THE SIXTH CRIME

1800 Words
THE SIXTH CRIME: TEEN DATING CRIME Hindi nila inaasahan na muli silang maiisahan ng mga kalaban nila. “Sigurado na ako na may mga mata at tainga sila na nakapaligid sa atin. Alam agad nila ang mga galaw na gagawin natin. Kaya naman ay paniguraadong may mga nagbabalita sa kanila ng ating mga balak,” inis na sambit ni Detective Dallas. Nakauwi na sila ni Detective Damien sa kanilang bahay sa Daffodil. Ang mga tauhan naman nila ay nakabantay sa buong siyudad. Kasama ang mga tauhan ng gobernador. “Si Hugo, ang gobernador, at ang ating mga tauhan lamang ang nasabihan ko tungkol sa ating plano. Sino sa tingin mo naman ang magiging traydor sa kanila?” tanong naman ni Detective Damien sa kaniyang kasama. “Sigurado ako na hindi naman ang ating mga tauhan. Lalo na at bantay natin ang bawat galaw nila. Imposible rin na ang Gobernador ‘yon dahil sa kaniya ang siyudad na ito. Si Hugo lang ang tanging nakakaalam ng halos lahat ng mga plano natin. Hindi ko siya gustong pag-isipan na siya ang traydor ngunit kailangan nating mag-isip ng mga posibilidad.” Tumango naman si Detective Damien, “Si Hugo lang din ang isang naiisip ko. Pero hindi pa rin naman tayo sigurado. Sadyang mahihirapan talaga tayo ngayon na malaman kung sino ba ang mga kalaban natin. Maraming mga tao na nakapaligid sa atin at hindi naman natin lubusang kilala. Ano na ang gagawin natin sa ngayon?” tanong niya muli. “Para mahuli natin ang traydor ay gagawa tayo ng isang play. Bibigyan natin si Hugo at ang Gobernador ng magiging plano natin. Kung ang malalaman ng ating mga kalaban at kung kanino iyon naibigay, ay paniguradong siya ang traydor,” suhestiyon naman ni Detective Dallas. “Nice idea. Isa pa ay nasuri ko na ang buong bahay natin na ito. Walang nakalagay na mga spy devices sa buong bahay. Pati na rin malapit sa atin ay natignan ko na. Safe ang lahat at may mga detector akong nilagay sa buong paligid ng bahay natin. Kaya naman ay imposibleng naririnig lamang ng mga kalaban natin ang usapan natin dito sa loob ng bahay.” Mahihirapan ang mga kalaban ng dalawang detectives na lagyan ng mga spy devices ang bahay nila. Bantay ang lahat at hindi agad-agad makakapasok ang mga hacker ng mga kalaban sa system nila. “Go to the other school now to seek evidences for the third crime. Pupunta naman ako sa isang eswkwelahan upang maghanap ng ibang mga ebidensiya sa ikaapat na krimen. Ano na ba ang nabalita sa ikalimang krimen?” “Sa ngayon ay hindi nila mahanap ang mukha na tinutukoy ng mga na-scam. Wala sa buong siyudad ang mukha ng lalaki. Samantalang may nakapagsabi naman na isang mamamayan na may napansin siya sa mukha ng lalaki na nag-scam sa kanila. Tila raw ba ay may kakaiba sa gilid ng mukha nito na para bang nakabukas. Ibig sabihin ay naka-mask ang lalaki,” kwento ni Detective Damien. “Kung sabagay ay talagang hindi naman niya ipapakita ang kaniyang mukha sa ibang mga tao. Lalo na at gagawa siya ng isang krimen. Mahirap din siguro na hanapin ang mga mata nito at labi dahil 'yon lang naman ang hindi matatakpan kapag nagsuot ng isang mask.” “Sige, balitaan na lang mulit natin ang isa't-isa kapag may mga nahanap tayo na mga ebidensiya sa kaso. Mauuna na akong umalis ngayon. Ikaw ba?” “Susunod na ako sa 'yo.” Nauna nang umalis si Detective Damien at saka sumunod si Detective Dallas upang makapunta na sila sa mga eskwelahan sa Gladiolus na nagkaroon