THE FIFTH CRIME: SCAMMING
Nakarinig ng katok mula sa pinto ng bahay nila ang isang matandang lalaki. Nagtataka ito dahil wala naman na siyang ibang kamag-anak ngunit mukhang may bisita siyang dumating. Pero naisip niya na baka kapitbahay lamang niya at may gustong sabihin sa kaniya. Pinagbuksan niya ito ng pinto at bumungad sa kaniya ang isang disenteng lalaki na nakangiti na sa kaniya. Ito ay si Crony.
“Magandang umaga po. Ako po si Augustine, isa akong businessman na nakatira sa Daffodil. Nais ko po sana na makausap ka tungkol sa iyong pamumuhay ngayon. Namimili kami ngayon ng limang mga mamamayan na naninirahan dito sa Bougainvillea na kung saan ay bibigyan namin ng mga tirahan sa Hyacinth,” sambit ni Crony na nagkunwaring Augustine ang pangalan.
“Nako, hindi ko inaasahan na may ganito pa lang dadalaw sa akin. Pumasok ka muna rito sa aking bahay. Pasiyensa na kung maliit at hindi pa gaanong malinis,” sambit ng matandang lalaki. Pinapasok niya sa loob si Crony at saka pinaupo sa isang sofa.
“Ano ba ang maitutulong ko sa ‘yo, hijo?” tanong ng matandang lalaki nang makaupo sila sa loob.
“Nagbabahay-bahay po ako ngayon dito sa Bougainvillea dahil namimili ako ng limang mga maswerte na mabibigyan ng pamamahay sa Hyacinth. Ito ay munting tulong namin sa mga naninirahan dito. Ang kailangan mo lang gawin ay pumirma rito upang katibayan na isa ka sa mga magpa-participate sa aming munting programa. Mula rin dito ay pipili kami ng limang maswerte,” paliwanag pa ni Crony sa kaniya.
Inabot niya ang isang papel sa matandang lalaki. “Pasiyensa ka na muli, hijo. Masyado nang malabo ang mga mata ko kaya hindi ko na ito mabasa ng ayos. Ano ba ang nilalaman nito?” tanong ng matanda sa kaniya. Bahagyang napangisi si Crony. Ang mga biktima nila ngayon ay mga matatanda. Ito ay para madali nilang mauuto.
“Isa lamang po ‘yan na kasulatan at katibayan na isa kayo sa mga sasali sa munting programa namin. Dito rin kami pipili kung sino ang mga maililipat sa Hyacinth.”
“Ganoon ba? Pipirma lang ba ang kailangan ko na gawin?”
“Opo. Ito po ang ball pen. Dito po kayo pipirma.”
Tinuruan ni Crony ang matanda. Hindi na siya makatiis at gusto na niyang matapos ang pag-aarte niya ngayon sa harap ng ibang tao. Hinayaan niya na makita sa CCTV ang mga ginagawa niya ngayon. Iba rin naman ang mukha niya pati na rin ang boses niya kaya hindi siya agad makikilala. Isa pa ay para hindi rin mag-isip ng kung ano-ano ang mga bagong tauhan ng gobernador.
Nang mapirmahan na ng matandang lalaki ang papel na ibinigay ni Crony ay saka ito muling ngumiti. Ang nilalaman ng papel na pinapirmahan niya ay tungkol sa bahay na tinitirahan nila. Simula ngayon ay hindi na pag-aari ng matandang lalaki ang bahay na ito. Sa ngayon ay walang mapapala sina Felony at Crony sa krimen na ginagawa nila ngayon. Nangi-scam sila ng nga naninirahan sa Bougainvillea. Lalo na at alam nilang madali nilang mauuto ang mga naninirahan dito dahil mga mahihirap. Mga may katandaan din ang target nila para hindi na sila mahirapan.
“Salamat po. Asahan ninyo na sana ay makasama kayo sa limang maseswerte na mapipili,” ani Crony. Nagpaalam na ito sa matanda at saka lumipat sa ibang bahay. Sampung bahay lamang ang naisip nila na i-scam-in. Para na rin hindi na siya magtagal pa sa lugar na ‘yon. Hindi na siya nahirapan pa at nang matapos ay agad na siyang umalis doon. Hindi na nakita sa CCTV ang kaniyang pinuntahan.
Ilang oras ang nakalipas at may nagpunta sa bawat bahay ng sampung pinuntahan ni Crony. Sa bangko na naibenta ang mga bahay ng mga ‘yon. Baon din sa utang ang mga nakatira sa bahay na ‘yon. Kaya naman ay nagkaroon ng kasulatan na ibebenta na ang kanilang bahay upang pambayad sa mga utang nila. Sa oras din na mangyari ‘yon ay aalis na sila sa Rechilor City.
“Ano ba ang sinasabi ninyo na ibinenta ko ang sarili kong bahay sa bangko? Hindi ako umaalis sa pamamahay ko ngayong araw.”
“Hindi totoo ‘yan! Wala akong pinipirmahan sa bangko na isang kasulatan!”
“Huwag niyong kunin ang pamamahay ko! Nagmamaka-awa ako sa inyo.”
Ang iba ay umiiyak na at nililuhuran ang mga tauhan galing sa bangko. Tuwang-tuwa naman sina Felony dahil sa mga reaksyon ng mga na-scam nila. Mga nagmamaka-awa para lamang maisalba ang kaisa-isang ari-arian nila. Ngunit wala na silang magagawa ngayon.
“Naalala ko! Mayroong isang lalaki na nagpunta sa akin at sinabi na isa raw ako sa maaaring mapili na manirahan sa Hyacinth. Siya raw si Augustine at businessman sa Daffodil,” sambit ng matandang lalaki nang siya na ang puntahan.
“Huwag ka nang gumawa pa ng kwento. Nakarating sa amin ang pinadala mong kasulatan at may pirma mo pa. Ibig sabihin ay pumayag ka nang ibenta sa bangko ang lupain mong ito. Baon ka na rin sa utang,” sambit pa ng isang tauhan mula sa bangko. Umiyak ang matanda at nagmaka-awa ngunit wala din siyang nagawa.
Nang makaalis sa Bougainvillea ang mga tauhan mula sa bangko ay nagkita sa labas ang mga na-scam ni Crony. “Mukhang na-scam tayo ng isang lalaki na nagpunta sa bawat bahay natin kaninang umaga!” galit na sigaw ng matandang babae.
“Natandaan niyo ba ang mukha niya? Maaari natin siyang ireklamo sa mga pulis. Hindi tama ang ginawa sa atin.”
“Hindi kaya ay isa siyang tauhan sa bangko na ‘yon? Baka ginawa lang nila ito sa atin upang mabayaran na ang bawat utang natin,” kumento naman ng isa.
“Hindi tayo maaaring mawalan ng tirahan. Saan na lang tayo pupulutin kung wala ang bahay natin? Mapapa-alis tayo rito sa Rechilor City!”
“Kailangan na nating magreklamo ngayon sa pulisya.”
Sumugod ang mga ito sa City of Surprise at isinaad ang nga reklamo nila sa pulisya. “Babalitaan na lang namin kayo kapag nalaman na namin ang isyu tungkol dito. Sa ngayon ay inaasikaso pa namin ang mga malalaking kaso na naganap dito sa ating siyudad,” sagot ng isang pulis.
“Ngunit kailangan na namin ng tulong ngayon. Hindi pwedeng patagalin ang isyu na ‘to lalo na at naloko kami—“ Naputol ang sasabihin ng matanda nang magsalita muli ang pulis.
“Marami na ang namatay sa ating siyudad kaya mas importante na asikasuhin namin ‘yon kaysa sa inyong reklamo. Kasalanan ninyo dahil nagpapaniwala agad kayo sa ibang tao kaya kayo naloko,” inis na sambit ng pulis.
Hindi na nakapalag pa ang mga matatanda at naghintay na lang na mabalitaan sila tungkol sa kanilang reklamo. Kinagabihan ay nalaman nina Felony na may sumusubok ma-detect ang kanilabg lokasyon. Lalo na at ginagamit nila ngayon ang security system ng siyudad.
“Mukhang nagsisimula nang kumilos ang mga bagong tauhan ng gobernador. Hinahanap na nila tayo,” ani Felony.
“Ano na ang balak mo ngayon?”
“Pumunta ka sa bahay sa Bougainvillea, doon sa lalaki na na-scam mo kanina. Ilalagay ko roon ang lokasyon natin. Mag-iwan ka ng bomba at patayin mo ang matandang lalaki. Saka ka magbigay ng mensahe sa mga detectives na ‘yon,” utos ni Felony.
“Masusunod.”
Agad na kumilos si Crony at sinunod ang nga inutos sa kaniya ni Felony.
***
“f**k, there’s a bomb!”
Mabilis na lumapit si Cade sa bomba nang makita niya ito sa gilid ng pintuan. Tinignan niya ang oras ng bomba at nakita na may limang minuto pa bago ito sumabog. “Damn it, are they trying to kill us?” sambit na naman ni Rhys.
Tinawagan ni Rhys si Hugo dahil na rin sa patay na nakita nila sa loob ng bahay. “We need a back-up right now. May namatay sa loob ng bahay. But go here after ten minutes, there’s a bomb inside the house and Detective Dallas is trying to defuse it,” sambit niya kay Hugo.
[“Ano? Mayroong bomba riyan? Delikado ‘yan! Kailangan niyo na agad na itapon sa malayong lugar o ‘di kaya ay sa labas ng siyudad. Maraming buhay ang mapapahamak sa oras na sumabog ‘yan.”]
