THE ELEVENTH CRIME

1500 Words
THE ELEVENTH CRIME: ENVIRONMENTAL CRIME Habang abala ang lahat sa Alchemilla ay abala rin sina Felony at Crony upang isagawa na ang kanilang susunod na krimen. Nagpunta sila sa malapit sa Rechilor City. Wala silang balak na pumasok sa loob. Kakaunti lang din ang mga bantay ngayon sa labas ng Rechilor City dahil halos lahat ng mga guwardiya ay nasa loob ng siyudad dahil sa mga kaganapan. Mas marami na ngayon ang bantay sa Alchemilla upang protektahan ang gobernador ng siyudad. Hindi pa rin kumakalma ang mga mamamayan. Halos lahat ay naroon at ang iba naman ay nagkulong sa kani-kanilang mga bahay. Ang ibang mga mamamayan naman ay nagluluksa. Ang mga naging biktima kanina ay nasa ospital at nililinis na. Hindi pa alam ng mga doktor kung ibuburol ba ang mga biktima o ike-cremate. “Ayos na ba ang pwesto mo d’yan ngayon?” tanong ni Felony kay Crony. May dalawang malaking trucks silang dala at nakapwesto sa malawak na likuran ng Rechilor City. Sa harapan ng kanilang trucks ay naroon ang isang monitor na kung saan ay nakikita nila ang kanilang magiging target. “Handa na ako ngayon. Naikalat mo na ba ang gas?” tanong naman ni Crony pabalik sa kaniya. “Ipapalipad ko na ngayon. Siguradong wala namang makakapansin dito dahil abala ang lahat,” sagot ni Felony. Agad namang nakita ni Crony ang pinalipad na drone ni Felony. Sa likuran ng drone na ‘yon ay may plastic na naglalaman ng gas. Nang makarating na sa maliit na gubat ng Rechilor City ang drone ay agad na pinakalat ni Felony sa kabuuan ng gubat ang gas. Naubos ang lahat saka niya ibinalik sa pwesto niya ang drone. “Simulan na natin ngayon na sunugin ang pinaka-iniingatan nilang gubat nila,” utos ni Felony. Mabilis naman na sumunod si Crony at ibinato na ang naglalakihang lighters sa target nila, gamit ang trucks na dala nila. Naroon din ang palayan ng mga mamamayan ng Rechilor City. Mawawala na sa isang iglap ang mga pinaghirapan nilang itanim at hintayin na maani. Mabilis na bumagsak ang mga lighters sa damuhan. Dahil sa gas na nagkalat ay mabilis din na kumalat ang apoy sa buong lugar. Napapanood ngayon ng dalawang kriminal kung paano magliyab ang buong lugar. Nasunog na ang mga palay na naitanim pati na rin ang mga mais at iba’t-ibang klase ng gulay. ‘Yon ang tanging pinagkakakitaan ng mga naninirahan sa Hyacinth, kung saan ay nagtitinda sila sa public market sa Magnolia. Humalakhak sa tuwa ang mga ito. Saka nila nakita na umaabot na sa mga bahay ang sunog. Agad na naglabasan ang mga mamamayan na nakatira sa Hyacinth dahil malapit ang gubat na ‘yon sa Magnolia. Sumigaw ang mga ito para makahingi ng tulong. Naalerto naman ang mga tao na nasa Alchemilla dahil tumunog ng malakas ang emergency alarm na mayroon sila. Ibig sabihin ng alarm na ‘yon ay mayroong sunog na nagaganap sa siyudad. “Tara na at bumalik na tayo sa pinagtataguan natin. Hindi tayo maaaring makita ng mga imbestigador dito,” utos agad ni Felony. Mabilis nilang pinaandar ang mga trucks na dala nila saka nila nilisan ang lugar. Samantalang nabahala naman ang mga mamamamayan na nasa Alchemilla dahil sa tunog na kanilang narinig. Saka nila nakita ang makapal na usok na nanggagaling sa gitna ng Magnolia at Hyacinth. “Damn it, may sunog na nangyayari!” sigaw ng isang tauhan ng dalawang imbestigador. “Sunog? Paano nagkaroon ng sunog sa lugar na ‘yon? Tumawag na agad kayo ng ambulansiya! Bago pa lumala ng husto ang sunog!” utos agad ni Hugo. Tumakbo na rin ang dalawang imbestigador papunta sa kanilang mga sasakyan. Mabilis silang nagtungo sa pinagmumulan ng sunog. Naroon na rin ang mga bumbero nang makarating sila. Ang mga mamamayan ay umiiyak at humihiyaw dahil sa sunog na nakikita nila ng mga oras na ‘yon. Hindi sila makapaniwala na nawala na lang ng gano’n kabilis ang mga pinaghirapan nilang itanim at hinihintay na tumubo. Nasira ang kanilang natatanging hanapbuhay at hindi nila matanggap ‘yon. Mas lalong nanakit ang ulo ni Detective Dallas dahil sa nangyari. “Konektado pa kaya ‘to sa mga kriminal? Sinasadya kaya ito na masunog o baka naman ay aksidente lamang ito?” tanong niya kay Detective Damien. “Hindi ako sigurado kung hindi ba ito intensyonal. Lalo na at naglalayag ng lagim ang mga kriminal na ‘yon dito. Hintayin na lang natin ang balita ng mga bumbero kapag natapos na silang mapatay ang malaking apoy,” sagot naman nito. Mabuti na lang at hindi umabot sa mga bahay ang sunog dahil mabilis na naagapan. Alerto rin ang mga bumbero ng mga oras na ‘yon. Nang matapos na nilang mapatay ang apoy ay lumapit ang dalawang imbestigador sa head ng mga bumbero. “Ano ang dahilan ng sunog?” tanong agad ni Detective Damien dito. Halos dalawang oras ang nakalipas nang mapatay nila ang apoy. “Nagkalat ang gas sa buong kapaligiran kaya sobrang laki ng sunog. Mabuti na lang at naagapan agad namin kaya namatay ng mas maaga ang apoy at hindi na kumalat pa sa ibang mga bahay. Kung sakali na nangyari ‘yon ay maaaring masunog ang buong siyudad,” sagot naman ng head ng mga bumbero. “Ibig sabihin ay may nagkalat ng gas sa kabuuan ng paligid. Isa itong environmental crime and also can be a nature crime, kung saan sinira nila ang kapaligiran at ang likas na yaman sa siyudad na ito,” sagot naman ni Detective Dallas. “Mukha ngang sinadya ang paglalagay ng gas sa buong paligid—“ “Detectives! Kailangan ninyong makita ito,” tawag ng isang tauhan nila. Nilingon naman siya ng dalawang imbestigador. Mabilis na lumapit ang lalaki at ipinakita sa kanila ang cell phone na hawak niya. “Ito ang kuha sa CCTV kanina. Ito na ang pinakamalinaw at malapit na CCTV sa lugar na ito dahil ang nasira ang ibang mga CCTV dahil sa sunog. Ito po ang nangyari kaya nagkaroon ng sunog dito,” paliwanag pa niya. Napanood nila ang isang drone na lumipad at nagkalat ng gas sa paligid. Kasunod ay ang mga binatong lighters kaya naman nagliyab ng malaking apoy sa buong paligid. Napahilot muli sa sentido si Detective Dallas nang mapanood niya ang nangyari. “Ibig sabihin ay iisa lang din na mga kriminal ang may kagagawan nito. Base sa pwesto ng pagbato ng mga lighters at kung saan nanggaling ang drone, ibig sabihin ay nasa labas ng siyudad ang mga ito. Hindi pa sila muling makapasok dito pero gumagawa pa rin sila ng paraan para makagawa ng mga krimen dito sa loob,” kumento ni Detective Damien. “Balak yata talaga nilang ubusin ang lahat ng mga tao rito sa siyudad. I think they are obsessed with something. Kaya kahit na hindi sila makapasok dito ay gumagawa pa rin ng paraan para makagawa ng krimen. Mukhang hindi rin nila gustong gumawa ng ibang mga krimen sa ibang lugar at dito lang mismo sa Rechilor City ang nais nila,” sabat pa ni Detective Dallas. “Siguraduhin ninyo na walang nasaktan sa sunog na naganap. Kami na ang bahala na mag-report nito kay Gobernador Rechilles. Paki-ayos na rin ng buong lugar,” utos ni Detective Damien sa head ng mga bumbero. Mabilis na silang umalis at bumalik sa Alchemilla. Nakaabang sa kanila ang mga mamamayan na naroon. “Ano ang nangyari sa Magnolia? Bakit nagkaroon ng sunog doon? Panibago na naman ba iyon na krimen?” “Sagutin ninyo kami!” “Kailangan namin ng mga sagot sa aming mga katanungan!” “May karapatan kaming lahat na malaman kung ano na ba talaga ang mangyayari sa siyudad natin na ito!” Ngunit ni isa roon ay walang pinansin ang dalawang imbestigador. Dere-deretso lamang ang mga ito na naglakad papasok sa opisina ng gobernador. Hindi na sila nag-abala pa na kumatok kaya nadatnan nila na may kausap ang gobernador sa telepono. “Good work— I will end the call here.” Nang makita ng gobernador ang dalawang imbestigador na pumasok sa kaniyang opisina ay agad na niyang binaba ang tawag. Napakunot pa ang noo ni Detective Damien nang bahagya dahil sa narinig niya na sinabi ni Gobernador Rechilles. “Who were you talking to?” seryosong tanong naman ni Detective Dallas sa kaniya. “I called someone to look for another experienced detectives to help you. What are you doing here in my office?” tanong naman pabalik ng gobernador. “Hindi mo ba alam kung ano na naman ang nangyari sa siyudad mo?” nagtataka na tanong ni Detective Damien sa kaniya. Napansin niya kasi na para bang kalmado na lang ang gobernador ngayon, hindi katulad noon na nagagalit kapag may nagaganap na krimen. “Nagkaroon ng sunog sa Magnolia, hindi ba? Alam ko na ang balita.” “Alam mo na ngunit parang kalmado ka pa rin.” “Dahil wala namang bago.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD