BLACK X

1500 Words
Nag-print ng mga kopya si Detective Damien sa kaniyang impormasyon na nakuha. Bahagya siyang nakaramdam ng tuwa dahil kahit papaano ay nagkaroon sila ng mga impormasyon sa mga maaaring naglalagaganap ng krimen dito. Ipinagtataka lang nila kung bakit galing sa mga ibang bansa ang mga ‘to ngunit sa isang lugar sa Pilipinas pa sila naghahasik ng lagim. “Tignan mo ang bawat impormasyon ng bawat miyembro ng Black X na narito. Malinaw din ang kanilang mga itsura,” sambit ni Rhys. Tig-isa sila ng mga kopya ng mga ‘yon. Sabay naman nilang sinuri ang mga papel na hawak nila. Nakalagay doon ang buong pangalan ng mga tauhan ng Black X. Ang lahat ng mga impormasyon na kailangan nila sa isang tao ay naroon. Ang nasyonalidad din ay nakalagay. Hindi nila inaasahan na ang iba pala sa mga ‘yon ay mga pinoy. Ang kanilang mga edad ay naroon din at kung saan sila nakatira. “What? They f*****g killed a total of one hundred families? Is this true?” hindi makapaniwala na kumento ni Detective Dallas. Sa bawat miyembro rin ay nakalagay kung nakulong na ba o hindi. Ang iba ay hindi pa nakakaranas na makulong. Samantalang ang iba naman ay nakulong na at nakalagay kung ano ang nagawang mga krimen. Talagang sanay na sanay ang mga ito sa serial killing. “Hindi na nakakapagtaka. Panigurado na pinapatay lamang nila ang mga ‘yon dahil gusto nilang nakawan. Halos lahat ng mga pamilya na napatay nila ay mga mayayaman,” kumento naman ni Detective Damien. “Kaya naman pala sa ibang bansa sila nagkakalat at naghahasik ng lagim. Alam nila na wala silang mahihita sa mismong bansa nila kaya naman ay sa ibang bansa sila nagpupunta. Ngunit paanong nakatakas sila sa kulungan sa America at nakaalis sa bansa na ‘yon? Mahigpit ang sekyuridad doon at pwede ka nang mamatay sa oras na tangkain mong tumakas,” nagtataka naman na sambit ni Detective Dallas. “Baka naman may mga nakahanda na silang sasakyan panghimpapawid. Kaya agad silang nakalabas sa bansa na ‘yon. Panigurado na marami ang tumulong sa kanila kaya sila nakatakas. Hindi na rin imposible kung sakali man na may mga tumutulong sa kanila na may matataas na ranggo sa lipunan o sa bansa.” “Tama ka. Siguro ay mga sangkot ang mga ‘yon sa droga at kasabwat ang grupo ng Black X. Kaya nagagawa nila na makatakas agad ng walang kahirap-hirap.” Mas lalo silang nagugulat sa mga nababasa nila sa impormasyon. “Kasali rin pala sa mga grupo ang mga may malalaking antas sa America. Buhay pa kaya ang mga ito? Nakakapagtaka na hindi pa rin nahuhuli at hindi man lang natutugis sa bansang ‘yon. Bakit kaya hindi sa atin naibigay ang trabaho na ‘to noong nasa America tayo?” sambit muli ni Detective Damien. “Siguro ay sa sobrang linis nila magtrabaho ay halos hindi na rin nahahalata agad ang mga krimen na ginawa nila. Hindi na nakakagulat ‘yon. Alam naman na natin na hindi sila basta-bastang mga tao at sanay sila sa mga ganoong uri ng trabaho,” sagot muli ni Detective Dallas. "Ito ang mga sa tingin ko ay mahahalagang mga tao sa Black X. Sila ang mga may criminal records na at siguradong baguhan lang naman ang iba na wala pa ring mga criminal records. Sila siguro ang mga kriminal na nakatakas na sa ibang bansa." Name: Ken W. Jones Date of Birth: June 04, 1970 Social Security Number: 522341212 Jurisdictions searched: s****l Assault Case No: 48-1994-CF-004935-O Charge: s****l ASSAULT Offense Date: April 26, 2017 Name: Albert Bonny Date of Birth: March 22, 1971 Social Security Number: 522911342 Jurisdictions searched: All crimes, including s*x offender registries Case No: 48-2002-MM-005964-O Charge: ALL CRIMES Offense Date: July 25, 2019 Name: David Berkowitz Date of Birth: May 18, 1968 Social Security Number: 522618853 Jurisdictions searched: Solicitation to commit p**********n Case No: 48-1994-CF-004935-O Charge: p**********n Offense Date: November 2, 2017 “Paano mo naman nasabi na ang tatlong ‘to ang may pinakamataas na ranggo sa grupo nila?” nagtataka na tanong ni Detective Dallas sa kaniyang kasama. “Dahil sila rin ang isa sa may mga pinakamabigat na nagawa. Lalo na itong si Albert Bonny na gamay na ang lahat ng kaso dahil nagawa na niya. Sila rin ang mga nakatakas sa ibang