Gael-12

1411 Words

Magulo ang isip niyang umuwi. Hindi alam kung ano ang iisipin at ano ang gagawin. Ayaw niyang maipit kina Gael at Julia. Alam niyang ang mga Saavedra at Santillan ang may-ari ng ospital na pagtatrabahuan niya. Kaya hangga’t maaari, ayaw niyang ma-involve kina Gael at Julia. Dahil malaking gulo kung magkataon ang papasukan niya. “Hoy, Anya! Saan ka ba nagpupunta! Lakwatsa ka nang lakwatsa! Magluto ka nga muna!” galit na salubong ng tiyahin sa kanya. Mariin siyang tumango at tumuloy sa loob ng bahay. Napansin niyang wala sa loob ang kapatid. “Asaan po si Ariel?” “Haba, malay ko! Baka naglalakwatsa din tulad mo!” galit pa ring sagot ng tiyahin. Hindi na lang siya kumibo. Tumuloy na siya sa kusina para makapagluto. Nakita niyang wala namang mailuluto sa kusina. Nagkibit-balikat siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD