Nakakahindik ang sigaw na pinakawalan ni Miguel nang sabihin ng doktora na patay na ang kan'yang anak. Hindi makapaniwala ang mafia boss na ang nag-iisa niyang tagapag-pagmana ay hindi man lang nasilayan ang mundo.
Galit na galit na nilapitan ni Miguel ang doktora at hinugot niya ang mataas na kalibre ng baril. Nanginginig ang mga kamay na itinutok ni Miguel ang hawak niya sa nangangatog din na doktora.
"Do everything to revive my son," mariin na sabi ng mafia boss. "I'm gonna blow your small f*cking head if you let my son die today. Pumasok ka na sa loob at buhayin mo siya!" Lumuha na sabi ni Miguel.
"I'm sorry, sir. I'm sorry. Ginawa ko na po ang lahat," sabi ng doktora sabay salikop ng mga kamay niya.
"Hindi maaari! Buhayin mo ang anak ko! Kung kinakailangan na ibigay mo ang buhay mo kapalit ng buhay n'ya, do it!" dumadagundong na sigaw ni Miguel.
Walang pagsidlan ng galit at lungkot ang isang ama na kay tagal naghintay ng kaniyang tagapagmana. Hindi kayang tanggapin ni Miguel na sa kabiguan lang mauuwi ang lahat ng kaniyang pananabik. May bahagi ng utak niya na sinisisi ang sarili ngunit hindi niya gustong aminin iyon sa harapan ng mga tauhan na nakatingin lang sa kan'ya.
Samantala, sa Feroia ay nabigla si Yu nang datnan n'ya sa loob ng Lambini ang isang Huruan na naglilibyab ang mga mata.
"Kumusta, Yu? Matagal din tayong hindi nagkita?"
"Seru? Kaibigan ba kita ngayon o kaaway?"
"Ano sa tingin mo?" Nakangisi na tanong ng pinuno ng Huruan.
Hindi sumagot si Yu ngunit naghanda siya. Alam niyang hindi mapagkakatiwalaan ang kan'yang kaharap. Minsan na silang nagkasagupa ni Seru kasama ang mga taga-Yekes. Isang maliit na daigdig ito sa labas ng Feroia. Noon ay iniligtas ni Yu ang Huruan laban sa kalaban sa pag-aakala na ito ay mabuting nilalang ngunit nalaman ni Yu na sinakop ni Seru ang Yekes at ginawang alipin ng mga Huruan ang mga taga-Yekes.
Bago pa makakilos si Yu ay bigla siyang inataki ni Seru. Panay ang pakawala ni Seru ng nakakasilaw na liwanag mula sa kan'yang buntot. Samantalang si Yu ay binabaril naman ang pinuno ng Huruan ngunit hindi epektibo kay Seru ang baril na ginawa ni Yu. Gamit ang kaniyang kakayahan na magpalabas ng espada mula sa kan'yang mga kamay, pilit sinasaksak ni Yu ang mahigpit niyang kalaban.
Ngunit sadyang pinaghandaan ni Seru ang paghaharap nila ni Yu. Mula sa mga mata ng pinuno ng Huruan ay lumalabas ang kakaibang liwanag at ikinulong noon si Yu na para bang nasa loob siya ng isang masikip na kahon.
Hindi makalikos si Yu lalo at nakatutok sa kanyang dibdib ang matalas na buntot ni Seru. Ang kan'yang espada ay nagliliyab na dahil sa sobrang init. Tumatagos ang matinding init na iyon hanggang sa loob ng sistema ni Yu kaya binitawan n'ya na ito. Unti-unti nang maririnig ang pagkalas isa-isa ng katawan ng magiting na mandirigma.
"Hindi ako susugod dito ng hindi handa," sabi ni Seru. Panay ang halakhak niya dahil sa tuwa na makitang labis na nahihirapan ang pinakamagaling na mandirigma ng Feroia.
Inaalerto na si Yu ng kanyang utak. Matindi na rin ang init ng katawan ng Feroian na labis ng nahihirapan dahil sa pulang liwanag na mula sa mga mata ni Seru. Hanggang sa biglang nagliyab ang buong katawan ni Yu. Nawala ang lahat ng liwanag na ginamit ni Seru para pahirapan ang pinuno ng mga mandirigmang Feroian.
Gamit ang kan'yang kapangyarihan, mula sa sahig ng Lambini ay inangat ni Yu ang kan'yang espada. Sa kabilang kamay ay hawak naman niya ang kan'yang baril. Matapang na tinaga ni Yu ang buntot ni Seru. Lingid sa kaalaman ni Yu tinamaan n'ya ang pinakasensitibong bahagi ng katawan ng Huruan.
Umigik si Seru at nagpakawala muli ng pulang liwanag mula sa kan'yang mata. Kakawil-kawil na lamang ang kan'yang buntot at pilit niyang ikinulong ulit si Yu sa loob ng mga pulang liwanag.
Maliksi namang umiiwas si Yu sa bawat atake ni Seru. Ang temperatura ng kan'yang katawan ay lalong umiinit kaya hindi magawang ikulong ni Seru kahit sa loob ng kan'yang malaking pakpak ang Feroian na kay tagal niyang pinangarap na matalo.
Lumitaw na ang buwan na tinawag ni Yu kaya mas maraming Feroian na ang lumalaban para sa Feroia. Kahit gusto ni Yu na kausapin sa utak niya si Soe upang ipabatid dito ang nangyayari sa loob ng Lambini ay hindi niya magawa. Abala rin kasi si Soe at kapwa na sila mainit pareho.
'Sing init ng labanan sa labas ang nagaganap na labanan sa loob ng Lambini. Marami na ang mga aparatong nawasak dahil kapwa ayaw magpatalo nina Yu at Seru. Pilit na ikinukulong ni Seru si Yu sa kan'yang mahika ngunit hindi nagpapatalo si Yu kahit nagliliyab na siya. Hanggang sa magpakawala si Seru ng nakakasilaw na liwanag na kulay dugo. Si Yu na hindi inaasahan ang lakas noon ay biglang napaurong at aksidente niyang napindot ang pindutan ng system na tinatawag na FE01. Ito ang pindutan na ipinagbabawal ni Soe na pindutin o hawakan ng isang Feroian dahil dadal'hin ng system na ito ang sino mang Feroian sa mundo ng mga tao.
Isang nakakabinging tunog ang narinig sa buong Feroia kasabay noon ay ang pagliwanag ng buong Lambini at paglaho ng mga Huruan na kanina lang ay nagpadilim sa Feroia. Isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong daigdig na tinitirahan ng mga Feroian.
"Paalam, Feroia!" huling mga salitang naisigaw ni Yu bago siya tuluyang nilamon ng nakakabulag na liwanag.
"Yu!" Malakas na sigaw ni Soe habang mabilis na humahakbang papunta ng Lambini.
Ang mga Feroian ay hindi magawang magsaya sa pagkawala bigla ng mga kalaban. Batid nilang ang tunog na pinakawalan ni Yu ay ang huling lakas na mayroon siya kaya sa isang iglap ay nawala ang lahat ng kalaban nila. Lahat sila ay nanatili lang sa kanilang mga pwesto hanggang sa may isang Feroian ang nagsimulang ihakbang ang kan'yang mga paa patungo sa Lambini habang nakayuko.
Samantala sa mundo ng mga tao ay napatayo ang nakaluhod na doktora. Awang ang bibig, napatingin siya sa mafia boss na bigla rin natigilan. Ang galit na mukha nito ay napalitan ng masayang mukha at hindi maipaliwanag ang kan'yang nadarama.
Nagtakbuhan ang lahat papasok sa silid at doon ay nakita nila ang sanggol na namumula at ayaw tumahan sa kaiiyak habang tila naghihintay na may pumansin sa kaniya. Ang manggagamot na kanina lang ay nanghihina ang tuhod ay napaurong at nakailang beses na nag-sign of the cross dahil sa hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan. Halos sampung minuto kasi niyang sinubukan na buhayin ang sanggol bago siya lumabas at hinarap si Miguel Rendon dahil sa takot niya sa lider ng kanilang samahan.
"Asikasuhin mo ang anak ko, doktora!" utos ng lider ng isa sa pinakasikat na mafia group ng bansa, ang Haito Mafia Group. "Unang araw n'ya pa lang sa mundo ay gumawa na siya ng himala. Batid kong magiging isa siyang magiting na prinsipe ng Haito."
"O-opo. Masusunod po, boss," natatarantang sagot ng doktora. Nagmadali ang manggagamot sa pagpasok ng silid kung nasaan ang sanggol.
Ang katawan ng manggagamot ay nangangatal sa matinding takot. Hindi alam ng doktora kung anong himala ang nangyari ngunit dahil sa takot niya sa pinuno nila kaya hindi nagsalita ang doktora ng kahit ano na maaaring ikagalit ni Miguel.
"Kung sino ka man na nilalang ang sumapi sa katawan ng sanggol na ito upang ito ay muling mabuhay, thank you sa iyo. Iniligtas mo ako sa isang parusa na maaring magdulot ng aking kamatayan," mga katagang naglalaro sa isip ng manggagamot habang pinaliliguan at nililinis muli ang sanggol na wari bang nagpapapansin. Wala kasing tigil ito sa pag-iyak.
Nagising si Catherine sa iyak ng kan'yang anak. Wala siyang alam sa mga naganap. Ang dalawang nars na naiwan kanina sa loob ng delivery room ay hindi halos makakilos dahil sa sobrang takot. Takot hindi para sa buhay nila kun'di dahil sa nangyaring himala.
Masayang kinalong ni Miguel ang kan'yang anak. Naluluha siya habang isinasayaw ang sanggol na nasa kan'yang mga braso.
"Hexur, ang aking tagapagmana! Masaya akong masilayan ang iyong mukha, prinsipe ng Haito Mafia Group," buong galak na turan ni Miguel.
Si Catherine ay naluluha rin na panoorin ang kan'yang mag-ama. Wala siyang mapagsidlan ng galak kaya napaiyak na lamang siya.
"I am so proud of you, my queen," wika ni Miguel sabay halik sa noo ni Catherine.
