“Sinasabi mo ba sa akin ngayon na mayroon na namang bagong krimen na naganap?!” galit na tanong ni Gobernador Rechilles kay Hugo. Naroon sila sa bahay ng gobernador sa loob ng Alchemilla. Hindi niya inaasahan na dis-oras na ng gabi ay makakatanggap pa siya ng ganoong balita mula sa kaniyang mga tauhan.
“Pas’yensa na kung naistorbo ka namin ng ganitong oras, Gobernador,” paumanhin ni Hugo sa kaniya. Tinignan ng gobernador ang dalawang detectives sa harap niya.
“Sabihin niyo sa akin ngayon ang mga nangyari sa Bougainvillea,” utos nito.
“Nagkaroon kami ng lead kanina kung saan ang lokasyon ng gumagamit ng inyong security system. But it turns out that it was a trap. Ibig sabihin ay talagang hindi basta-basta ang mga kriminal na naglalayag sa lugar na ito. Mahuhusay sila at mukhang nahasa na sa mga masasamang gawain. Pinuntahan naming dalawa ang lugar ngunit isang bangkay ng matandang lalaki ang naabutan namin at may bomba pa. Mabuti na lamang at mahusay na mag-defuse ng bomba si Detective Dallas kaya naiwasan ang pagsabog,” paliwanag ni Detective Damien.
“Narito po ang mga litrato ng biktima at ng kaganapan kanina sa isang bahay sa Bougainvillea,” sambit ni Hugo. Iniabot niya ang cell phone niya sa gobernador at ipinakita ang mga litrato na ipinadala ni Detective Damien sa kaniya kanina.
“Binigyan din nila kami ng mensahe at ipinapahiwatig na hindi sila natatakot sa amin. Napag-alaman naman ni Hugo na nagkaroon ng krimen na scamming sa lugar na ‘yon kaninang umaga. Nagreklamo rin ang ibang mga mamamayan mo sa City of Surprises ngunit hindi sila masyadong pinagtuonan ng pansin ng mga pulis. Dahil daw isang maliit na kaso lang naman ang nangyari sa mga matatandang naninirahan sa Bougainvillea,” sabat naman ni Detective Dallas sa kanilang usapan.
“Habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang kanilang mga ginagawa sa siyudad ko. Kailan niyo pa ba sila mahuhuli?” naiinip na tanong ni Gobernador Rechilles sa kanila.
“Hindi basta-bastant mahuli ang ganoong kahusay na mga kriminal. Kung mag-isip sila ay alam na agad nila kung ano ang gagawin laban sa kanila. Kailanga lang na makakuha kami ng iba pang mga lead tungkol sa kanila nang sa gano’n ay magkaroon kami ng ideya kung nasaan ang kuta nila. Sa ngayon din ay nagsisimula pa lang kaming alamin kung paano ba sila kumilos. Isang araw pa lang kami rito pero dalawang krimen na agad ang nasaksihan namin,” sambit naman ni Detective Damien.
“Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang mapanatilung ligtas ang lahat ng aking mga mamamayan. Simula ngayon ay kukuha na ako ng maraming mga tauhan na magbabantay sa bawat lugar sa buong siyudad. Kailangan na nating magkaroon ng aksyon. Lalo na at marami nang mga mamamayan ang nagrereklamo sa akin tungkol sa mga nagaganap sa buong siyudad. Natatakot sila na baka mapahamak ang bawat buhay nila,” problemado naman na sabi ng gobernador.
“Gagawin namin ng tama ang bawat trabaho namin. Panatilihin mo rin na ligtas ang iyong sarili at huwag mong hayaan na may mangyaring masama sa ‘yo. Ikaw ang pinakasentro ng siyudad na ito kaya hindi ka maaaaring mawala.”
“Mas mahalaga sa akin ang buhay ng mga mamamayan ko kaysa sa sarili kong buhay. Huwag ninyo akong intindihin at mas nais kong bantayan ninyo ang mga mamamayan ko rito. Hindi ko na kaya pang makarinig ng balita na may nabawas at namatay na naman sa mga naninirahan dito.”
Nagpaalam na ang mga detectives na babalik na muli sila sa kanilang tinutuluyan sa Daffodil. Ang mga tauhan nila ay patuloy ang pag-aasikaso ngayon, lalo na at may panibago na namang kaso ang nangyari. Nang makabalik sila sa Daffodil ay sinuri ng mabuti ni Detective Damien ang litrato ng mga marka na nakuha niya kanina sa Bougainvillea pati ba rin ang marka na nasa ibang lugar na pinagganapan ng mga krimen.
“Cade, do you find these marks weird?” tanong ni Rhys. Lumapit naman sa kaniya si Cade saka tinignan ang bawat litrato. Nasa cell phone ni Rhys ang huling marka. Nagkaroon na ng limang marka na nakuha nila sa bawat lugar, simbolo na limang krimen na rin ang naganap sa Rechilor City.
“What’s weird about these? They were all the same,” sagot naman niya.
“No. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa mga ito ngunit hindi ko matukoy kung ano mismo. Or am I just overthinking about these?”
“Baka nag-iisip ka nga lang ng kung ano-ano dahil ‘yan pa lang ang ebidensiya na mayroon tayo. Wala pang nahanap na mga fingerprints mula sa mga marka na ‘yan. Doon pa lang ay alam ko nang mahihirapan tayo sa trabaho natin dito. Sanay na sila sa mga krimen kaya wala silang naiiwan na mga bakas sa bawat crime scenes,” sagot muli ni Cade.
“I really think that there is something more on these marks.”
“I will have some sleep first. Hindi ko na kaya ang pagod ko mula sa biyahe natin kanina at sa mga nangyari ngayong araw dito sa Rechilor City. Bahala ka na muna riyan na titigan ang mga litrato na ‘yan,” paalam ni Cade sa kaniyang kasama.
Hindi na siya pinansin pa ni Rhys at mas tinitigan ang mga marka. Dalawa naman ang kwarto na mayroon sa loob ng bahay nila sa Daffodil. “I think I have seen these marks before,” bulong ni Rhys sa kaniyang sarili.
Inisip niya ng mabuti kung saan niya ‘yon nakita at biglang pumasok sa isip niya ang isang case sa ibang bansa na natapos nila noon. Nakita na niya ang ganoong marka noon pa man. “Damn, the tattoo,” sambit niya muli.
Agad siyang lumapit sa kaniyang laptop at binuksan ‘yon. Naalala niya na mayroon siyang na-encounter noon na isang lalaki na mayroong tattoo sa batok. Katulad ‘yon ng mga marka na nakita nila ngayon.
Black X
Nag-search siya tungkol sa black x at lumabas mula roon ang ibig sabihin ng markang ‘yon.
Black X - This is a symbol wherein it consists of different numbers below the X sign. The X is from one up to any numbers. It’s a sign of sequences of any actions.
Muling tinitigan ni Rhys ang mga litrato saka niya nakita ang pagkaka-iba ng mga ito. Nakita niya na may maliliit na numero sa bawat simbolong X. Sa unang marka ay nakadikit ito sa kung saan may nagahasa na babae. Iyon ang pinaka-unang krimen na naganap sa siyudad. Ikalawa naman ay ang pagnanakaw sa Daffodil. Sa marka rin ay mayroong nakalagay na X at numbero 2 sa ilalim. Kasunod ay ang mga naganap na krimen sa dalawang eskwelahan sa Gladiolus at ang ika-lima ay ang sa Bougainvillea. Hindi talaga masyadong halata ang mga numero sa ilalim pero ngayon ay nakita na niya ang mga ito.
“Posible kaya na ang taong nakita ko noon sa ibang bansa na may tattoo ng markang ito ang siyang naghahasik ng lagim sa lugar na ‘to?” tanong muli ni Rhys sa kaniyang sarili.
Hindi naman imposible na mangyari ‘yon. Lalo na at ang nakitaan ko ng may markang ‘yon ay nakatakas sa isang kulungan sa ibang bansa. Hindi ako ang may hawak ng kaso niya kaya naman ay wala akong pakialam kung nakataas man ito o hindi. Napansin ko lang talaga ang itim na ekis na marka sa batok niya dahil kapansin-pansin iyon at kakaiba rin ang pagkakadisenyo ng ekis.
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ni Rhys ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa sobrang pagod nang araw na ‘yon. Kinabukasan ay ginising siya ni Cade. “Hindi ka ba nahihirapan sa pwesto mo ngayon? Panigurado na masakit na ang likuran mo,” sambit niya. Naalimpungatan si Rhys at agad siyang tinignan.
“Oh, damn. My back hurts. Anong oras na ba?” tanong niya.
“May oras ka pa para makatulog. Ala-singko pa lang naman ng umaga. Mabuti na lang at sinilip kita rito sa kwarto mo.”
“Thanks, man.”
