"Anya?" paninigurado ni Gael nang makita siya. "Hi," alanganing bati niya. "Hey," nakangiting bati ni Gael sa kanya. "What a surprise, Anya." "Ah, oo. Nasa Milktea House kasi ako kanina, nakita kita kaya—" "Kaya?" "Pwede ba kitang makausap?" "Sure, sure," mabilis na sagot nito. "You want coffee?" "No, pwede sa kotse mo na lang," sagot niya. "Ah, sure. Tara," sagot nito. At ginaya siya nito sa kotse. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan sa passenger seat. Itim na SUV, makintab, mamahalin. Amoy bago at amoy cedarwood na pabango ni Gael. "Salamat," pasasalamat niya nang makasakay na sa kotse. Wala siyang masyadong alam sa mga sasakyan. Pero nakakasiguro siyang mamahalin ang sinasakyan niya ngayon. Malamig ang leather seat sa balat niya. "Ano pala 'yong sasabihin mo?" tanong ni

