Isang magarbong okasyon ang nagaganap sa Haito Compound. Pinabinyagan kasi kaagad nina Miguel at Catherine ang kanilang anak. Tuwang-tuwa ang mga Haitos sa pagdating ng prinsipe ng Haito Mafia Group. Napakaraming alak at pagkain ang nasa hapag na nakalagay sa isang malaking field na nagsisilbing training ground ng Haitos.
Nagkakantahan ang karamihan habang nakasilong sa malalaking tent na nilagay sa buong field. Bawat isa ay nagdarasal para sa kaligtasan ng kanilang prinsipe. Si Catherine ay kandong sa kan'yang mga braso ang iyakin na si Hexur.
"I am so happy na ninong ako ng aking pamangkin," sabi ni Karl. "I will protect him even if it costs my life."
"Thank you, bro. I'll count on those words." Tinapik ni Miguel ang balikat ni Karl.
Sa isang bahagi ng field ay may mga matang nagliliyab sa galit. Habang umiinom sila ay nagpaplano na rin sila kung ano ang pwedeng gawin sa bagong panganak na sanggol.
"I don't understand, bakit may balat ang anak n'yo sa pulsuhan. What's letter F stand for?" tanong ni Froilan.
"Hindi ko rin alam kung bakit may gan'yan ang aking anak. Probably, it's a sign of being a warrior," biro ni Miguel. Dahil bestfriend ni Miguel ang kausap nito kaya isa rin siya sa mga ninong ni Hexur.
Nagkatawanan ang tatlo. Ang sanggol na natutulog sa kandungan ng kan'yang ina ay biglang napangiti. Ang cute nitong mukha ay kinagiliwan ng mga Haitos.
Mabilis na lumipas ang panahon. Ang sanggol na dati rati ay iyakin at parating kandong ng kan'yang ina ay isa nang ganap na estudyante. Sa kabila ng pagiging mafia boss ay mas pinili ni Miguel na mamuhay ng normal ang kan'yang anak. Tumutol ang matataas na opisyales ng Haito Mafia Group ngunit ang kagustuhan ng mag-asawa ang nasunod.
Spoiled si Hexur sa kan'yang mga magulang ngunit hindi niya gusto ang atensyon na nakukuha niya mula sa mga Haitos. Kahit walong taong gulang pa lamang siya ay kakikitaan na si Hexur ng pagiging isang matatag na lider. Ngunit malaking problema ang pagiging sakitin niya at kawalan ng interest na humawak ng sandata.
"Hexur, bumangon ka na at magsisimula na tayong mag-exercise," akit ni Miguel sa anak.
"Nilalagnat siya simula pa kagabi," turan ni Catherine.
Malungkot na lumayo si Miguel sa silid ni Hexur. Simula sanggol pa lamang kasi ang mafia prince ay sakitin na ito, walang gana sa training at ayaw rin nito na matuto kung paano gumamit ng sandata.
Sumunod si Catherine sa asawa n'ya. Alam niyang nawawalan ng pag-asa si Miguel dahil sa pagiging sakitin ni Hexur. Ilang beses na kasi nilang dinala ang bata sa mga specialist at wala namang makitang karamdaman ang mga doktor. Mamahaling mga vitamins na rin ang iniinom ni Hexur ngunit tila walang epekto iyon sa batang mafia prince.
"Miguel, please understand. Bata pa ang anak natin. He's weak dahil siguro sa akin. Mahina ang katawan ko noong pinagbubuntis ko siya kaya probably namana n'ya rin ang kahinaan ko," umiiyak na sabi ni Catherine.
"It's not your fault. Kasalanan ko ito," sabi ni Miguel. Walang maisip si Miguel na ibang dahilan ng pagiging mahina ng kan'yang anak kun'di ang nangyari noon sa sanggol.
"Paano mo naman naging kasalanan?"
"Marahil ang ilang minuto na pagkamatay ni Hexur ay nagkaroon ng malaking impact sa katawan niya," bulong ng isip ni Miguel. Subalit hindi n'ya iyon sinabi kay Catherine. Hinawakan n'ya lang ang balikat nito.
"Maniwala ka sa akin. Bilang ina, alam kong darating ang araw na magiging isang magaling na pinuno ang ating anak," pagkukumbinsi ni Catherine sa asawa niya.
"I'll be waiting for that day. Hopefully, buhay pa ako at makita ko pa iyon, mahal."
"What are you talking about, Miguel?"
