“Anong pinag-usapan ninyo ni Mr. Saavedra, ah, Anya?” tanong ng tiyahin matapos makaalis si Gael. “Wala po,” tipid na sagot niya. Pasimpleng sinulyapan si Ariel na pangiti-ngiti habang kumakain. Alam niyang nakita sila ng kapatid kanina na naghahalikan ni Gael, kaya naman hiyang-hiya siya sa kapatid. Baka kung ano ang isipin nito. Napakabata pa naman ng kapatid niya para makita ang ginagawa nila ni Gael. “Anong wala!” sabay hampas sa kanya sa balikat. “Aray naman, T’yang!” “Ano nga kasing pinag-usapan ninyo, eh?” inis na tanong ng tiyahin. “Tungkol lang ho sa trabaho sa ospital,” pagsisinungaling niya. Mabilis na tumayo mula sa maliit na mesang hapag-kainan nila. “Sa ospital? Wala man lang bang ibang dahilan?” “Wala ho, T’yang,” sagot niya at nagtuloy sa kusina. Hindi niya

