Bago umuwi si Miles ay dumaan muna siya sa doctor na nag check-up sa kanya dahil babasahin nito ang resulta ng CT Scan nya “Iha, may history ka ba na na-Ospital ba dati?” tanong nito na pinagtaka niya “Sa pagkakatanda ko, wala po” aniya na may kasama pang pagiling “Hmmmp...” anito saka kinuha ang isa pa niyang Test at pinag tabi ito “Bakit Doc, may problema po ba?” kinakabang tanong niya “Hindi ka ba naaksidente dati o nagkasakit?” tanong muli nito “Hindi ko Alam doc, kung na-ospital ako nung bata ako, kasi hindi ko na rin naman matandaan, pero kung yung ngayon na may isip na kayo, parang wala naman po Doc” sagot niya dito “base kasi dito sa result mo may bahagi sa utak mo ang parang na trauma sa isang aksi