Hindi makapaniwala si Hugo ngayon sa kaniyang narinig na balita. Saka lang din niya napagtanto na hindi nga basta-basta ang mga kriminal sa siyudad nila. Sa isip-isip niya ay halos isumpa na niya ang mga ito. May panibago na namang inosenteng tao na namatay nang dahil sa kanila.
“Detective Dallas is good at defusing bombs, so you don’t need to worry a thing. I will sent you some photos about the victim. After ten minutes, you can go here now. Mas maganda na sigurado na naming hindi na sasabog ang bomba.”
[“Sigurado ba kayo na kaya ninyo? Masyadong delikado ang bomba.”]
“I will call you again later.”
Hindi na muling nakasagot pa si Hugo dahil agad nang pinatay ni Rhys ang tawag. Kinuhanan niya ng litrato si Cade na ngayon ay sinusubukang i-defuse ang bomba. May mga wires siyang ginagalaw at pinuputol. Hindi na rin naman ito ang unang beses na naka-encounter sila ng isang bomba. Alam na rin ni Cade ang kaniyang dapat na gawin dahil nagkaroon sila ng matinding training sa ganoong bagay noon.
Kinuhanan na rin ng litarto ni Rhys ang bawat parte ng katawan ng matanda. Mayroon siyang bakas ng sugat sa bandang leeg, naisip niya na baka sinakal ito. Nang matapos niyang makuhanan lahat ay ipinadala niya ang mga litrato kay Hugo.
“Are you still not finish?” tanong ni Rhys kay Cade. “Isang minuto na lang at sasabog na ang bomba, ano ang balak natin?” dagdag pa niya. Pero ni hindi man lang kakakitaan ng kaba ang dalawa sa kanilang mga mukha. Kalmado lamang sila at hindi man lang nababahala sa mga posible na mangyari.
“Kung natatakot ka ay pwede mo na akong iwan ngayon. Isama mo na rin ang bangkay na ‘yan upang maimbestigahan,” sagot lamang ni Cade.
“Tss, you’re too arrogant.”
Naglibot si Rhys sa buong bahay saka niya napansin ang isang marka. “Mayroon na ring marka na naiwan dito. Ano kaya ang krimen na nagawa nila bukod sa patayin ang may-ari ng bahay?” nagtataka na tanong ni Rhys.
“I already defused the bomb.”
Maya-maya lamang ay dumating na sina Hugo at ilang mga tauhan nila. Ang mga naninirahan naman doon ay narinig na may nagaganap sa bahay na ‘yon kaya nagsilabasan sila at nakiusyoso sa nangyayari.
May ambulansya na kumuha sa bangkay ng matandang lalaki at laking gulat ‘yon ng mga nakakita. “Kawawa naman siya! Na-scam na nga siya kanina tapos ngayon ay natagpuan nang patay?” kumento ng isang kapitbahay. Napatingin si Rhys doon saka ito lumapit.
“Ano po ang ibig niyong sabihin na na-scam siya?” tanong nito sa nagsalita.
“Kanina ay nagkaroon ng kaguluhan dito. May sampung bahay ang na-scam dito ng isang lalaki. Pinapirma niya ang mga may-ari ng bahay. Sinasabi na mayroon silang isang programa at maaaring mapili sila na manirahan sa Hyacinth. ‘Yon pala ay ibinenta niya ang kanilang nga bahay sa bangko. Nagreklamo sila sa pulisya kanina ngunit walang nangyari. Nakakaawa,” kwento niya kay Rhys.
‘Yon pala ang krimen na naganap sa lugar na ito kaya nagkaroon ng marka. Hindi lang basta pagpatay ang nangyari dahil nakaroon din ng scamming.
“May nabalitaan ka ba?” tanong ni Cade kay Rhys. Lumapit din si Hugo sa kaniya.
“May scamming na nangyari raw rito kanina at nagreklamo sila sa City of Surprises. Isa sa biktima ng scamming ang namatay ngayon na matanda. Murder ang nangyari dahil may bakas ng pagsakal sa kaniyang leeg,” sagot ni Rhys sa kaniya.
“Nabalitaan ko na rin ngayon ang reklamo nila sa City of Surprises kaninang mga hapon. Bukas ay iimbestigahan nila ang tungkol dito,” sagot ni Hugo.
“May marka muli silang iniwan sa loob ng bahay ng matanda. Ang bomba na ginamit kanina ay tignan mo kung may makukuha rin na fingerprints. Sa ngayon ay doon lang tayo maaaring umasa. Sana lang ay nagkamali sila at nagkaroon ng kaunting palya sa mga krimen na nagawa nila ngayon,” sagot naman ni Cade.
Ilan pa bang krimen ang nais nilang gawin dito sa Rechilor City? Kay hirap nilang kalabanin sa ngayon.