Hindi makapaniwala ang dalawang imbestigador nang marinig nila ang isinagot ni Gobernador Rechilles. TIla ba nawalan na ng pake ang gobernador sa mga nangyayari sa kaniyang siyudad. "Bakit pa ako mag-aabala na magalit? Wala naman nang bago sa nangyari. Hindi na ako nagugulat sa tuwing may bagong krimen na nangyayari sa siyudad ko. Lalo na at wala rin namang aksyon na nagaganap. Katatapos lang ng krimen kung saan nag-suice ang ilang mga anak ng mga magulang na nasa labas ng city hall. Pero may isa na namang krimen ang naganap. Kaya ganoon ang nangyayari sa siyudad ko ay dahil wala namang kwenta ang mga imbestigador na nakuha ko," sambit pa ni Gobernador Rechilles.
Hindi makapaniwalang ngumisi si Detective Dallas sa gobernador. "Bakit hindi mo magawang humarap ngayon sa mga mamamayan mo? Nagawa na naming humarap kanina at sinabi namin sa kanila na kumikilos kami. Ginagawa rin namin ang lahat upang mahuli na ang mga kriminal. Ngunit ano ang magagawa namin kung hindi namin sila matiyempuhan? Miski rin naman ang mga tauhan mo ay walang kwenta at hindi man lang alerto," sagot niya.
"Wala na akong mukha na maihaharap sa kanila. Ako ang nahihiya dahil kayo pa ang napili ko para mag-imbestiga rito sa siyudad ko. Ang sabi ni Hugo ay mahuhusay kayo at kilala sa buong mundo. Ngunit mukha namang hindi talaga kayo mahuhusay. Ilan na ang mga krimen na naganap dito na wala man lang kayong nahuhuli sa mga kriminal. Ganiyan ba ang depinisyon ng mahusay?" sarkastikong sambit muli ng gobernador.
"Gobernador Rechilles, mukhang hindi na rin po tama na isinisisi natin sa mga imbestigador ang mga krimen na nagaganap sa Rechilor City. Ako mismo ay nakikita ko na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para lamang matigil na ang mga krimen na nagaganap dito. Ngunit sadyang mahuhusay at bihasa na sa krimen ang mga tinutugis namin na kriminal. Ni hindi rin namin malaman kung ilan ba talaga ang mga kriminal na 'yon dahil malala ang mga krimen na nagagawa nila rito," sabat naman ni Hugo sa usapan.
Nilingon siya ng gobernador at saka sinamaan ng tingin. "Huwag mo silang ipagtanggol. Kung tutuusin ay hindi rin nating maaaring pagkatiwalaan ang mga imbestigador na ito. Ngayon ko lang naalala na nabanggit ninyo sa akin na na-encounter niyo na sa ibang bansa ang marka na ginagamit ng mga kriminal na 'yon. Nanggaling kayong lahat sa iisang bansa. Hindi imposible na magkakakilala kayo. Naisip ko na baka kaya patuloy silang nakakagawa ng mga krimen dito ay dahil kasabwat nila ang mga imbestigador na ito. Nagkukunwari lang siguro sila na nag-iimbestiga kahit na ang totoo ay tinutulungan nila ang mga kriminal na 'yon na gumawa ng kasamaan dito."
"Mukhang sobra na ang stress na nararanasan mo dahil ganiyan na ang mga nasasabi at naiisip mo tungkol sa amin. Nahihibang ka na ata, Gobernador Rechilles. Ang mga tauhan namin ay namatay dahil sa mga kriminal. Tapos sinasabihan mo kami na baka kasabwat namin ang mga kriminal na 'yon?" may galit na sagot ni Detective Damien. Nahalata naman ni Detective Dallas na galit na ang kaniyang kasama kaya mabilis na siyang nagsalita.
"Hayaan mo siya na isipin ang mga bagay na gusto niyang isipin tungkol sa atin. 'Yon ang opininyon niya sa atin kaya wala tayong magagawa. Itutuloy pa rin namin ang trabaho namin dito sa Rechilor City. Gagawin namin ang lahat upang mahuli ang mga kriminal na naglalayag dito. Ikaw na ang bahala kung pababantayan mo ang bawat galaw namin o hindi. Lalo na at pinaghihinalaan mo kami ng mga kakampi ng mga kriminal," sabat ni Detective Dallas sa kanilang usapan.
"Kahit hindi mo na sabihin sa akin ay talagang pababantayan ko kayo sa mga tauhan ko sa lahat ng oras. Kaya huwag kayong magkakamali na traydorin ako, dahil hindi na rin kayo makakalabas pa ng buhay sa siyudad na ito kung sakali," banta pa ni Gobernador Rechilles sa dalawang imbestigador.
“Then go ahead. Sa amin mo ituon ang atensyon ng mga tauhan mo imbis na sa mga tunay na kalaban. Hindi ko akalain na kung sino pa ang mga kakampi mo ay magagawa mo pang pag-isipan kami mg masama. Ikaw lang ang tanging nakatrabaho namin na ganiyan ang trato sa amin,” galit na sagot pa ni Detective Dallas.
“Hayaan mo na muna siya. Ganiyan lang siguro ang nagagawa ng sobrang stress dahil sa mga nangyayari sa siyudad niya. Aalis na kami ngayon upang alamin ng buo kung ano ang nangyari,” paalam ni Detective Damien sa gobernador. Tinanguan na lang nila si Hugo saka sila mabilis na lumabas ng opisina niya. Ang mga mamamayan naman ay nagsi-uwian na at wala na sa harap ng city hall. Mukhang natakot ang mga ito na baka may mangyaring masama sa kanila kaya naisipan na nilang umuwi. Lalo na at aasikasuhin pa ng iba ang pagkamatay ng kanilang mga anak.
Nang makauwi sina Detective Damien at Detective Dallas sa kanilang bahay sa Daffodil ay hinilot nila ang kanilang sentido. Magkaharap sila na naupo sa lamesa.
“Iba ang inaakto ng gobernador kanina. Don’t you find him weird earlier? It’s kind of suspicious,” sambit agad ni Detective Damien. Kumunot naman ang noo ng kaniyang kasama at nagtataka na napatingin sa kaniya.
“What do you mean by that, Rhys?” tanong sa kaniya ni Detective Dallas. “Sobrang nakakapagtaka ng naging reaksyon niya kanina. Para bang wala talaga siyang interes sa nangyaring krimen sa kaniyang siyudad. Hindi naman gano’n ang reaksyon niya lagi kapag nakikita natin siya,” paliwanag pa ni Detective Damien.
“Siguro dahil hindi naman niya inaasahan ang pagpunta natin sa opisina niya, kaya hindi natin siya nakitaan ng reaksyon.”
“Iyon na nga ang nakakapagtaka. Hindi ba dapat

“Iyon na nga ang nakakapagtaka. Hindi ba dapat ay kahit papaano nakitaan man lang natin siya ng kaunting galit dahil sa nangyari sa kaniyang siyudad? Marami na lalo ang namatay at nangyari sa siyudad na ito. Ngunit kakaiba talaga ang kaniyang reaksyon.”
“Pakiramdam ko rin ay may kakaiba. Ngunit mas lalo lamang akong naiinis sa kaniya dahil wala man lang siyahg magandang sinasabi sa atin. Madalas niyang sabihin na wala man lang tayong nagagawang tama sa siyudad na ito.”
“Kailangan na lang natin patunayan sa kanila na hindi tayo maghihiwalay dalawa.”