ng ikatlo at ikaapat na krimen. Samantalang may bago na namang kaganapan ang nabalitaan ni Hugo. Agad na nakarating sa gobernador ang nangyayari sa isang beach resort sa Chrysanthemum. Ang lugar na 'yon ay mayroong sampung beaches at resorts. “Nasaan si Hugo?!” sigaw ni Gobernador Rechilles sa loob ng opisina niya. Mabilis na tumakbo si Hugo papunta roon. Hindi na niya nagawang magbigay pa ng galang sa Gobernador. Mabilis siyang umilag dahil papunta na sa pwesto niya ang ibinato na bagay ng gobernador. “Narinig mo na ba ang bagong balita na naganap sa ating siyudad?! Sa lugar ng Chrysanthemum ay nagkaroon ng isa na namang panibagong krimen. May mga mamamayan natin ang nagreklamo sa City of Surprise. Nahuli nila ang tatlong mga lalaki na may mga relasyon sa mga kabataan,” sambit agad ni Gobernador Rechilles. “Nabalitaan ko na po 'yan, Gobernador. Paano ninyo nalaman agad ang tungkol d'yan?” nagtataka na tanong ni Hugo. Hindi pa naman niya nasabi sa gobernador ang balita tungkol doon. “Paanong hindi ko malalaman kung kalat na ngayon ang balita na 'yon? Ano ba ang ginagawa ng mga detectives na dinala mo rito sa siyudad natin? Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umuusad. Ni wala pa silang nagagawa o nalulutas ni isa sa mga naging krimend dito! Mga palpak lahat, Hugo!” “Nag-iimbestiga pa rin sila sa mga krimen na naganap noong nakaraan dito sa siyudad natin. Hindi kaya ay ang mga sibilyan natin ang mismong gumawa ng krimen ngayon? Simpleng teen dating crime ang naganap ngayon, Gobernador. Kung iisipin ay posibleng hindi ito konektado sa mga kriminal noong nakaraan ang naganap ngayon. Lalo na at nakulong ang tatlong mga lalaki.” “Alamin mo na ngayon kung ano ang tunay na nangyari! Sa mga nagaganap ngayon ay puro kabataan ang nadadawit sa bawat krimen!” Mabilis na nagpaalam si Hugo sa gobernador. Pumunta siya sa City of Surprises. Nadatnan niya roon na kinekwestiyon ang tatlong kababaihan na nasa edad labing-lima hanggang laming-pito na taong gulang. “Ano na ang balita? May nakuha ka na ba sa kanila na mga impormasyon?” tanong agad ni Hugo sa isang pulis. “Nalaman na namin ang kwento. Ang mga kabataan na ‘to ay nakatira sa Bougainvillea. Magkakaibigan silang tatlo. May mga utang sila sa Gobyerno ngayon dahil ang mga magulang ng mga ito ay nawalan na ng trabaho. Tanging ang bahay na lang nila rito sa Rechilor City ang mayroon sila. Ngunit tila ba alam ng tatlong lalaki ang sitwasyon ng mga ito. Bigla raw may nagpadala ng mensahe sa kanila. Sinasabihan sila na pumunta sa Chrysanthemum at may mapapanaluhan daw sila na premyo upang makatulong sa kanilang mga magulang. Dahil mga bata pa sila ay naniwala sila. Sabay-sabay sila na nagtungo sa isang beach resort doon. Kinita sila ng tatlong lalaki na may katandaan na. Mula tatlumpu’t-lima hanggang tatlumpu’t-pitong gulang ang mga edad ng mga ito. Ang sabi nila sa entrance ng beach resort ay mga pamangkin at anak daw nila ang mga kababaihan na ‘yan. Pumasok sila sa isang kwarto at magkakasama sila. Noong una ay kinakausap lang daw sila at sumasagot ng ayos ang mga kabataan na ito. Hanggang sa may ipainom sa kanila na uri ng juice. Na-test na ang mga kabataan na ‘to at positive na may drugs na inilagay sa inumin nila. Muntik na silang magahasa ng tatlong matatanda. Mabuti na lang at nagtaka ang babae sa lobby ng beach resort kaya agad siyang nag-report at tumawag dito sa