Naningkit ang mga mata niya sa narinig mula kay Gael. Tama ba ang narinig niya? Tinatanong nito kung binebenta pa rin niya ang sarili sa mga lalaki? Humugot siya ng malalim na hininga at masamang tingin ang pinukol dito. "Anong ibig mong sabihin?" taas-kilay na tanong niya. Hindi tinago ang talim sa tono. "Well," simula nito. He crossed his arms over his chest and looked at her. "Curious lang naman ako, if for sale ka pa rin like the old times," walang emosyong sagot nito, na tila ba napaka-kaswal lang dito ang sinasabi nito. "Why, Mr. Saavedra? Until now ba, bumibili ka pa rin ng batang babae?" taas-noong balik tanong niya. Hindi niya tinago ang galit sa mukha at tono niya. May karapatan siyang magalit. Kahit sabihin na magiging boss niya ito, hindi niya hahayaang insultuhin siya ng si

