NAWALA SA isip ni Cadence ang plinano ng kaniyang mga magulang na munting salu-salo dahil uuwi na sa weekend ang mga pinsan niya. Nalulungkot man siya ay alam naman niya na hindi niya pwedeng pigilan ang mga ito. Nagulat pa siya nang makitang abala ang mga katulong sa kusina habang ang mommy at daddy niya ay abala sa pakikipag-usap sa kasambahay nilang pinaka-head. Lumapit siya nang dahan-dahan at narinig niyang nagbibilin ang mga ito. "Make sure na masarap ang mga pagkain natin mamaya, okay?" wika ng mommy niya. Nakatayo sa likod ng wheelchair nito ang daddy niya. "Yes, Ma'am." Tumalikod na ito at iniwan ang mag-asawa. Napangiti agad ang mga ito nang makita siya palapit. "Nandiyan ka pala." "Sorry, mommy. Daddy, kagigising ko lang kasi. Akala ko po ay dinner ang gagawin natin. Lunch

