THE TENTH CRIME

1500 Words
THE TENTH CRIME: CYBERTERRORISM Mabilis na pinunit ni Detective Dallas ang papel na nakalagay sa itim na bulaklak. Mabilis niya rin na sinunog at itinapon ang itim na bulaklak na ‘yon. Mas lalong nabuhay ang galit na nararamdaman ng dalawang imbestigador lalo na at alam nila na natutuwa na ang kanilang mga kalaban dahil sa nangyari. Sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa lahat ng mga nagawa nilang krimen. Hindi ako papayag na sila ang magwawagi hanggang sa huli. Hindi ako papayag na hindi mabibigyan ng hustisya ang mga inosenteng buhay na nawala ng dahil sa kanila. Isinusumpa na ngayon ni Detective Dallas ang mga kalaban nila sa kaniyang isipan. Nagtataka naman si Hugo na nakatingin sa dalawang imbestigador. Wala siyang ideya kung ano ang nabasa ng dalawa sa itim na bulaklak na natanggap nila. “Ano na ang gagawin natin ngayon?” tanong ng isang tauhan sa dalawang imbestigador. “Hintayin na lang natin ang susunod na aksyon ng mga kriminal na ‘yon. Sa oras na nagparamdam na ulit sila ay saka tayo kikilos. Sa ngayon ay wala tayong ideya kung nasaan sila at kung ano ba ang binabalak nila. Kaya naman ang tanging magagawa natin ngayon ay ang maghintay at maging handa sa lahat ng oras,” sagot naman ni Detective Damien sa kanila. “Nangangalaiti na ako ngayon sa galit, pati na rin ang iba pa nating mga kasamahan dahil sa nangyari. Napanood namin kung ano ang sinapit ng mga kasamahan natin sa kuta ng mga kalaban. Kaya naman ay sadyang hindi ‘yon makatarungan,” sagot pa ng isang kasamahan nila. “Gagawin natin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila. Hindi lang kayo ang nakakaramdam ng galit sa ngayon. Paulit-ulit ko nang pinapatay sa utak ko ang mga kalaban natin dahil sa nagawa nila. Ito ang unang beses na nalagasan tayo ng mga tauhan,” sabat naman ni Detective Dallas sa usapan. Noong nasa ibang bansa sila ay walang namatay na mga tauhan nila. May mga nasusugatan pero hanggang gano’n lang ang mga nangyayari sa kanila. Kaya naman sobrang sakit para sa mga imbestigador na ganoon ang nangyari sa mga tauhan nila. Sa isang iglap lamang ay nawalan ng buhay ang mga ito. Sinisisi rin ng dalawang imbestigador ang kanilang sarili dahil sa pagkamatay ng mga tauhan nila. Lalo na at sila ang nag-utos na pasukin ang kuta ng kalaban. Matapos ang burol ng mga kasamahan ng dalawang imbestigador ay bumalik na muli sila sa kanilang trabaho. Nakahanda lamang ang lahat sa mga maaaring gawin ng mga kriminal. Ang lahat ng mga maaaring pasukan ng mga kalaban ay bantay-sarado na. Mahigpit na ang lahat at halos hindi na natutulog ang mga bantay. Karamihan din sa mga mamamayan ay halos hindi na makatulog. Pakiramdam nila ay ano mang oras ay may mangyayaring hindi maganda sa siyudad. Nababahala na ang lahat at hindi mapakali. Nasabihan na rin ang lahat ng mga mamamayan na mas maganda kung manatili na lang muna sila sa loob ng kani-kanilang mga bahay. Sinugurado nila na naka-locked ang lahat ng mga bahay sa buong siyudad. Miski ang mga kayamanan ng mga mayayaman na pamilya ay nakatago. Ang mga naglalakihang negosyo naman sa siyudad ay bantay sarado rin. Samanatalang nakasara naman ang lahat ng eskwelahan at natigil muna ang pasok ng mga estudyante. Naisip ng dalawang imbestigador na mas mabuti kung tahimik muna ang buong siyudad. Halos lahat ng lugar sa Rechilor City ay may mga sampung tao na nagbabantay. “Kung ganito siguro ang buong siyudad ay marahil mahihirapan na ang mga kriminal na gumawa ng susunod na krimen,” sambit ni Detective Dallas. Nakabantay lang sila ngayon sa mga CCTV sa buong siyudad. Pati ang mga face detector ay activated lahat. “Hindi pa rin dapat tayo makapante. Lalo na at hindi maaaring ganito lang ang buong siyudad ng sobrang tagal. Kailangan pa ring magtrabaho ng lahat upang kumita ng pera at may maipakain sa kani-kanilang mga pamilya,” sagot naman sa kaniya ni Detective Damien. “Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang maging ganito ang buong siyudad. Halos mag-iisang linggo na silang nakakulong sa kani-kanilang mga bahay. Tahimik pa rin naman at walang nangyayari. Natatakot na ang gobernador dahil baka sa oras na lumabas muli ang kaniyang mga mamamayan ay may mangyari agad na hindi kanais-nais.” “May punto ka. Lalo na at hindi natin alam kung kailan ba susulpot muli ang mga kriminal na ‘yon. Sigurado naman ako na nagpaplano na sila ng ayos ngayon para sa susunod na hakbang nila sa siyudad.” Natahimik naman ang dalawa nang may marinig silang mga ingay sa labas ng bahay nila sa Daffodil. Kumunot ang noo ni Detective Dallas nang makita sa CCTV footages na nasa harap niya ang mga mamamayan na umiiyak at lumalabas sa kani-kanilang mga bahay. “It looks like something happened again,” kumento ni Detective Damien. Hindi na sila nag-aksaya pa ng isang minuto dahil mabilis na silang lumabas ng kanilang mga bahay. Samantalang tuwang-tuwa na muli ngayon sina Crony at Felony dahil sa pinapanood nila na nagaganap ngayon sa siyudad na Rechilor City. Hindi lang sa Daffodil nagkakagulo ngayon, kung ‘di sa iba’t-ibang mga bahay sa Rechilor City. “Sunod-sunod nang nagpapakamatay ang mga kababaihan sa Daffodil at Hyacinth. Hindi nila kinaya na napapanood ng ibang mga kalalakihan ang mga videos nila habang nalilio at walang saplot,” sambit ni Crony kay Felony. May panibago na naman silang krimen na ginawa. Noon pa man bago nila gawin ang unang krimen nila ay may mga maliliit na cameras na silang nailagay sa buong siyudad. Sa banyo at sa mga kwarto nakalagay ang mga ‘yon. May kopya sila nang lahat ng nangyayari sa bawat bahay sa Rechilor City. Kaya naman ay nakikita nina Felony at Crony ang mga hubo’t-hubad na mga kabataan na naliligo, nakikipagtalik sa mga lalaki, nagbibihis, at may ginagawang mga personal na bagay sa loob ng kwarto. Lahat nang ‘yon ay matagal nang napapanood ng dalawa. Ngunit ngayon lang nila naisipan na ilabas. Namili sila ng kanilang mga magiging biktima. Pinadala nila ang mga ‘yon sa sampung babae na napili nila. Ang lahat ay may kagandahan at sila rin ang mga may malalang nagawa sa mga video. Hinack nina Felony at Crony ang mga cell phones ng mga kabataang lalaki sa siyudad at ikinalat sa kanila ang mga video ng mga kababaihan na ‘yon. Saka ipinaalam sa mga biktima ang ginawa nila at ang nangyaring pagkakat sa buong siyudad. “This can’t be happening! How can they do this to me?!” “I-Is that me? Is that my body? Someone watched our make love and how… wild I was!” “Lagot ako sa mga magulang ko kapag nalaman nila na ganitong klase ng babae ang naging anak nila. Mas gugustuhin ko pa na mamatay kaysa masaktan nila!” “How am I supposed to go out now? Kalat na kalat na sa mga kabataan ang video na ito!” “Ano na ang gagawin ko ngayon? Sobra na ang hiya ko, hindi lang para sa mga magulang ko kung ‘di para sa sarili ko. Nakita ng ibang mga tao ang katawan ko.” Ang lahat ng mga iyak ng mga kababaihan na ‘yon ay rinig na rinig nina Crony at Felony. Natatawa sila dahil sa iba’t-ibang mga reaksyon ng mga babae nang maipadala sa kanila ang kani-kanilang mga videos at kung paano ‘yon kumalat sa buong siyudad. Walo sa sampung mga babaeng biktima ang nagpakamatay sa kanilang mga bahay. Kaya naman ang kanilang mga magulang ay umiiyak at lumalabas sa kani-kanilang mga bahay. Mabilis naman na sinubukang i-hack nina Detective Dallas at Detective Damien ang pinagmulan ng mga video na ‘yon. Nakita na rin nila ang mga camera na nakalagay sa bahay ng mga biktima. Ngunit hindi nila malaman kung saan ito nanggaling. Naba-blocked na kaagad ang system na gamit nila. Kaya naman mas lalong natuwa sina Felony at Crony nang makitang walang magawa ang dalawang imbestigador para mahanap sila. “Damn it! They hacked our system!” galit na sigaw ni Detective Damien. Hindi naririnig nina Felony ang sinasabi nila ngunit napapanood nila kung gaano na kagalit ang dalawang imbestigador. Mas lalo lamang silang natuwa. Lalo na at napagpiyestahan na rin nila ang mga katawan ng mga kawawang biktima. “Utusan mo na agad ang ibang mga tauhan natin na tingnan ang lahat ng bahay sa buong Rechilor City. Hanapin ninyo ang mga maliliit na camera na nakatago sa bahay! Ngayon din!” utos ni Detective Damien. Inaasahan naman na nina Crony at Felony na tatanggalin ang kanilang mga camera. Tumayo si Felony sa kaniyang inuupuan at nag-inat ng katawan. “Alisin na nila ang lahat ng ‘yon. Wala na rin naman tayong kailangan na gawin pa sa mga camera na ‘yon. Tapos na ang isang plano natin,” sambit pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD