayan mo, sa tingin mo makakaakyat ka ng bundok” ani Cel sa kanya
“OO nga naman babe, hindi ka pwede sumama sa amin at magpagaling ka na lng dito” ani Andrei
“tsk.. kaya ko na, tingnan nyo” sabi ko at inikot ikot ko ang aking braso at tumalon talon pa
Nang bigla siyang hampasin ni Ms. Janet sa likod na ikinasigaw niya
“Ouch, Ms. Janet naman” reklamo niya
“See yan ba ang magaling na” sabi nito na nakaataas pa ang kilay
“So maiiwan akong mag-isa dito, maboboring ako, ganon” reklamo niya
“hihi, ano ka ba girl hindi ka mag isa, may kasama ka” ani Shun na parang may bulati sa pwet
Nagtaka naman siya sa turan nito, at sino naman ang makakasama niya aber
“Guest who?” ani pa nito ng hindi siya magsalita
“Who?” balik na tanong niya dito
“Ano bayang hindi manlang mang effort humula” reklamo pa nito
“Sir Mr. Wilkes ang isa sa maiiwan” ani ng nakasimagot na si Andrei
“Siya lang naman ang gagawa ng report sa project na ito na kailangang ipasa sa Head office” ani Vince ng nakangis
“Kaya Andrei dude, hehe mukhang matatlo ka” dagdag nito na may pangaasar sa kaibigan
“Iba ka talaga Miles, alam mo bang siya lang naman ang nagalaga sayo, sa tuwing sasabihin namin na kame ang gagawa ay hindi siya pumapayag at sinasabing okay lang... iiihhh” mahinang tili ni Cel na parang may kung ano sa pwet nito
“Tama na yang pangaasar kay Miles, mag sikilos na kayo para matapos na tayo dahil malapit ng matapos itong project na ito” Ani sa kanila ni Ms. Janet
“Bye, gurl goodluck” ani pa ni Shun bago tumalikod
At si Andrei naman parang bata na ayaw pang umalis kaya hinatak na ito ni Vince
“tsk.. tsk.. pasaway talaga ito hehe” aniya sa sarili na napapailing na lamang
Sinundan na lamang niya ang mga ito papasok sa kuwarto at naiwan siya sa labas
Napapangiti siya sa isiping maiiwan silang dalawa sa lugar na iyon, gusto niyang kastiguhin ang sarili perokapag na iisip niya iyon ay nakakaramdam siya ng saya at excitement
“hehe para kang tanga Miles, itigil mo nga iyang kahibangan mo” aniya sa sarili na napapangiti
Siya nga pala nasaan na kaya iyon, simula ng magising ako hindi ko na sya nakita, sa isip-isip niya
***
Maagang gumising si Lance simula ng malaman niya na pwede na muling daanan ang tulay ay maaga siyang umalis, dahil sa walang signal sa lugar kung nasaan sila nakatuloy ay kinakailangan niya pumunta ng bayan dahil sa report na kailangan na i-submit sa Head office
Iniwan niyang natutulog pa ang dalaga, sinabihan niya ang mga leader na hindi nila ito isasama dahil kailangan pa nitong magpagaling, dahil nagaalala siya kung hahayaan niya itong umakyat ng bundok baka sumala pa ang lagay nito
Sa katunayan ay tapos na niyang gawin ang report, sinabi lang niya na gagawin ito upang may makasama ang babae, dahil kung sasama siyang pabalik sa bundok ay maiiwan itong magisa doon at nagaalala siya para dito
Bago siya bumalik ay dumaan muna siya sa isang supermaket na madadaanan papunta sa rest house kung saan sila nakatigil, pakatapos mamili ay nagmamadali na siya bumalik, dahil baka nakaalis na ang grupo at magisa na lamang ito doon, halos paliparin niya ang kanyang sasakyan makarating lang agad sa lugar
Pagkarating niya doon ay nakita niya ang team na paakyat ng muli at si Miles ay kumakaway sa mga kaibingan na papaalis. Narinig pa niya itong sumigaw
“Guys magingat kayo ah! Madulas ang daan, wag na kayong dumagdag pa saalagain” anito na biro sa mga kaibigan
“Ikaw din babe ingat ka jan ha” ani Andrei na nag pout lips pa, naiinis talaga siya sa lalaking ito bakit ba lagi nitong tinatawag si Miles ng babe hindi naman niya ito girlfriend, at itong babae naman na ito mukhang masaya pa na tinatawag siyang ganon, sarap mong kurutin sa singit, aniya sa isip
***
Nakita ni Miles ang pagdating ng lalaki bumaba ito ng sasakyan at umikot papuntang compartment ng sasakyan nito, nang narinig niya ang pa cute na sigaw ni Lizzie
“Good Morning Mr. Lance, aalis na kame, mag-ingat ka dito dahil maiiwan kang mag-isa, oopps! Hindi pala may makakasama ka pala kaso lampa” anito bago tumingin ito sa kanyan mulo ulo pababa, saka ngumisi ng may panunuya
‘aba! Lakong babaeng ito ah! Aniya sa isip ng sasagutin sana niya ito ng marinig niya mag salita ang lalaki
“Wag nyo akong alalahanin, kayo ang magingat dahil kakatapos lang umulan at madulas ang dadaanan niyo, mag ingat kayo sa pagakyat” anito at ngumiti
“Aba... aba... aba, ngumingiti pa itong mokong na ito pag ang haliparot na iyon ang kausap, pero pag siya ang sama kung malatingin, kaya ng tumingin ito sa kanya ay inirapan niya ito
“Bye, guys ingat sa pagakyat” aniya sa mga kaibigan, ng muli niya sinulyapan ang lalaki na nakakunot ang noo sa kanya, at muli niya itong irapan at tuluyan ng pumasok sa loob ng kuwarto niya
Napatingin si Lance ka Miles dahil nag-alala siya sa magiging reaction nito sa sinabi ni Lizzei, ngunit tingin niya ito ay ang sama ng tingin sa kanya at inirapan pa siya ng babae
Napapailing na lamang niyang sinundan ito ng tingin papasok sa kuwarto nito, at kinuha ang kanyang mga pinamili