Nag-iiyakan na ang mga estudyante dahil sa mala-demonyong tawa ni Felony matapos sumabog ang sasakyan na nakasunod sa kanila. Nanginginig na sila sa takot at hindi na malaman ang gagawin. Miski ang mga guro ay gustong tumawag kay Gobernador Rechilles ngunit hindi nila magawa.
“Ayos ba ang field trip ninyo? Nagustuhan niyo ba? Sabi ko naman sa inyo ay pasasayahin namin kayo at sisiguraduhin namin na mag-eenjoy kayo sa field trip niyo na ‘to,” natatawang sambit ni Felony sa kanila.
Mas lalong naiyak at nagsigawan ang mga estudyante dahil sa takot. Narindi naman si Felony sa sigaw ng mga ito kaya agad niyang pinutok ang baril niya sa bubong ng bus. “Manahimik kayong lahat kung ayaw niyo na patayin ko kayo isa-isa!” sigaw ni Felony.
Sinabihan naman ng mga guro na manahimik ang mga estudyante upang hindi sila lalong mapahamak. Sumilkat na ang araw at huminto na sila sa isang malaking warehouse. Bakanteng lote ang lugar na ‘yon at nahanap lang ‘yon nina Felony kagabi. Kaya napagdesisyunan nila na roon na lamang magpunta.
Hindi rin nagtagal ay may isang tumawag sa cell phone ng isang guro. “Sagutin mo kung si Gobernador Rechilles ang tumatawag sa ‘yo ngayon,” sambit ni Crony. Nanginginig ang kamay ng guro na tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita niya na si Gobernador Rechilles nga ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.
Ngunit bago pa niya mailagay sa kaniyang tainga ay kinuha na ni Crony ang cell phone niya.
[“Ken Jones, how are you today?”]
Bahagyang nagulat si Crony sa pangalan na binanggit ni Detective Damien. Hindi niya rin inaasahan na hindi si Gobernador Rechilles ang makaka-usap niya.
“Hawak ko ang buhay ng mga estudyante na narito ngayon. Kung ayaw niyo na mamatay silang lahat ay ibigay niyo sa akin ang gusto ko,” sambit ni Crony.
[“Do you guys enjoying what you are doing right now?”] Hindi pinansin ni Detective Damien ang kung ano man ang sinabi ni Crony. Bahagyang nainis si Crony dahil ramdam niya ang sarkasamo sa boses ni Detective Damien. Lumapit siya kay Felony saka pinindot ang loud speaker button upang marinig nilang dalawa ang sinasabi ng imbestigador.
“Ano ba ang pinagsasabi mo? Wala ka bang pakialam sa mga buhay ng bihag ko rito? Anong klaseng imbestigador ka kung ganiyan?” sambit muli ni Crony.
[“Oh, I see that you are feeling mad at me. Why is that? Because I have said your name? Ken Jones?”]
Naikuyom ni Crony ang kaniyang kamao dahil sa inis. Naiinis siya dahil hindi siya sineseryoso ng detective na kausap niya ngayon. Tila ba isang biro lamang ang kaniyang mga sinasabi. Ni hindi man lang natatakot ang mga imbestigador sa mga posibleng gawin ng mga kriminal sa mga estudyante na hawak nila.
“Kung hindi mo ako seseryosohin ay papatayin ko na lamang ang lahat ng mga estudyante at guro na narito sa bus. Mas masaya pang kumalat ang dugo rito kaysa manghingi ako ng pera sa mga magulang ng mga ito.”
[“Then kill them. Or else you want to be caught right now.”]
“Ano ang ibig mong sabihin? Paano mo naman kami magagawang mahuli kung ang mga tauhan ninyo na nakasunod sa amin ay wala na?” Mala-demonyo ang naging pagtawa ni Crony matapos niyang banggitin iyon. Tahimik lamang si Felony habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa buong bus. Saka niya napansin ang isang camera na nakalagay sa loob ng bus. Nakatutok iyon sa kanila mismo.
Pinapanood sila ngayon ng gobernador at ng mga imbestigador. Planado na nila ang araw na ‘yon. Hindi mapakali si Detective Damien kagabi pa, kaya naman ay nagpalagay siya ng isang new face recognition sa bus na gagamitin sa field trip. Samantalang ang sasakyan na gagamitin ng mga guwardiya na susunod sa bus ay pinasuri ng dalawang imbestigador. Saka nila nakita ang bomba na nakalagay sa loob. Hindi totoo na sumabog ang bomba sa sasakyan na ‘yon. Pinalabas lang nila na sumabog upang hindi makahalata ang dalawang kriminal. Na-predict naman ni Detective Dallas kung saan sila pupunta. May mga tauhan na silang nakapalibot sa warehouse na ‘yon at hindi pa napapansin ng dalawang kriminal.
“We’re doomed,” mahinang sambit ni Felony. Napangisi naman si Detective Damien. Nakita niya ang reaksyon sa mukha ni Felony. Hinuhuli lang nila ang mga ito sa pangalan nila kaya binanggit ni Detective Damien ang mga pangalan ng Black X. Ngunit magaling na magtago rin ng ekspresyon ang mga kriminal na ‘yon.
[“I can see that you changed your fake face masks again.”]
Sinuri na ni Felony ang kanilang kapaligiran. Nakita niya na may ilang mga sasakyan na nakatago sa hindi kalayuan. Tinutukan ni Crony ng baril ang isang estudyante saka niya mabilis na kinalabit ang gatilyo.
[“Try to shoot that kid and your head will blow away in one bullet.”] Seryoso ang pagkakasabi no’n ni Detective Damien. Saka lang din niya napansin na napapanood sila ngayon. Mabilis na sinira ni Crony ang camera na nasa bus. Saka sila mabilis na lumabas ni Ferony. Binato niya ang cell phone ng guro na hawak niya.
“May mga nakapalibot sila rito na tauhan. Kailangan nating makatakas kaagad. Saan mo inilagay ang sasakyan natin?” tanong ni Felony. Tumatakbo na sila ngayon saka sila nakarinig ng mga putok ng baril na tumatawa sa direksyon nila. Ibig sabihin ay sinusubukan na silang patamaan ng baril. Mas bumilis ang kanilang pagtakbo at paliko-liko sila ng direksyon. Saka nila narinig ang mga tunog ng sasakyan na papalapit na sa kanila.
“Dito!”
Mabilis silang tumakbo sa direksyon na itinuro ni Crony. Nakita na nila ang nakatago nilang sasakyan saka sila roon sumakay. Si Crony ang nagmaneho ng kanilang sasakyan. Nakita na nila ang mga kotse na sumusunod sa kanila. Mabilis ‘yon na pinaputukan ng baril ni Felony. Tinira niya ang mga gulong ng mga ito upang hindi na sa kanila makasunod. Mabilis ang pagmamaneho ni Crony at halos hindi na sila makita sa taas ng mga d**o na dinadaanan nila.
“Damn it! Pumalpak na tayo ngayon sa krimen na dapat ay gagawin natin. Hindi ko akalain na malalaman nila ang binabalak natin,” galit na sambit ni Felony. Nakalayo na sila sa mga humahabol sa kanila. May isa pa silang hide out na pupuntahan. Hindi muna sila babalik sa hide out nila na malapit sa Rechilor City. Sigurado sila na bantay sarado na rin ang labas doon.
“Mukhang natutunugan na nila ang mga susunod natin na ikikilos. Ito ang unang beses na nalaman nila ang ating plano. Isa pa ay baka nakahanda na sila kaya nakita na nila ang bomba na nailagay natin sa kotse ng mga sumusunod—“
“Palpak ka kasi! Hindi mo pa nilagyan lahat ng sasakyan nila ng mga bomba kagabi! Ni hindi mo man lang din nagawa na suriin ang kabuuan ng bus bago mo ginamit! Inutil ka!” galit na sigaw ni Felony sa kaniyang kasama. Kaya hindi na nagawa ni Crony na ituloy ang sinasabi niya.
“Pasiyensa na, Felony. Hindi ko rin naman inaasahan na malalaman nila ang atint binabalak. Hayaan mo dahil babawi ako sa kanila. Hindi ko rin naman hahayaan na tayo ang matatalo sa laban na ito,” matapang na sambit ni Crony.
“Siguraduhin mo lang na hindi na tayo papalpak sa susunod na plano natin. Baka hindi na tayo makabalik sa Black X kapag hindi natin nagawa ang lahat ng kailangan natin na gawin.”
“Ngunit narinig mo ba ang sinabi ng isang imbestigador kanina? Binanggit niya ang pangalan ni Ken Jones. Mukhang naiisip na rin nila ang mga posibilidad,” sambit ni Crony.
“Wala akong pakialam sa kanila. Papatayin ko sila isa-isa sa oras na matiyempuhan ko sila. Akala ba nila ay mahuhuli na nila tayo kanina? Umasa sila. Hangga’t nabubuhay ako sa mundong ito ay hinding-hindi nila ako mahuhuli.”
***
“Nakatakas na ba sila?” tanong ni Detective Dallas.
“Paumanhin, Detective Dallas. Hindi namin inaasahan na may sasakyan sila na nakatago sa lugar na ‘yon. Hindi na rin namin nagawang hulihin dahil hindi namin saulo ang lugar. Hindi katulad nila na mukhang saulong-saulo nila ang pasikot-sikot sa lugar na ‘yon,” paliwanag ng isang tauhan nila.
“Hayaan niyo na muna sila sa ngayon. Basta magbantay kayo sa labas ng Rechilor City. Sigurado na tayo ngayon na nasa labas na sila ng siyudad. Mas mahalaga rin na ligtas na ang mga estudyante at guro.”
“Ibig sabihin ay mga taga-labas nga ang mga kriminal na ‘yon?” tanong ng gobernador sa kanila.
“Hindi tayo sigurado. Gumagamit sila ng mga pekeng mukha para hindi sila makilala. Posibleng mga mamamayan ninyo sila. Sa susunod ay hindi namin hahayaan na makakagawa sila ng krimen.”