bansa. Hindi malabo na sila ang mga nakita natin noon na nakatakas sa America,” sagot naman nito. “Hindi na tayo sigurado sa mga mukha ng mga ito na nakalagay dito. Kung ganoon ang mga kaso na nagawa nila ay paniguradong nagpapalit na sila ng kanilang mga itsura. Lalo na at wanted na sila dahil takas sa America. Hindi lang ‘yon. Posible rin na hindi lang sa bansang ‘yon sila may nagawang krimen. Mukhang noon pa lang ay batak na talaga sila,” paliwanag naman ni Detective Dallas. “Wala na ngang kwenta ang mga mukha na nakalagay dito. Pero mas ayos na rin na tandaan natin, in case na hindi pala sila nagbago ng kanilang mga mukha. Panigurado na ang mga pangalan nila ay iba na rin. Ipapakita ko ang mga kopya na ‘to sa mga kasamahan natin. In case lang din na hindi sila nagbago ng mga itsura at narito lang sa lugar na ‘to. Pero hindi pa rin tayo maaari na rito lang magbase. Baka mamaya ay nili-lead lang nila tayo sa ibang bagay. Upang hindi natin malaman ang tunay na mga kriminal.” “Naisip ko na rin ‘yan. Hindi naman na nila tayo maiisahan pa sa bagay na ‘yan. Lalo na at marami rin tayong mga resources. Magagaling din ang mga tauhan natin.” “Ibibigay ko rin ba ito kay Hugo?” “Pwede. Para kahit papaano ay may alam ang gobernador sa mga ikinikilos natin. Ngunit huwag mong sabihin ang buong plano natin sa kanila. Mahirap na dahil baka may mga source rin ang mga kalaban natin sa Alchemilla. Pakiramdam ko lang ay may mga mata at tainga sila sa lugar na ‘yon.” Napa-isip naman si Detective Damien sa sinabi ng kaniyang kasamahan. “Tama ka. Mahirap magtiwala sa mga tao rito. Lalo na at hindi rin naman natin lubos na kakilala ang mga narito.” “Posible na nakakasalamuha rin natin ang kasabwat ng mga gumagawa ng krimen. Pakiramdam ko ay ang mga may tattoo lamang sa batok ang gumagawa ng krimen. Pero may mga kapit sila sa lugar na ‘to at natutulungan sila na makalusot o ‘di kaya ay makagawa ng malinis na krimen. Kaya kailangan nating bantayan ang bawat kilos ng mga nasa gobyerno ng Rechilor City.” “Hihingi na rin ako kay Hugo ng kopya ng mga tauhan sa gobyerno sa siyudad na ito. Para makilala na natin kung sino-sino ang may mga pwesto sa siyudad.” “Tama ‘yan. Pero miski si Hugo ay huwag natin masyado pagkatiwalaan. Hindi ko siya pinaghihinalaan. Pero mas mabuti nang maingat tayo sa mga galaw at desisyon natin. Para hindi na rin tayo muling maisahan ng mga kalaban natin.” Tumango na lang sa kaniya si Detective Damien. Pinasahan niya ang lahat ng mga tauhan nila ng impormasyon ng mga Black X na nakuha nila. Sinabihan na rin niya ang mga ito sa kung ano ang dapat na gawin. *** Kinabukasan ay ibinigay na kay Detective Dallas ang mga susi na ipinagawa niya. Agad nilang pinuntahan ang isang pinto na nakita nila na may kakaibang padlock. Naroon ‘yon sa likod ng isa sa mga eskwelahan sa Gladiolus. Sinubukan naman na buksan ni Detective Dallas ang pinto na ‘yon gamit ang unang susi. Ngunit hindi ‘yon gumana. Kaya naman ay sinubukan niya ang isa pa ngunit hindi pa rin gumana. Nagkatinginan sila ni Detective Damien. “This is our last key,” sambit pa niya. “Hindi ba pwede na sirain na lang natin ang pinto na ‘to?” naiinip na tanong ni Detective Damien. Umiling naman ang kaniyang kasama. “Hindi natin ito maaaring sirain ng basta-basta. Baka magkamali tayo at hindi naman ito ang kuta ng kalaban. Maaari na isa itong private property ng isa sa mga naninirahan dito.” “Sige, subukan mo na ang huling susi. Sana lang ay mabuksan natin ‘yan upang malaman na natin kung ano ang nasa loob.” Ngunit nang ipasok ni Detective Dallas ang huling susi ay sunod-sunod na putok ng baril ang narinig nila. Ngunit hindi nila alam kung saan nanggagaling ‘yon. Napansin pa nila na wala namang bala na lumilipad sa ere o ‘di kaya ay papunta sa kanila. Ang ibang mga tauhan nila ay umiilag na akala mo ay tatamaan ng bala ng baril. Samantalang sina Detective Dallas at Detective Damien naman ay nanatili sa kanilang kinatatayuan. Bigla naman niyang tuluyan na niyang nabuksan ang pintuan. Bumungad sa kanila ang isang speaker at doon nanggaling ang tunog ng mga baril. “They fooled us again.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD