Kinuha ni Cade ang cell phone ng binata saka pinanood ang video na nakuha niya. Makikita mula roon na inilalabas ng lalaki ang biktimang babae mula sa malaking itim na bag. Hindi kita ang mukha ng lalaki sa video dahil nakatalikod ito. Ngunit napansin na ni Cade ang tattoo na nasa batok niya.
Ang markang ‘yon. Sinasabi ko na nga ba at pamilyar sa akin ‘yon. Ibig sabihin ay nakita ko na sila sa ibang bansa. Paano sila nakapunta sa siyudad na ito? Nakita ko na inaasikaso ni Rhys ang tungkol sa marka na ito kagabi at ang ibig sabihin. Napagtanto ko na rin ang sinasabi niya na para bang may kakaiba sa marka na ‘yon.
Ang biktimang babae ay nailabas na saka basta na lang na inilapag sa damuhan. Ikinalat din nito ang mga uniporme ng babae sa lugar. May dinukot siya sa kaniyang bulsa at idinikit sa isang puno malapit sa pwesto ng babaeng biktima. Doon napagtanto ni Cade na talagang minamarkahan nila ang bawat lugar na tapos na nilang gawan ng krimen.
Nakita rin ni Cade sa video na sa ibang labasan ito lumabas. “Pinuntahan ko ang labasan na pinuntahan niya. Ngunit nang makarating ako doon ay sarado na at hindi na nabubuksan. Hindi ako sumunod nang makaalis siya, natatakot ako na baka mahuli niya ako at malaman niya na may isang witness,” paliwanag muli ng binata sa kaniya.
“Tama lang ang ginawa mo. Mabuti at sa akin mo ito ipinakita at hindi sa mga pulis sa siyudad na ito. Panigurado na malalaman agad nila na ikaw ang witness kung sakali na sa kanila mo naibigay. Lalo na at maaaari ka ring manganib.”
“Hindi kaya ng konsensya ko na manahimik kahit na alam kong may ebidensiya akong hawak at maaaring makatulong sa kaso. Isa pa ay talagang hinintay kita na makarating dito upang maibigay ko ‘to sa ‘yo.”
“Asahan mo na hindi makakalabas ang pinag-usapan natin na ‘to. Ito ang numero ko. Tawagan mo ako kung pakiramdam mo ay may sumusunod sa ‘yo o kaya ay nakamasid sa mga kilos mo.”
Ibinigay ni Cade ang kaniyang numero sa binata. “Salamat po. Sana ay mahuli ninyo ang gumawa ng karumal-dumal na krimen na ‘yan sa babae.”
Nagpaalam na ang binata kay Cade. Tinawagan agad ni Cade si Rhys upang ibalita ang kaniyang nakuha. “I already got one evidence from the first crime. How about you?”
“Narito ako ngayon sa eskwelahan kung saan nagkaroon ng gang war. Nagtatanong-tanong ako sa mga estudyante at guro kung may nakakita ba sa kanila na pumasok ang mga estudyante na ‘yon sa gym.”
“Sige, balitaan mo ako kapag may nakuha ka na. Babalik muli ako sa Daffodil kapag natapos na akong mag-imbestiga rito.”
Pinatay na ni Cade ang tawag at saka siya nagpunta sa banyo ng mga kababaihan. Hanggang ngayon ay nakasarado pa rin ‘yon at hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino. Nang makapasok siya sa loob ay sinuri niya ang bawat cubicle hanggang sa nakarating siya sa dulo. Malinis ‘yon at walang mababakas na kahit na ano.
Posibleng dito niya ginahasa ang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay nagpaalam ang estudyanteng babae na magbabanyo lamang siya. Simula no’n ay hindi na siya namataan pa. Posible na nakaabang ang lalaki rito sa loob ng banyo at naghihintay ng kaniyang mabibiktima.
Lalabas na sana si Cade nang tumunog ang kaniyang device detection. Iyon ay kung saan made-detect niya ang mga spy devices na nasa lugar. Palagi lamang nakabukas ‘yon sa kaniyang cell phone upang agad na tumunog ‘yon sa tuwing nag-iimbestiga siya. Inilabas niya ang cell phone niya saka inilibot sa buong cubicle iyon para malaman niya kung nasaan ang hidden devices.
Nakita niya sa ilalim ng bowl na mayroong maliit na camera na naroon. Hindi na ‘yon nakabukas. “Bingo. Mukhang nakalimutan nila na kunin ito,” sambit ni Cade sa sarili.
Ibinulsa na niya ito saka siya tuluyang umalis sa eskwelahan na ‘yon. Mabilis siyang nagmaneho papunta sa bahay nila sa Daffodil. Nag-iwan din siya ng mensahe kay Rhys na babalik na siya roon. Titignan niya ang mga nakuha niyang ebidensiya. Nang makarating sa bahay ay agad siyang humarap sa kaniyang laptop. Kinuha niya ang memory card ng hidden camera saka ‘yon sinira. Maaaring malaman pa ng mga kriminal na wala na sa eskwelahan ang hidden camera na ‘yon.
Inilagay ni Cade ang memory card sa kaniyang laptop at nang buksan niya ito ay wala na ang mga laman. Napangisi siya, “Akala ba nila ay hindi ko maibabalik ang mga laman nito? Mali sila ng inaakala kung ganoon,” sambit pa niya.
Sinimulan na niyang gawin ang mga kailangan niya upang maibalik ang mga nilalaman ng memort card na ‘yon. Halos hindi na rin niya namalayan na bumalik na din si Rhys sa bahay nila. “Wala akong napala sa mga napagtanungan ko. Pero bukas ay magtatanong ulit ako. Imposible naman na wala man lang nakakita sa mga estudyante na nagpunta sa gym at may hawak pang mga espada,” sambit niya.
Lumapit naman si Rhys at tinignan ang ginagawa ng kaniyang kaibigan. “What is that?” tanong niya.
“Ito ang isa pang ebidensiya na nakuha ko sa unang crime scene. Isa itong hidden camera na nasa ilalim ng bowl sa dulong cubicle sa banyo. Patay na nang makita ako at wala na ang mga laman, kaya naman ay sinusubukan ko na i-recover ang mga dating nilalaman ng memory card na ito,” sagot ni Cade.
“Nasaan naman ang una mong nakuhang ebidensiya? Mabuti ka pa at may mga nahanap na ganiyan. Ang galing mo talagang maghanap.”
“Sadyang hindi lang sila mahuhusay dahil nakapag-iwan pa rin sila ng maaaring maging ebidensiya.”
“Paano kapag hinayaan lang pala na iwan ‘yan sa lugar na ‘yon? Ano ba ang isa mong nakuha na ebidensiya?”
Inilabas ni Cade ang kaniyang cell phone at iniabot ‘yon kay Rhys. Pinanood naman ni Rhys ang video saka niya rin napansin ang marka sa batok ng lalaki. “I knew it! That mark was really familiar to me. Naalala mo ba ang na-encounter natin noon sa ibang bansa na mga nakatakas sa kulungan? Mayroon silang tattoo sa batok na ganon an marka. Sabi ko naman sa ‘yo kagabi ay pakiramdam ko may kakaiba sa mga marka na ‘yon. May bawat bilang sa ibaba ng marka na inilalagay nila kapag tapos na ang krimen sa isang lugar.”
“Yeah, nakita ko ang ginagawa mo kagabi dahil nakatulugan mo na.”
“Ibig sabihin ay sila rin ang mga naglalayag ng krimen sa siyudad na ito? Galing silang ibang bansa kaya bakit sila napadpad dito?”
“Sa tingin ko ay isa silang grupo. Hindi ko rin makita ngayon ang itsura ng mga nakulong sa ibang bansa na nakatakas. Tapos hindi rin naman kita ang mukha ng lalaki na ‘yan sa video. Kaya naman ay mahirap pa rin na makilala sila,” sagot ni Cade.
Naghintay pa sila ng ilang minuto at may lumabas na isang file sa laptop ni Cade. Binuksan niya ito saka bumungad sa kanila ang isang video na itim lamang ang makikita. Ngunit maririnig mula roon ang isang boses ng lalaki. Nahalata agad ng dalawa na gumamit ng voice changer ang lalaki na ‘yon.
“Do you think that you can caught me just easy as that? This is a warning for all of you. Leave Rechilor City and never come back again. The moment that this camera was removed from the comfort room, it means that the detectives already have this and watching this video file. You can’t catch me. I will kill you first before you could know my face.”
