Nagising si Miles sa tunog nang kanyang cellphone, mag aalas otso na pala, bumangon na din siya dahil medyo na karamdam na siya ng gutom Lumabas siya nang kanyang kuwarto at nagtungo sa kusina ng lumabas ang kanyang lolo sa kuwarto nito “Apo ngayon ka pa lang ba kakain?” tanong nito sa kanya “Oho, nagising kasi ako at kumalam ang sikmura ko, kayo ho bakit gising pa kayo?” balik niyang tanong sa matanda “Hay, alam mo naman na matanda na ako e, medyo na papadalas na din kasi ang pag-ihi ko at hindi ko na din mapigilan” anito “Ganoon po ba, pagkatapos nyo po ay matulog na ulit kayo, kayo nga po itong matanda na dapat maayos ang tulog ninyo sa gabi, sa susunod ay bibili na lang ako ng arinola para hindi na kayo lumabas pa pag naiihi kayo” aniya “Sige nga apo, dahil nahihirapan na din ak