"Alam mo naman ang panganib na palaging nakaamba sa akin." Nakangiting sabi ni Miguel sa asawa niya. Humakbang si Miguel para mas malapitan at mayakap n'ya si Catherine.
Sa kan'yang silid ay nag-iisip si Hexur. Alam ng bata na tamad siya pero hindi n'ya iyon gusto. Sadyang hindi n'ya lang minsan mabuhat ang katawan niya mula sa higaan at hindi n'ya iyon sinasabi sa kan'yang mga magulang. Nasanay na kasi ang bata na ganoon siya palagi kahit noong mas mura pa ang edad niya. Basta usapang training o pag-aaral tungkol sa mga gamit pakikidigma ay nawawalan siya ng gana at hindi na siya makatayo mula sa higaan.
"All doctors told me na okay naman ako, na I am healthy. I guess despite being physically fit, may sakit ako sa utak," bulong ni Hexur.
Mula pagkakahiga ay umupo siya sa kama. Itinaas niya ang kan'yang kanang braso at sinipat ang kan'yang pulsuhan. Tumulis ang nguso ng bata habang pinagmamasdan ang letrang F na nakatatak sa kan'ya.
"Oh, bakit nakatingin ka na naman diyan sa braso mo?" tanong ng yaya ni Hexur.
"I'm wondering why I have this kind of tatak. Inilagay ba ito ng parents ko noong baby pa ako para hindi ako mawala?"
"Hindi ko alam, Hexur. Walang nakakaalam na Haitos tungkol sa balat mo na iyan."
"Tingin ko ayaw n'yo lang sabihin sa akin ang totoo," nagtatampong sabi ng bata.
Tumawa ang yaya ng bata. Matalino at madaldal kasi si Hexur at marami itong alam. Hindi siya katulad ng ibang bata na makulit at pilyo kahit anak siya ng mafia boss. Masunurin ang mafia prince at takot sa matatanda.
Subalit hindi palaging ganoon ang ugali ni Hexur. Ayaw n'ya ng paulit-ulit ang itinuturo sa kan'ya kaya madalas ay tumatakas siya sa paaralan at sa mga bantay niya. Sa kabila ng yaman niya ay mas gusto ng batang si Hexur ang mamuhay ng normal kaysa ang mag-ensayo. Mas gusto n'yang makipaglaro sa kalye kaysa hawakan ang matataas na kalibre ng baril.
Hindi rin maunawaan ng bata kung bakit kapag hindi tungkol sa paghawak ng sandata ay hindi naman siya nagkakasakit. Normal naman siyang bata sa mata ng mga kaklase n'ya maliban na lang kapag nasa paligid n'ya ang mga Haitos.
Isang araw ay masayang pumasok sa paaralan ang batang mafia prince. Bago umalis ng bahay ay naisipan ni Hexur na magbalot ng pagkain. Gusto niyang takasan sandali ang buhay niya na napapalibutan ng mga lalaking may mga baril. Wala siyang ibang gusto kun'di ang maging isang normal na bata na naglalaro lang sa kalsada sa buong araw na iyon.
Sapagkat bata pa at walang pakialam sa panganib na nag-aamba sa kan'ya, nag-kunwari ang bata na pumasok sa kan'yang classroom. Sa tulong ng kaibigan n'yang si Cedric ay pasimple siyang lumabas muli ng classroom habang ang mga bodyguards niya ay nagpupulong sa dulo ng pasilyo.
Dahan-dahan ang mga hakbang, buong tapang na narating ni Hexur ang sidestair. Sa likuran na bahagi ng paaralan kung saan may isang naiwang hagdan ang mga nagtatrabaho ng bakod ng paaralan dumaan ang bata. Pumalakpak pa siya nang nakasampa na sa bakod.
"Hey, wait!" sigaw ng isang batang babae. "Sama ako sa iyo."
Umakyat rin ng hagdanan ang batang maputi at matangos ang ilong. Ang nagulat na si Hexur ay bigla namang napatalon patawid ng bakod. At dahil buhangin ang binagsakan niya kaya hindi nasaktan ang bata. Sunod naman na tumalon ang batang babae.
"Where are you going?" tanong ng batang gustong sumama kay Hexur.
"Somewhere kung saan walang bodyguards na makakabuntot sa akin," mayabang na sabi ni Hexur.
