PAGKARATING nila sa mall ay hindi na sila nahirapan pa na makita si Von. Nakatayo na kasi ito sa entrance at mukhang hinihintay talaga sila. Muntik pa niyang hindi ito makilala dahil iba ang suot nito ngayon. May suot itong reading glass na may itim na frame. T-shirt na kulay nagy blue, maong jeans saka rubber shoes. Ang pormahan nito ay mala-Clark ng Smallville o Superman. May sukbit pa itong bag. "Von?" Mukhang hindi rin ito nakilala ng pinsang si Azariah. Tila pinag-aralan pa nito ang itsura nito. "Ikaw ba iyan?" "Ah. Oo. Nasira kasi yung contact lense ko na may grado kaya napilitan akong gamitin itong luma kong salamin." Ngumiti ito dahilan upang lumabas ang mga dimples nito sa magkabilaang mga pisngi. "Ay ayos lang iyon. Medyo nanibago lang kami sa iyo. Di ba, guys?" tanong ni Aza

