CHAPTER 42

1351 Words

KINABUKASAN ay maagang nagising si Cadence. Ipagluluto niya ng almusal si Aga. Ngayon ay sinigurado muna niya na nasa bahay pa ang kasintahan bago siya magluto dahil baka masayang na naman ang effort niya. Nagtungo siya kanina sa kwarto nito. May dala siyang duplicate ng susi kaya nasilip niyang mahimbing pa rin itong natutulog. Napangiti sa pilyang paraan si Cadence nang maalala niya na naabutan niyang walang saplot pang-itaas si Aga. Ang kumot nito ay nakalilis at nakabungad ang maganda at alagang-alaga sa gym nito katawan. Parang nanuyo ang kaniyang lalamunan nang makita sa isip niya ang itsura ng nobyo. Ang mga biceps nito, tamang-tama at parang ang tigas no'n hawakan. Ang abs nito, walo. At ang dibdib nitong may mumunting mga baliho na tila kay sarap hawakan. Pinilig niya ang ulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD