Chapter #23

1730 Words
Rhexyl's P.O.V Maaga akong nagising, 5:30 am pa lang ay nagmulat na ang mga mata ko. Bumangon agad ako and do a yoga exercise. 30 minutes din akong nag-yoga pagkatapos, pahinga ng kaunti then naligo na. Pagkabihis ko ng usual clothes ko. Muli akong sumulyap sa orasan, maaga pa kaya makapaghahanda pa ako ng breakfast. Binuksan ko muna ang kurtina. Pagkahawi ko, I saw Sylvester in his terrace. Naka-upo siya habang busy sa pagtitipa ng laptop with his serious face. Tumaas ang dulo ng kilay ko. Bakit ngayon ko lang nalaman na magkatapat pala kami ng dorm room? Napatitig ako sa kaniya. Nakasuot rin siya ng black glasses pero hindi kagaya ng akin. He looks like a professional and genius. He look so handsome while sipping on his coffee cup. Wait? Why I am staring at him? Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. Lumabas na lang ako ng kuwarto at tinungo ang kusina. Magtitingin ako ng puwedeng magawang almusal. Pagbukas ko ng Refrigerator, kusang tumaas ang kilay ko. Nagre-reproduce ba ng mag-isa ang lahat ng nakalagay sa refrigerator? As I remember, kunti na lang ang laman nito. Nag-grocery ba ako ng tulog? Para hindi maalala na nilagyan ko ulit siya? Punong-puno na kasi siya ulit. Kahit nagtataka, kumuha ako ng fresh milk at gumawa ng sandwich. I start to eat my simple breakfast. Napatingin ako sa phone kong tumunog, kinuha ko ito. Kinalikot ng kaunti tapos balik ulit sa table. Napa-iling ako, ang kulit talaga. Pagkatapos ko, nilinis at hinugasan ko ang pinagkainan ko. Buntong hininga akong muling pumasok sa kuwarto. Binuksan ang wardrobe at saka kinuha ang kinaiinisan kong suotin, ang uniform ng mga newbie. Inilapag ko ito sa kama. Nakapamaywangan akong nakipagtitigan sa damit. The f*ck is this! Sa itsura pa lang mukha ng fitted ito at maiksi. Ito ang problema ko kagabi pa. Kahit sa pagtulog ko ay nakikipagdigma ako sa damit na 'to. Buwesit kasing mga Reperian na yan. Isama mo na rin ang impaktong Sylvester na 'yon. Habang nasa loob ako ng detention room naisipan kong bakit hindi ko subukang alamin ang patakaran dito? Baka masipa na talaga ako palabas ng paaralang ito. Nakababanas ang putchaaa! Inis kong hinablot ang uniform, pumasok sa banyo upang masuot na ang walanghiyang damit na ito at ng matapos na. Pagkalabas ko, agad akong humarap sa salamin. Amputcha! 'Di bagay sa akin, labas na labas ang kaitiman ko. Ang skirt naman ay above the knee ang haba, fitted din ang upper clothes, mukha siyang fitted crop top ang style na kulay plain na black na may imprinted na U.D.M na color gold na may red. Parang gusto ko yatang magbalot ng katawan kaysa dito sa mukhang nabilad sa araw na ewan. Mukha akong sunog na pinirito, basta! Naiinis ako. Sinuot ko ang black boots na hanggang anckle lang ang haba. Inayos ko rin ang pagkakasuot nang makapal kong salamin. I grab my bag and leave. Pagkalabas ko, gusto ko muling pumasok sa loob. I swear! Isinusumpa ko ang araw na 'to. Malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating at makapasok agad sa elevator na hindi ako napapansin. Pusang gala talaga! Patakbo akong lumabas ng dorm building maging papuntang campus, kulang na lang liparin ko na makarating lang agad ako sa classroom. Pagkasakay ko sa glass elevator, sumiksik agad ako sa tabi. Isa pa 'tong elavator na 'to! Kitang-kita lahat. Panay ang baba ko sa skirt. Gusto kong maiyak sa inis. "Tingnan mo nga naman." Rinig kong winika ng bagong pasok. Sa kakasiksik ko, himdi ko namalayan na may pumasok pala. "Kaya pala lagi kang nakasuot ng malalaking damit dahil nakakasuka ang itsura mo." pang-iinsulto niya. "Malala ka pa sa uling. You look like a rotten trash with that clothes." dagdag niya pa. Hindi ako umimik. Lalo akong yumukod. "Whose this blacky?" natatawang saad ng isa pa. "Crelly, do you know her?" tanong naman ng isa pa. Si Crelly pala at ang bago niyang uto-u***g alalay. "Ignore that trash. She is not worth it to recognize. Nandidiri lamang ako sa kaniya." maarte niyang wika. Di nagtagal bumukas ang glass elevator. Naramdaman ko ang paglabas nila. Sinulyapan ko ang number ng floor. 5th floor, ha! Umayos ako ng tayo ng muling mag-andar ang glass elevator. Minutes past, narating ko na ang 16th floor. Agad akong kumaripas ng takbo papuntang classroom ko. Pagkatapat ko sa section ko, huminga muna ako ng malalim. Kusa ng bumukas ang pinto pero natuod ako dahil ang nag-welcome sa akin ay ang isang matalim na dagger. Tumama ito sa pisngi ko. WHAT THE! Bago pa magsara ang pinto pumasok na ako. Paglingon ko sa pinto, nanlaki ang mata ko. Punong-puno ng kutsilyo ang buong pinto. Mukhang ito ang kanilang targeting area. Inis kong pinunasan ang dugo sa pisngi ko. Humakbang ako patalikod at saka humarap pero nagulat ako ng may mabunggo ako. "What the f*uck! Watch your step!" malakas niyang bulyaw sa'kin. Nagulat ako kaya agad akong lumayo at humingi ng paumanhin. "Ow! Look whose here? Ang babaeng nang-agaw sa rank ko." sambit niya, Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. Nang-agaw? Ng rank? "And yuck! Are you a woman?" tanong niya. Pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Payuko akong nilagpasan siya, pero nagulat ako ng matisod ako at sumalapak sa sahig. Narinig ko ang munti nilang tawanan. "Weak?" she said. "I am wondering, why are you here? Sa lampa at hina mong 'yan. Bakit ka napadpad dito? Mukha ka namang mahirap pa sa daga." wika niyang muli. Tatayo na sana ako, tinulungan niya ako gamit ang damit kong inangat niya. Ang sunod niyang ginawa ay hinampas niya ako sa glass wall. Sh*t! What a welcome morning for me. Tsk! "Zandra! That's enough!" Rinig kong saway ni Yhoquin. Pilit akong bumangon. "So, its true. Nasa side kayo ng impaktang maitim pa sa maitim." saad ng bruhilda este niya. "Why not! We are human. We can choose whoever we want to talk. And you, not included." Yhoquin answered. "Kung siya maitim pa sa maitim. E, ikaw! Asyumera ka pa sa pinakaasyumera." segunda naman ni Acer. Nakatayo na ako ng tuwid. Ignoring the pain that I felt from what she did to me. "I'm okay, It's nothing." sabi ko, "b***h!" malamig na wika nito sa'kin. Ano bang pinuputok ng butsi ng babaeng 'to? "Luh! May sugat ka." Nagulat ako sa biglang sigaw ni Yhoquin. O.A? Napatingin naman ako sa braso ko. Meron nga, pero paano? Itinapon niya lang naman ako. Napatingin ako sa kaniya, I saw her smirk. "Leader?" Rinig kong wika ni Fhinn. Agad na lumayo sina Yhoquin at Acer sa'kin. "Hey! Sylvester, pati ba naman ikaw? Nahuhumaling sa babaeng 'yan." muling tanong nito na parang di makapaniwala. Nagtataka akong nakatingin sa kaniya. Palapit siya sa'kin. Sumulyap ako sa puwesto niya kanina. Hindi pa rin siya tapos sa laptop niya? Kanina pa yan. Napalunok ako bigla, I prepare myself sa galit niyang silyak. Baka naabala siya, hindi ko naman kasalanan. "Ah, e-e?" sabi ko. Umatras ako and unluckily wala na akong naatrasan. Gaya ng dati sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. "Sylvester! Stay away from that weak and ugly." galit na sambit no'ng babae. Sa halip na sumunod naman itong kaharap ko. Mas lalo pa siyang lumapit sa'kin. Hinawakan niya chin ko. At mas lalong nagulat at nalaglag ang panga ko. Naging bato rin ako sa kinatatayuan ko habang mulat na mulat ang dalawa kong mata. Why? HE IS KISSING ME! I blink twice when he stop kissing me. "That's your award for wearing your uniform." he whispered into my ear. I was speechless. Waaaa! First kiss ko 'yon, e. Nawala na. "Take your sit." sabi ni Sylvester sa'kin. Hindi ako gumalaw sa puwesto ko still shock pa rin, pati brain cells ko parang naglaho bigla. "Y-You! How dare you!" Natauhan ako sa malakas na sigaw no'ng babae. Galit siyang humakbang palapit sa'kin pero nagsalita si Sylvester na ikinahinto niya. May hawak siyang double blade. "Take your sit, Ms. Dewwel." mahinahon na utos ni Sylvester sa kaniya. "No! Not until I kill that slut." galit na wika nito. Ang mata niya ay umaapoy na sa galit. Muli siyang humakbang pero may pumigil na dagger sa harap niya. "I'm sorry for interrupting your business, but kindly back to your sit. So, we can start a lesson. You can continue this inside of battle field." narinig naming nagsalita. Lahat kami napagawi roon. And there, a professor. Walang siyang nagawa pero nakita ko pa ang ngisi sa kaniyang labi. Umupo na lang din ako. Hay buhay! "Ms. Salvez," Rinig kong tawag sa'kin. "Po?" sagot ko naman. "Long time no see. Its a miracle na nandito ka na." nakataas niyang kilay. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Like the other, she is beautiful. A young professor? Sa itsura niya mukhang nasa 20's pa lang siya o kaedaran namin. She has a dark aura yet ang calm niya. "Yeah! I don't know why I am here. Ignore me, do your work." bagot kong sagot sa kaniya. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagbago ng aura niya at ang pagtalim ng kaniyang tingin sa'kin. I just ignore it. This is a boring day. Kung hindi ko lang piniling sumunod tahimik ang buhay ko sa dorm, mahimbing na natutulog. Uob-ob sana ako sa armchair ng bigla akong napahiyaw sa gulat. Lahat ay napabaling sa'kin. Ikaw ba naman ang pihitin pakaliwa ang inuupuan ng biglaan, hindi ka ba niyan magulat. Kaharap ko ngayon ang impakto. Mayroong nakapatong na first aid kit sa armchair niya. Binuksan niya ito, kumuha ng bulak put something on it. Napangiwi ako ng lumapat ito sa sugat kong nakalimutan ko na. Oo nga pala, nadaplisan nga pala ako ng 'di ko namamalayan. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Lahat sila nakatutok na sa unahan. Muling napabalik ang tingin ko kay Sylvesyer ng maramdaman kong hinihipan niya ang sugat na ginagamot niya. Tinitigan ko siya. Bakit niya ito ginagawa? I mean, We don't know each other. He is scary with his serious face and cold aura. Mukha rin siyang dangerous guy. Hinintay kong matapos ang ginagawa niya. Pagkatapos niya muli niyang inayos ang upuan ko. At bumalik ulit na parang walang nangyari. Tahimik akong naka-upo sa tabi niya. Yes, magkatabi kami ng upuan. Seatmate kung tawagin. Hindi sa unahan ang tingin niya. Busy siyang muli sa laptop niya. Lihim akong napasimangot. Wala akong naiintindihan sa sinasabi ng nasa unahan. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD