Chapter 21

1001 Words
Tingnan ni Lance ang babae hindi ito mapakali sa hinihigan, siguro ay hindi ito komportable Hindi maiwasan ni Lance ang mag isip ng malalim, umaasa na mawala ang inis na nararamdaman, gustong gusto niya itong ikulong sa kanyang mga bisig, hagkan at iparamdam dito ang kanyang pagmamahal, pero paano niyang gagawin iyon kailan lang siya nito nakilala, baka kung ano pa ang isipin nito at lumayo sa kanya Una palang na nakita niya ang dalaga sa 2nd floor ng building ay hindi na ito mawala sa kanyang isipan, nakikita niya dito ang isang babae na matagal ng nakaukit sa kanyang puso, gustong-gusto niyang sabunutan ang babaeng umaaway dito noon, kaya umalis na lamang siya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at kung ano pa ang magawa niya Sa loob ng halos magdadalawang lingo nila sa bundok lalo pang nahulog ang loob niya dito, gusto niya itong kausapin pero ayaw naman niyang makakuha ng atensyon sa iba kung lalapitan nya ito, kaya nung makita niya itong lumabas ng Tent nito nung gabing iyon ay nilapitan niya ito, pero mukhang nagalit pa niya ata ito at iniwan siya, pero okay lang makakahanap pa rin siya ng pagkakataon Kaya naman lagi niyang sinusubay-bayan ang dalaga, natuwa pa nga siya ng malamang wala pa itong boyfriend, salamat sa mga kasama niyang madaldal dahil kinulit nila si Miles Sobra-sobrang pagaalala niya ng muntik na itong mahulog sa unang akyat nila sa bundok, pasalamat siya dahil naagapan niya ito Pero ang babaeng ito mukha lagi na lang siya binibigyan ng sakit sa ulo, dahil nakita niya itong sa isang butas ng kuweba na halos mawalan na ng malay pasalamat na lang talaga siya dahil na pagawi siya sa lugar na iyon, dahil kung hindi, ay hindi niya alam ang kanyang mararamdaman Isa pang kinaiinis niya, lagi itong nakikibang harutan sa Andrei na iyon kaya minsan ay hindi niya maiwasan na sungitang ang dalaga, at lalo pang nadadagdagan ang inis niya dahil sa tuwing magtatama ang kilang mata ay lagi siya nitong iniirapan Pero mukhang ayaw pa rin tagala ng babaeng ito na tumigil sa pagbibigay sa kanyan ng sakit sa ulo, lahat na ng mga tao sa loob ng kuweba ay nakalabas na pero sya ay hindi pa rin, ilang minuto na ay wala pa rin ito “Hey dude, what happened to you” napasin pa ni Desmond ang pagkabalisa niya “Nothing, don’t mind me” sabi na lamang niya dito dahil pag sinabi niya kung bakit panigurado na aasarin lang siya nito “Did you see her?” tanong pa nito sa kanya “Who?” maang maangan ko kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya “hmmp, now I know, go... go... find her” tulak pa nito sa akin papasok ng kuweba Gusto na niya itong saktan dahil sa pangaasar nito, pero mas umiral pa rin ang pag-aalala niya sa babae Naiinis siya habang papasok sa kuweba “Saan na ba ang babaeng yon, hindi mo na talaga ako binigyan ng ikakatahimik” ng mapansin niya ang isang maliit na butas na kanina pa nito tinuturo, pag pasok niya dito ay mahimbing itong natutulog Lumapit siya dito at lumuhod sa tapat nito, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi haplusin ang pisngi nito, nakita niya na napangiti ito, ang inis kanina ay napalitan ng saya Pero ang ngiti ay muling napalitan ng inis, dahil may binabanggit itong pangalan ng lalaki, hindi lang gaanon kalinaw pero sigurado siya na pangalan iyon ng lalaki Kaya naman ng dumilat ito ay hindi niya mapigilan ang inis na isiping may kasamang ibang lalaki ito sa panaginip, kaya tuloy ay nasungitan niya ito Naiinis siya sa dalaga at hindi niya maintindihan ang sarili nag seselos ba siya sa lalaking kasama nito sa panaginip, kaya ng malaman niyang may nakitang lawa ang mga kasama ay gusto niyang magpunta doon pero ayaw niya sumabay sa mga ito kaya mamaya na lamang siya. Namangha siya ng makita ang ganda ng lawa kahit bakas ang panahon lumipas dito, sobrang tahimik, sobrang nakakaing-ganyo ang linaw ng tubig na lalo pang pinaganda nang liwanag ng buwang na tumatama dito, ramdam niya ang ginhawa ng lumusong siya sa tubig ang lamig na dulot nito ay nanunuot sa kanyang balat, nang bigla siyang natigilan ng marinig ang impit na tili ng isang babae, nang silipin kung sino ito ay para siyang tinulos na kandila, napanganga siya ng makita si Miles na nagtatanggal ng damit, gusto niyang iiwas ang mata pero mas pinili niyang wag ibaling sa iba at panoorin ito Nang hindi niya namalayang ang paghakbang niya na nakagawa ng ingay upang mapasin ng dalaga ang kinaroroonan niya at lumapit dito, hindi na niya nagawang magtago pa, kaya nilapitan na lamang niya ito Nagulat pa ata ito ng makita siya dahilan ng pagatras nito, muntik na itong matumba kakaatras buti na lang at naagapan niya Nakaramdam siya ng kakaibang saya nang magdikit ang kanilang katawan, parang may kung ano ang nabuhay sa kanyang pagkatao at gusto niyang hagkan at yakapin ito ng mahigpit, pero nagawa pa rin niya mapigilan ang sarili kaya bago pa man mawala ang natitirang katinuan niya ay niyaya na niya itong bumalik sa kampo Kinabukasan ay pinagpaliban muna nila ang pagpasok sa kuweba dahil sa medyo masama ang panahon, hawak niya ang tasa ng kape at umupo sa silong ng ginawa nilangtarapal dahil umuulan ng bigla itong lumabas ng tent na nakabalot ng kumot ang buong katawan at ulo lang nito ang nakalabas at gulo gulo ang buhok parang multo ang itsura nito, may laway pa ito sa pisngi at bigla din itong pumasok sa loob ng tent ng makita siya “ang cute talaga” natatawang sabi niya sa kanyang sarili Pero ngayon, ito na naman ang babaeng ito magkakasakit na talaga siya sa puso, nahihirapan siyang nakikita itong nasasaktan kahit sa maikling panahon lang silang makasama ibang saya ang nabibigay ng babaeng ito sa kanya, kaya nahihirapan din ang pakiramdam niya sa nakikitang kalagayan ng dalaga
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD