THE HIDE OUT

1500 Words
“Sabihan ninyo ako kapag may nakita kayong hide out sa labas ng Rechilor City. May posibilidad na hindi sila sa mismong loob ng siyudad na ito naninirahan. Maaari rin na may pinapasukan lang sila na secret passage papasok sa Rechilor City. Iyon ang kailangan ninyo na mahanap. Kung wala man kayong makita ay ibig sabihin narito ang kanilang pamamahay sa loob ng Rechilor City,” sambit ni Detective Damien sa kanilang mga tauhan. Nagsimula na ang paghahanap ng mga tauhan nila sa maaaring hide out ng mga kriminal. “Sa tingin ko ay magpapakalayo-layo muna ang mga kriminal na 'yon at hindi muna babalik malapit sa siyudad na ito,” sambit ni Detective Dallas. Naroon sila sa opisina ng gobernador. Kasama rin nila si Hugo dahil hindi nila gusto na maisip ni Hugo na hindi siya pinagkakatiwalaan ng mga ito. “Mukhang ganoon na nga ang mangyayari. Sa ngayon ay mabuting napigilan ang krimen na dapat ay magaganap. Pero ang mga magulang ng mga batang 'yon ay nagagalit at gusto na talagang umalis sa siyudad ko,” sambit naman ni Gobernador Rechilles. “Matagal ko na sana na gustong itanong sa 'yo ang bagay na 'yan. Bakit hindi ka pumapayag na umalis ang mga mamamayan mo rito? Sobrang delikado na sa siyudad mo na ito at hindi na ito tulad ng dati na tahimik, mapayapa at ligtas. Hindi ba at gusto mong mapanatili ang kaligtasan ng mga nasasakupan mo? Ngunit ngayon ay para bang ikinukulong mo sila rito dahil ayaw mo silang lumipat sa ibang lugar,” tanong naman ni Detective Damien sa kaniya. Napabuntong-hininga naman ang gobernador saka umiwas ng tingin sa kanila. “Gustuhin ko man na lumayo sila sa siyudad ko na ito ay hindi maaari. Naisip ko na mas lalong mapapahamak ang kanilang mga buhay sa oras na lumabas sila sa siyudad na ito. Isa pa ay malaki na ang tiwala ko sa inyo na mahuhuli ninyo ang mga kriminal at hindi niyo na sila hahayaan pa na makagawa muli ng panibagong krimen dito,” sagot niya. “Ngunit huwag ka sanang magtiwala sa amin ng husto. Aminado kami na mahuhusay kaming mga imbestigador at mula pa sa ibang bansa. Oo, kilala kami sa iba't-ibang bansa sa panig ng mundo. Ngunit hindi ibig sabihin no'n na hindi na kami pwedeng matalo sa bawat imbestigasyon na ginagawa namin. Hindi kami nangangako sa 'yo na mahuhuli talaga namin ang mga kriminal na 'yon. Maaaring kami ang maunang mamatay sa mundong ito o 'di kaya ay ang mga kriminal na tinutugis namin ngayon. Pero ginagawa at gagawin pa rin namin ang lahat upang maisalba ang buhay ng mga narito at mahuli ang mga kriminal,” mahabang paliwanag ni Detective Dallas sa gobernador. “Naiintindihan ko ang ibig ninyong sabihin. Pero mas gusto kong isipin ang mga positibo. Katulad na lamang ng nangyari kanina na nagawa ninyong mapigilan ang krimen na gagawin nila. Masaya na ako dahil doon. Naalala ko pa rin ang mga mamamayan ko na namatay sa siyudad ko, ngunit alam kong mabibigyan din sila ng hustisya sa mas lalong madaling panahon.” “Huwag tayong magpakante dahil nakatakas pa rin ang mga kriminal at hindi naman namin nagawang mahuli kanina. Nailigtas lang ang mga estudyante ngunit nakakalayag pa rin ang mga kriminal. Kaya sana ay maghigpit ang mga tauhan mo at tauhan namin na magbantay sa buong siyudad, sa loob at sa labas.” Muling kumalat sa buong siyudad ang nangyaring k********g sa field trip kanina. Kaya naman ay hindi na tuloy ang mga field trip na binabalak ng mga eskwelahan. Mas lalo lamang nabahala ang mga magulang para sa kanilang mga anak na patuloy pa rin na pumapasok sa eskwelahan. Sinunod ni Gobernador Rechilles ang suhestiyon ni Hugo sa kaniya. Isuspinde muna ang mga klase sa bawat eskwelahan upang manatili muna ang mga bata sa loob ng kani-kanilang mga tirahan. Lumipas ang dalawang araw at tahimik lamang ang buong siyudad. Hindi pa rin nakakabalik sina Crony at Felony sa hide out nila na malapit sa Rechilor City. Kaya naman ay wala pang mga krimen na nagaganap sa siyudad. Mas nakapag-focus ang dalawang imbestigador sa kanilang mga tinatrabaho. Kinokolekta nila ang mga mukha na ginagamit nina Felony at Crony. “Sa tingin mo ba ay dalawa lang talaga sila na gumagawa ng mga krimen sa siyudad na ito?” tanong ni Detective Damien. “Para sa akin naman ay dalawa lang talaga sila. Ikaw lang naman ang nag-iisip na baka marami sila na kumikilos dito. Isa pa ay sila lang din dalawa ang madalas ko na napapansin sa bawat na krimen na naganap dito. Marahil ay isa sa kanila ang taga-utos at isa sa kanila ay nanonood lamang sa mga CCTV at nagbabantay,” sagot ni Detective Dallas. “Ibig sabihin ay tama rin ang hinala ko na baka ang mga 'yon ay ang mga pangalan na nakuha kong impormasyon tungkol sa Black X. Kung dalawa lang naman sila na kumikilos, baka wala ang isang miyembro na narito sa listahan natin.” “Posible nga na ganoon ang mangyari. Ang hinala ko ay si Ken Jones at Albert Bonny ang mga kriminal na gumagawa ng mga krimen dito. Si Ken Jones ay mas involved sa mga s****l assault sa ibang bansa.” “Para bang sasabog na ang ulo ko sa mga naiisip ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang accurate na mga impormasyon sa mga nakuha natin. Ngayon lang nangyari ito sa atin na hindi tayo makakuha ng mga tumpak at sapat na ebidensiya. Ang mga nakuha natin ay para bang mga walang kwenta dahil hindi naman natin napapakinabangan ngayon. May mga video nga tayong hawak, ngunit iba-iba naman ang mga mukha na ginagamit nila. Kaya hindi natin malaman kung ano ba talaga ang itsura ng mga kinakalaban natin ngayon.” Napahilot sa sentido si Detective Damien dahil sa stress na nararamdaman niya sa mga kaso na iniimbestigahan nila. Hindi lang isa, dalawa, o tatlo ang mga kaso na tinitignan nila. Habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang mga krimen na nangyayari sa siyudad na iyon. Imbis na mahuli nila ang mga kriminal ay mas lalo pang lumalakas ang loob ng mga ito upang gumawa ng mga panibagong krimen. Mabilis naman na may tumawag kay Detective Damien kaya kinuha niya ang kaniyang cell phone. Nakita niya na isa sa kaniyang mga tauhan ang tumatawag sa kaniya. Agad naman niya itong sinagot saka pinindot ang loud speaker upang marinig din ni Detective Dallas ang sasabihin ng kanilang tauhan. “May nakita kaming isang hide out sa hindi kalayuan sa labas ng Rechilor City. Sinuri namin ang buong lugar mula sa malayo at mukhang napapalibutan ‘yon ng mga security system kaya hindi kami makalapit. Baka sa oras na lumapit kami ay may baril na biglang pumutok o ‘di kaya aya may kutsilyo na biglang pumunta sa direksyon namin. Kakaiba ang hugis ng hide out at halata mong hindi ‘yon isang ordinaryong bahay lamang,” sambit agad nito. “Ganoon ba? Ipadala mo sa akin ang itsura ng hide out na tinutukoy mo. Huwag niyo na munang lapitan kung ganoon ang tingin ninyo. Baka mapahamak pa kayo kung sakali,” utos ni Detective Damien. “Masusunod po.” Ipinadala niya ang mga litrato ng kabuuan ng hide out na nakita nila. Naka-locate ‘yon sa labas ng Rechilor City ngunit natatabunan ng mga puno at mga d**o kaya hindi agad-agad napapansin o nakikita ng kahit na sino. Gumamit lang ng telescope ang mga tauhan nina Detective Damien para makita ang hide out na ‘yon. “Mukhang kakaiba nga ang bahay na ‘yan. Baka nga ‘yan ang hide out ng mga kriminal. Ang postura pa lamang at kung paano yariin ang kabuuan ng bahay ay mukhang hindi na basta-basta mapapasok ng kahit na sino.” “Paano ang gagawin ng mga tauhan natin para mapasok ‘yan? Mas mabutint masiguro kung ‘yon na nga ang hide out ng ating mga kalaban. Baka makakuha pa tayo ng mga ebidensiya kapag nagawa natin na pasukin ‘yon.” Nag-isip ang dalawa ng magiging plano nila upang mapasok ‘yon. Saka nila naisip na pagsuotin ng mga safety gears ang lahat ng mga tauhan nila. Balot na balot ang mga ito ng mga bulletproof vest at makakapal na jacket upang hindi sila masaksak o tablan ng bala. May mga helmet din sila na suot. Mino-monitor ng mga imbestigador ang buong lugar at saka papasukin ng kanilang mga tauhan ang hide out na nakita nila. “Sa pagbilang ko ng tatlo ay lumapit na kayo sa bahay na ‘yon. Handa na ba kayong lahat?” tanong ni Detective Dallas. “Isa. Dalawa. Tatlo.” Mabilis na sumugod ang mga tauhan nila nang marinig ang bilang ni Detective Dallas. Ngunit mukhang nagkamali sila sa kanilang desisyon. Ang hindi nila alam ay isang patibong lamang ‘yon ng kanilang mga kalaban upang maikulong sila sa hide out na ‘yon at mapatay sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD