Naalimpungatan si Miles na may naramdaman siyang tao sa kanya kuwarto, akala niya ay pumasok si Marco sa kuwarto upang gisingin na siya, ngunit pag dilat niya ay nakita niya si Landro na abala sa ginagawa hindi nito na pansin ang pagbangon niya, bahagya pa itong nagulat nang makita siyang nakatayo sa likuran nito “Oh, Mahal, nagising ba kita, pasensya ka na at may hinahanap lang ako” anito Umupo na rin siya sa tabi nito “Ano ba ang hinahanap mo?” tanong niya “Hinahanap ko ang kasuotan na ating gagamitin mamaya sa kaarawan ni apong Oreng” nakangiting turan nito Ay oo nga pala nakalimutan na niya iyon, at ano naman kayang klaseng damit ang ipapasuot nito sa kanya “Nakita ko na” bulalas nito Hinatak nito sa pinakailalim ng damitan ang isang hindi kalakihang baul, namangha siya sa itsura

