CHAPTER 41

2569 Words

HINDI MATANDAAN ni Cadence kung paano sila nakauwi ni Aga. Nanginginig pa rin siya sa takot dahil sa nangyari. Nasa sala sila ngayon at pinakakalma siya ng kaniyang mommy pati na nina Azariah at Aliona. Pinaiimbestigahan na ng kaniyang daddy at ni Aga ang nangyarin sa restaurant. Narinig niyang pinakukuha ng mga ito ang kopya ng lahat ng CCTV camera sa buong mall. "Anak, gusto mo bang umakyat sa kwarto mo? Mas makakabuti kung ipapahinga mo ang isip at katawan mo," suhestyon ng kaniyang mommy. Umiling siya. "Ayoko, mommy. Natatakot ako," aniya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Anak walang mananakot o mananakit sa iyo rito. Bahay natin to, di ba?" Malambing ang pagkakasabing iyon ng kaniyang ina. Tiningnan lang niya ito saka nagsalita, "s-sino kaya iyon, mommy? Pinag-trip-an kaya ako?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD