“Sige doc, salamat po mauna na po ako sa inyo” paalam niya dito Tulala si Miles habang nakaupo sa waiting shed at nag-aantay ng masasakyan pero ilang bus, taxi, jeep na ang dumaan pero ni-isa ay wala syang pinara at ang lahat ay pinalampas lang nya Hanggang ngayon kasi ay pilit niyang iniintindi ang sinabi ng doctor sa kanya, saka bigla niyang naalala kung bakit siya nakasama sa mga graduating noong ng High School siya kahit ilang bwan siya hindi nakapasok Agad siyang pumara ng taxi para makauwi na dahil hindi na siya mapakali at gusto na niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari nung araw na iyon Sa Shop siya unang nagtungo, pero pag dating doon ay sarado ito, kaya mabilis siyang naglakad patungo sa bahay nila, malayo pa lang siya ay napansin na niyang a

