“Gael!” Galit ang boses ng nasa kabilang pinto. Tumingin siya kay Gael na hindi man nababakasan ng gulat o kaba. Samantalang siya, kinakabahan sa galit na tinig ng babae sa labas. “It’s Julia,” bored na sabi nito at lumakad palapit sa pinto. “Teka, Gael!” pigil niya rito, at hinila sa braso. Sinulyapan nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Para naman siyang napaso at mabilis na binitawan ang braso nito. “Hindi ako pwedeng makita ni Julia sa kwarto mo.” “And why not?” “Gael, baka kung ano ang isipin niya.” “I don’t care. Mas maganda ngang datnan ka niya rito, para malaman na niya na wala siyang maaasahan sa akin,” sagot nito. At nagtuloy na sa paglapit sa pinto. Muli niyang sinubukang pigilan ito, pero hindi niya nagawa. “Gael, please,” pakiusap niya muli. Ayaw