Mabilis nang humiga si Rhys sa kaniyang kama at lumabas naman na si Cade. Nagpunta siya sa kusina at nagtimpla ng gatas. Madalas talaga na maagang nagigising si Cade. Mamaya rin naman ay matutulog muli siya. Kinuha niya ang laptop niya sa itaas saka siya pumwesto sa salas.
Sinubukan niya na i-hack ang security system ng mga eskwelahan sa Gladiolus na ginanapan na ng mga krimen. Nabalitaan niya na burado ang mga CCTV footages doon kaya naman ay susubukan niyang i-recover ang mga nabura. Hindi madali na gawin ‘yon ngunit susubukan niya. Lalo na at natutunan niya rin ‘yon noong nasa ibang bansa sila.
Sana lang ay makaya kong ma-recover ang mga footages nang araw na ‘yon. Kung hindi ko makuha ay talagang mahuhusay ang mga kalaban namin na kriminal.
Nagsimula na siya sa pagtatrabaho. Ginawa niya ang lahat ng mga natutunan niya sa ibang bansa. Limang oras pa ang kailangan niya na hintayin bago niya makuha ang mga nabura na footages.
Nang magising si Rhys ay agad na silang kumilos. “Pupunta ako ngayon sa eskwelahan kung saan nagkaroon ng r**e crime. Maghahanap ako ng mga maaaring maging witness. Ikaw ba?” tanong ni Cade.
“Sa isang eskwelahan naman ako pupunta kung saan nagkaroon ng gang war. Inutusan ko na ang ibang kasamahan natin na maghanap sa pang eskwelahan a nag-suicide ang mga babae.”
“Sige, magkita na lang tayo sa Alchemilla kapag natapos na tayo ngayong araw.”
Mabilis na silang naghiwalay ng landas. May sari-sarili naman silang sasakyan na gamit. Sinabihan din nila si Hugo tungkol sa plano nila ngayong araw.
“Ang mga tauhan ko naman ay tinatanong ang mga na-scam kahapon sa Bougainvillea. Inaalam ang itsura ng nang-scam sa kanila at isa raw ‘yon na lalaki,” sambit ni Hugo nang tawagan siya ng dalawa.
“Sige, balitaan mo kami kapag may bago kayong nalaman na balita tungkol sa mga kriminal.”
Nakarating na si Cade sa eskwelahan kung saan naganap ang unang krimen. Sinuri niya ang mismong crime scene. Pati na rin ang mga CCTV cameras kung saan nakapwesto.
Ibig sabihin ay hindi mahahagilap ng mga CCTV cameras ang mga dinaanan ng kriminal. Tama nga ang hinala ko na hindi lang isa ang kumikilos at gumagawa ng krimen.
Patuloy sa pagsusuri ng lugar si Cade nang may isang lalaking estudyante ang lumapit sa kaniya.
“Isa ka po bang pulis?” mahinang sambit ng binata sa kaniya. Lumilingon pa ito sa paligid at mukhang tinitignan kung may nagmamasid sa kanila.
“Isa akong imbestigador at narito ako upang imbestigahan ang nangyaring krimen dito. Ano ang maitutulong ko sa ‘yo?” sagot naman ni Cade.
“Wala akong tiwala sa mga kapulisan sa siyudad namin kaya ngayon lamang ako magsasalita. Kalat na sa buong siyudad na mahuhusay na imbestigador ang nakuha ng gobernador. May nakita ako noong araw na may nagahasa rito.”
Mabilis na hinila ni Cade ang binata at ipinunta sa isang lilim na lugar, kung saan walang ibang tao na makakarinig sa usapan nila. Mabuti na lang at nakabukas na ang recorder na suot ni Cade sa kaniyang katawan.
“Ano ang ibig mong sabihin? Isa ka bang witness sa nangyaring krimen?”
“Natutulog ako sa likod ng eskwelahan nooong araw na ‘yon. Hindi ako pumasok sa mga klase ko. Umiwas din ako na magpakita sa mga CCTV camera dahil baka makita ako roon ng nagbabantay at isumbong ako sa aking mga guro. Nang magising ako at nakaramdam ng gutom, akmang pupunta sana ako sa canteen nang makita ko ang isang lalaki na may buhat na isang malaking itim na bag. Nagtago ako at hindi gumawa ng ingay. Ito ang nakuhanan ko.”
Inabot ng batang lalaki ang kaniyang cell phone kay Cade saka ipinanood ang isang video na naroon.