Hindi mapakali si Lance dahil hindi pumasok ang dalaga, kahit ang mga kaibigan nito ay walang balita at kanina pa rin tinatawagan ng mga ito ang dalaga Hindi din nito sinasagot ang mga tawag nya, maayos silang naghiwalay kagabi nang ihatid niya ito sa bahay, nagkausap pa din sila sa telepono, pero ngayon ay hindi na niya ito ma-contact Agad na lumabas ng building si Lance upang puntahan ang dalaga sa kanilang bahay, dahil talagang nagaalala siya para dito Pasakay na si Lance nang kanyang sasakyan, nang may tumawag sa pangalan niya “Lance” na palingon naman siya sa boses na tumawag sa kanya Napakunot noo siya nang makilala kung sino ito, kahit na matagal na nang huli niya itong makita ay ayaw pa rin niya itong makita at makausap “Lance.... sandali” tawag pa rin nito sa kanya Ngunit n