Matapos nilang marinig ang salitang ‘yon ay agad nang namatay ang video. Corrupted na ito at hindi na mabuksan pang muli ni Cade. Sinubukan pa niya na ibalik muli ang video ngunit hindi na niya magawa. Napahampas siya sa lamesa dahil sa inis.
“Damn it. Can they predict our moves?” sambit pa niya.
“Mukhang hinuhulog nila tayo sa mga pain nila. Hindi dapat tayo magpadalos-dalos sa mga galaw natin. Lalo na at alam na natin ngayon na mahirap silang kalabanin.”
Dumaloy ang inis sa katawan ni Detective Dallas. Ito ang unang beses na naloloko sila ng kanilang kalaban. Hindi nila ito naranasan noong nasa ibang bansa sila at doon nagtatrabaho. Hindi nila inaasahan na ganito kahusay ang mga ‘yon. Lalo na at na-encounter na nila ang mga ‘yon sa ibang bansa.
“Sa tingin mo ba ay kilala nila tayo? Lalo na at nasa iisang bansa sila noong nagtatrabaho tayo roon,” tanong naman ni Detective Damien.
“Hindi ako sigurado. Ipakita mo na kay Hugo ang nakuha ko na isang video sa unang krimen. Para sila na ang bahala na tumingin sa lahat ng mga mamamayan dito sa Rechilor City sa tattoo na nasa batok ng lalaki na ‘yan. Sa oras na masiguro natin na wala ang mga ‘yon dito ay ibig sabihin, nakatira sila sa labas ng Rechilor City ay may pinapasukan silang ibang daan papunta rito. Iyon ang kailangan din natin na mahanap.”
“Sige. Ako na ang bahala magbigay nito kay Hugo. Ngayon pa lang ay sasabihan ko na ang mga tauhan natin na hanapin ang mga posibleng daan palabas dito sa Rechilor City. Ipapaikot ko sa kanila ang buong lugar,” sagot naman ni Detective Damien.
Mabilis na silang kumilos. Paulit-ulit na pinanood ni Detective Dallas ang video na nakuha niya. Iniisip niya na baka mayroon pang naiwan na ebidensiya roon. Ngunit dumako ang paningin niya sa isang bagay na kakaiba.
Sa video na ‘yon ay makikita ang isang susi sa bulsa ni Crony na nakatalikod sa camera. Kulay gold ang susi na ‘yon. Inihinto niya ang video saka niya pinindot ang zoom-in para mas makita niya ng ayos ang itsura ng susi. Posible rin na susi ‘yon ng isang pinto dahil hindi iyon mukhang susi ng sasakyan o motor.
Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang numero. Mula ‘yon sa mga tauhan nila sa labas ng Rechilor City.
“Can you duplicate a key but you will just copy it from a photo?” tanong niya sa kausap niya sa telepono.
[“It depends. Can you send me the photo?”]
Mabilis naman na pinadala ni Detective Dallas ang litrato sa kaniyang kausap. Sinuri ‘yon ng kaniyang kausap. “Did you see it? Can you do it?”
[“Wait, I think I saw this photo before. This is a rare type of key.”]
Kumunot naman ang noo ni Detective Dallas, “What do you mean?” tanong niya muli.
[“This key was made from America. Pinapasadya ang mga ganitong uri ng susi lalo na at gold plated. Hindi mo ba napansin ang marka? ‘Yan ang sikat na marka ng mga serial killers sa ibang bansa.”]
Muling tinignan ni Detective Dallas ang litrato at saka lang niya napansin ang marka na nakalagay doon.
[“I will try to make three styles of this key. I don’t know if it will fit but you must try it.”]
“Okay, I will wait for it. Please make it done at least tomorrow afternoon. Thank you.”
Pinatay na niya ang tawag at tinitigan ang susi. Mga serial killer nga ang mga kalaban nila ngayon. Naisip ni Detective Dallas na baka marami ang gumagawa ng krimen dito at isang grupo sila. Kailangan na nilang matugis ang mga ito sa lalong madaling panahon. Bago pa tuluyang mapahamak ang lahat ng mga mamamayan sa Rechilor City.
I will not let them to defeat me and Detective Damien.