"Oh ano, kailan ka magsisimula doon sa ospital?" bungad ng tiyahin pagpasok niya sa loob ng bahay. Nagkibit-balikat lang siya, at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. "Ano? Natanggap ka ba? Kailan ang sahod mo? Magkano naman ang sahod mo doon?" pangungulit ng tiyahin. "T'yang, sa Lunes pwede na ako magsimula," walang ganang sagot niya. Paano ba naman, hindi pa nga siya nakakapagsimula sa trabaho, sahod na agad ang tinatanong nito. "Magtanong ka baka pwede kang mag-advance," "T'yang naman eh," may inis sa tono niya. "Haba, Anya! Ikaw na ang magpapakain sa amin ni Ariel niyan. Yang sahod mo na ang magiging panggastos natin dito sa bahay," taas-kilay na sabi ng tiyahin. Bumuntong-hininga lang siya at mariing tumango para magtigil na ang tiyahin. Kahit naman noon pa, siya na ang gu