"Sama ako, ha. Nakakatamad ang lesson namin. Paulit-ulit na lang. Mas gusto ko pang pag-aralan ang outer space kaysa sa ABC," sabi ng madaldal na batang babae.
"What's your name?" tanong ni Hexur.
"Morie Hernandez. And you?"
"Hexur Rendon. Anong grade mo?"
"Grade 1. Ayaw ko ng pumasok. I'm so tired of ABC, ABC. Gosh, that's so easy."
Hinawakan ni Hexur ang kamay ng batang bagong kakilala. Walang direksyon ang lakad ng dalawa ngunit masaya sila habang nagkukuwentuhan. Usapang bata lamang ang kanilang ginagawa ngunit kapwa kuntento ang dalawang bata. Sa maalikabok na daan na kanilang tinatahak ay malaya nilang ginagawa ang maghabulan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Hexur kay Morie.
Tiningnan ni Morie sa mata niya si Hexur. Kumikislap ang mata ng bata habang sinasabi niya ang mga katagang, "Everywhere you go, I'll be go with you."
"I can't protect you. I'm not good at using…"
"It doesn't matter, Hexur. I'll protect you then."
Nanlaki ang mata ng batang si Hexur. Niyakap n'ya si Morie ng ubod higpit. Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng t***k ng kan'yang puso. Akala ng batang si Hexur ay kasama iyon sa mga sakit niyang hindi matukoy ng mga doktor.
Sa isang malawak na park, walang ginawa ang mafia prince at ang bago niyang kakilala kun'di ang maghabulan at manghuli ng mga paru-paro. Nang mapagod ang dalawa ay kinain nila ang dalang pagkain ni Hexur. Nahiga sila ng magkatabi sa damuhan at walang pakialam na nagpa-init sila sa ilalim ng tirik na araw.
Hinawakan ulit ni Hexur ang kamay ni Morie. Tiningnan n'ya ang kan'yang katabi. Ngumiti naman si Morie ng ubod tamis.
"When I grow old at hindi na kita makita, I'll ask the stars to lead me where you are," sabi ni Morie.
"Babalik ako palagi sa lugar na ito at hihintayin kita rito. Maglalaro tayo ulit rito," madamdaming sabi ni Hexur.
Pagkatapos sabihin ni Hexur ang mga katagang iyon ay nagkatawanan ang dalawang bata. Sa mura nilang isip ay parang laro lang ang ginagawa nila ngunit ang hindi alam ng dalawa ay mula sa Feroia, iginuguhit na ni Soe ang kapalaran nila.
"Labag ang ginagawa mo Soe, hindi tayo pwedeng makialam pa sa isang Feroian na nilisan na ang ating daigdig," wika ng taga-payo ni Soe.
"Hindi si Yu isang simpleng Feroian. Siya ang bayani ng Feroia at nararapat lamang na tulungan natin siya sa abot ng ating makakaya lalo at sa mga braso n'ya ay nakakatatak ang ating daigdig," malumanay na sabi ni Soe.
"Sa ginagawa mo ay nababawasan ang iyong liwanag. Hindi magugustuhan ng bathala ng kalawakan ang ginagawa mong pagsalungat sa mga plano n'ya."
"May puso ang bathala na kawangis ng mga tao. Mauunawaan n'ya ako," pagtatapos ni Soe sa usapan.
Lumabas ng Lambini ang isa sa mga taga-payo ni Soe. Naiwan naman ang pinuno ng Feroia na abala sa kan'yang ginagawa. Gusto ni Soe na mabago ang hinaharap ng batang si Hexur. Ang tanging naisip ni Soe ay galawin ang mga bituin na nasa labas ng Feroia.
Nang matapos ay tumingin si Soe sa monitor at nakikita niya ang pagwawala ni Miguel at ang pagbaril nito isa-isa sa mga bodyguards na nagbabantay sa anak n'ya. Nauunawaan ni Soe ang inaasal ng mafia boss kaya pinanood n'ya lamang ang mga nagaganap.
Sa isang silid ay makikita naman ang pag-iyak ng babaeng nag-alaga kay Yu simula ng maisailang ito bilang si Hexur. Hindi mapakali ang babae at panay ang pagtangis nito habang nagpapalakad-lakad sa isang magandang silid.
Muling binalikan ni Soe ang lugar kung nasaan si Yu o Hexur. Napahawak sa kan'yang ulo ang pinuno ng Feroia nang makita niya ang pagdampot kay Yu ng isang nilalang na may hawak na armas sa kan'yang kanang kamay.