amin. Nahuli nila na may balak ang mga itong pagsamantalahan ang mga bata,” mahabang kwento ng pulis kay Hugo. “Wala raw bang nag-utos sa mga lalaki na ‘yon na gawin nila ito?” nagtataka na tanong ni Hugo. Umiling naman ang pulis, “Wala. Ang sabi lang nila ay gusto nila ng mapaglilibangan. Kaya naisip nila na mang-trip ng mga kabataan. Malas lang nila dahil nahuli agad sila bago pa sila makagawa ng masama.” “Nasaan ang mga kalalakihan na ‘yon?” tanong muli ni Hugo. Sinundan niya ang isang police officer na kausap niya papunta sa kulungan ng mga lalaki na nahuli kanina. Sinuri niya ang tatlong mga lalaki. “Mga residente sila mula sa Hyacinth. Nagpanggap sila na sa Daffodil nakatira ngunit hindi naman totoo. Iisa lang ang mga sinasagot nila. Wala raw nag-utos sa kanila at magkakaibigan daw sila. Ngunit tiningnan namin ang mga impormasyon nila at hindi naman sila magkakakilala. Kaya hindi namin malaman kung ano talaga ang motibo nila.” “Sigurado ba kayo na walang nag-utos sa inyo? Hindi kaya ay nasa iisang samahan kayo at may boss kayo na sinusunod? Umamin na kayo ngayon habang hindi pa kayo dinadaan sa dahas,” seryosong sambit sa kanila ni Hugo. “Nasabi na namin ang lahat sa mga pulis. Wala na kami kailangan pang sabihin sa inyo dahil ‘yon lang naman ang gusto namin na mangyari kanina, ang magpakasaya,” sagot ng isang lalaki. “Pero bakit kailangang mga kabataan pa ang maging biktima ninyo? Wala na ba kayong matino sa buhay ninyo? Ito ang unang beses na may mga kriminal dito na mga sibiliyan. Ano na ba ang nangyayari sa mga mamamayan dito sa ating siyudad?” sambit ni Hugo. Hindi pa rin niya halos makapaniwala si Hugo na ang mga mamamayan nila ay ganoon na ngayon. Walang nakuhang kahit na anong impormasyon sina Hugo sa tatlong lalaki. Ang tatlong kabataan naman ay pinauwi na ngayon at sinabi sa mga magulang ang nangyari. Samantalang sina Felony at Crony naman ay nakaramdam ng inis ngayon. Hindi nila inaasahan na may magsusumbong sa pulis tungkol sa kanilang inutos na teen dating crime sa tatlong kalalakihan na ‘yon. “Mukhang palpak tayo ngayon, Felony. Hindi nila nagawang magahasa ang tatlong kabataan,” sambit ni Crony sa kaniya. “Mga gunggong ang mga ‘yon! Ni hindi man lang nila alam kung paano magtrabaho ng ayos. Sayang lamang ang ibinayad ko sa kanila,” galit na sambit ni Felony. “Ano na ang balak natin ngayon?” “Hindi ako papayag na matatapos na lang sa ganito ang naging plano natin. Mas malala na ang susunod natin na krimen. Siguraduhin mo na mananahimik lang ang tatlong mga lalaki na ‘yon. Baka mabisto tayo ng mga detectives na nakuha nila kung sakali na may butas.” “Sa ngayon ay abala sila sa pag-iimbestiga tungkol sa mga krimen na nagawa natin noong nakaraan. Ano na ba ang susunod natin na krimen?” tanong ni Crony. Hindi naman niya alam kung ano ang mga naiisip ni Felony. “Gagawa tayo ng mas malala na krimen na damay ang mga batang babae. Mas maganda silang target na maging biktima kaysa sa mga matatatanda na.” Napangisi si Felony sa kaniyang panibagong naiisip na plano. Hindi talaga siya mapapakali hangga’t hindi sila nakakagawa ng isang krimen. Samantalang ang mga detectives naman ay may panibago na nakuhang impormasyon tungkol sa mga nakaraan na krimen na naganap. Nakita nila ang isang lalaki na sumusunod sa kanila. “Sa tingin mo ba ay hindi ka namin mahuhuli?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD