Ilang mga boses ang narinig ni Paprika nang tuluyan s'yang magkaroon ng malay. Hindi s'ya sigurado kung gaano na s'ya katagal na nakatulog pero pakiramdam n'ya ay hindi naman gaano pang nagtatagal iyon. Amoy pa lang ng paligid ay alam na alam na n'ya kung nasaan s'ya. Kahit hindi pa s'ya tuluyang nagmumulat ng mga mata ay alam n'yang nasa ospital s'ya. Agad na dinalaw s'ya ng kakaibang kaba habang isa-isang inaalala ang mga nangyari bago s'ya nawalan ng malay. She was fighting with Adeline when she felt her knees trembled. Hilong hilo rin s'ya matapos makalanghap ng matapang na amoy na hindi n'ya sigurado kung kanino nanggaling. Basta ang natatandaan lang n'ya ay hindi n'ya kinaya ng sikmura n'ya ang amoy ng pabangong iyon kaya tuluyang nandilim ang paningin n'ya sa sobrang pagkahilo.