"Masaya akong naisilang ko na ang ating prinsipe," ani ni Catherine.
Ang dalawang nars ay pasimpleng lumabas ng delivery room at tumungo sa silid na pagdadal'han nila kay Catherine at sa sanggol. Habang inaayos nila ang silid ay pumasok ang doktora at ini-lock ang pintuan.
"What happened in the delivery room? How come the baby turned alive after almost ten minutes of being dead? What did you do?" Sunod-sunod na tanong ng hindi pa rin makapaniwala na manggagamot.
"Wala po, dok. Busy ako kanina. Inaayos ko ang mga ginamit natin ng biglang umiyak ang baby," sagot ng isang nars.
"Hindi ko rin napansin, dok. Nagulat na lang talaga ako na buhay na siya," sagot ng isa pa.
"We have to zip our mouths. Lahat tayo ay walang sasabihin tungkol sa naganap dahil kapag lumabas ang tungkol sa kamatayan ng prinsipe ay baka isipin ng Haitos na may masamang nilalang ang sumapi rito," utos ng doktora.
Tama ang doktora sa tinuran niya. Maging si Miguel ay iyon din ang utos. Ipinatawag n'ya ang manggagamot at ang dalawang nars maging ang mga nakasaksi ng lahat at inutusan na walang magsasalita tungkol sa naganap sa hospital lalo at nangyari ang lahat kung kailan buong mundo ay nag-aalala dahil sa mga nakikita ng mga scientists sa outer space.
Habang nagpupulong ang mga Haitos sa ospital ay nakapila nang nakayuko ang mga Feroian. Tumitingin ang bawat isa sa kanila sa malaking screen kung saan makikita ang mga tao kasama na ang isang bagong silang na sanggol. Batid ng mga Feroian na ito si Yu dahil sa signal na nakukuha nila mula sa mundo ng mga tao.
"Paalam aming magiting na bayani," mahinang wika ni Soe. Inilagay niya ang kaniyang kanang palad sa monitor, sa tapat ng sanggol na umiiyak. Ang kaniyang dalawang daliri sa kamay ay ginalaw-galaw niya na wari bang dinadama ang makinis na balat ng sanggol. Bilang pinuno ng Feroian ay alam niya ang malaking kawalan sa Feroia ng kanilang bukod tanging mandirigma.
Ang mga mukhang taong robot na Feroian ay isa-isa rin na lumapit sa monitor. Hinaplos din nila ang imahe ng maliit na nilalang na kanilang nakikita. Wala man mga luha, dama ang bigat ng sitwasyon sa marahan nilang pagkilos. Batid kasi ng Feroian na ang pagtawid mula sa Feroia patungong earth ay katumabas ng kamatayan ng Feroian. Sa kasaysayan ng Feroia, wala pang kahit isang taga sa kanila ang nakabalik sa daigdig nila pagkatapos makatawid sa mundo ng mga tao.
Nang wala na sa Lambini ang mga Feroian, masusi ni Soe na pinagmasdan ang pagbalot kay Yu ng isang puting bagay. Napapapitik pa siya habang takang-taka sa ginawang paglabas ng babae ng bahagi ng kaniyang katawan at isinubo iyon kay Yu.
"Anong bagay ito? Baka mamatay si Yu dahil sa ginagawa niya! Bakit kailangan niyang pakainin si Yu ng bahagi ng kaniyang katawan?" bulong ni Soe.
Dahil sa nakita kaya nakabuo si Soe ng isang pasya. Kahit wala pang nakagawa na Feroian ng pinaplano niya ay handa si Soe na sumugal upang muling makausap si Yu. Gusto niyang nakagawa ng isang bagay na pwedeng maging daan upang makausap niya ang magiting na mandirigma ng Feroia sa pamamagitan ng mga satellite na nakakalat sa buong universe.
Nagsimula si Soe na magtrabaho sa harap ng isang malaking makina. Ilang beses siyang nabigo ngunit hindi siya sumuko. Dama ni Soe ang pag-iinit ng kaniyang katawan dahil ginagamit niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan upang magtagumpay siya.
"Para sa magiting na mandirigma ng Feroia, hindi ako susuko," determindong sabi ni Yu. "Bilang ganti sa sakripisyo niya, gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makausap at maibalik sa mundo kung saan siya nararapat."
Hanggang sa ang pagsisikap ni Soe ay magresulta ng isang tagumpay. Inilunsad niya iyon kaagad at sa mabilis na panahon ay bilang kumislap ang kanang pulsuhan ng sanggol na nasa mga braso ng nilalang sa mundo ng mga tao.
"Yu, aming tagapagtangol, muli tayong magkikita. Hanggang sa muli..." wika ni Soe.
Pagkatapos, bumalik si Soe sa kaniyang bahay na nakadikit sa mga bato na nababalutan ng mga dyamante. Pilit niyang kinakausap gamit ang kaniyang kapangyarihan ang maliit na nilalang ngunit hindi siya makakonekta rito.
"Mukhang kulang pa ang aking ginawa. Paano ko kaya siya makakausap gamit ang tatak niya sa kaniyang braso?" tanong ni Soe.