“Miss, Ramirez…” Sabay sabay pang napatingin sina Paprika, Monette at Jona nang bumukas ang pinto ng opisina ni Llewyn. Agad na nagtama ang paningin nila. “Why, Sir? Do you need anything?” pormal na tanong n’ya kay Llewyn na muntik pang mapangiwi dahil sa itinawag n’ya dito. She bit her lower lip to stop herself from smiling. Kahapon nang aminin nito sa kanya na bumalik na ang mga recent memories nito ay hindi na ito nagpapigil na sumama sa ospital para dalawin si Daniella. Nagtataka man sina Monette at Jona kung bakit sumama pa si Llewyn sa kanila ay pasimple n’yang pinagtapat sa mga ito na bumalik na ang mga recent memories ni Llewyn. Nagulat at natuwa ang mga ito pero hindi naman pinahalata kay Llewyn na alam na ng mga ito kaya ngayon na umaakto na naman itong palautos na Boss sa hara

