Chapter #22

1534 Words
Thirdperson's P.O.V Matiyaga niyang hinihintay ang taong hinihintay niya. Sa tagal nito ay pakiramdam niya ay inaamag na siya sa kakahintay. Naiinip na siya, nililibang na lamang niya ang kanyang sarili sa paglalaro ng dagger sa kamay niya. Nahinto siya at napatingin sa pintuan ng marinig niya ang pagclick ng pintuan senyales na bubukas na ang pinto. Tumaas ang dulo ng kaniyang labi. Sa wakas, nandito na ang kaniyang pinakahihintay. Nangangati na ang kaniyang mga kamay. Bumukas ang ilaw ngunit hindi siya agad nitong napansin. "Hay naku! Sa ginawa mo sa babaeng newbie na 'yon. Tiyak na natuto na 'yon." wika ng babaeng kasama ng pumasok. "Tsk! Bakit ba kasi dumating pa ang Venomous Blood? Anong connection nila sa mukhang uhugin na 'yun." inis na wika ng babaeng umupo sa one seater couch. Tatlo silang magkakasama. "King is just MINE! Hindi ako papayag sa isang mahinang baguhan lang siya mapupunta." galit na wika ng pinakaleader nila. "Baka nagtago na sa takot, kaya hindi na natin siya muling mahagilap." mahinahon na wika ng babaeng nakaupo sa one seater couch. "So noisy," Pang-aabala niya sa mga nag-uusap. Kanina pa siya nakatayo sa likuran nila, yet 'di pa rin siya nito napansin. Mabilis na napalingon ang mga ito sa kaniya. "Who are you? Paano ka nakapasok?" their leader said. Napatayo na silang lahat. Nakita niyang kumuha ng pistol ang isa sa kanila. "Me? Who Am I?" nakangiti niyang sabi. Malamig at walang emosyon niyang tiningnan ang tatlo. "Well, for tonight. I'm your teacher, and I'm here to teach you a lesson." mahinahon niyang sabi. "You are intruder!" galit at malamig na wika ng kanilang leader. Nagkibit-balikat lamang siya. Unang sumugod ang leader nila. Walang hirap niya itong iniwasan. Sabay-sabay na silang sumugod, hinawakan niya ang kamay ng isa. Kinuha niya ang kaniyang rapier sword saka niya pinadaan sa kamay nito. Humiyaw ng malakas ang babaeng pinutulan niya ng kamay. "There, our first lesson." inosente niyang sagot. Napaatras ang isa nilang kasama, ngunit hindi nagpatinag ang leader nila. "Brave, ha? That's nice." komento niya. "Damn you! How did you get inside of this university?" mariin na tanong sa kanya. Binaril niya sa parehong binti ang isa pa nitong kasama. Napatili naman ito sa sakit. "I'm sorry, little rat. Answering you is not part in our discussion." tugon niya rito. Umiwas siya sa sipa, ginantihan niya ito ng malakas na tadyak. Tumilapon ito sa mesa niyang babasagin. Napangiti siya ng mabasag ito at ngayon duguan dahil sa mga bubog. Lumapit siya rito, hinila niya ang buhok nito. Pinaharap niya ito sa dalawang kasama nito. "My lesson for tonight is how to kill you?" malamig niyang bulong sa hawak niya. Bumaling siya sa dalawa, napangiti siya dahil nakatayo na ito. Matalim na titig ang binigay nito sa kaniya. Sabay itong sumugod sa kaniya. Ginawa niyang panangga ang hawak niyang babae, kaya ang hawak nitong sword ay tumama sa babae hindi sa kanya. Tumawa siya. "What a good students you are." nakangiti niyang sabi pumalakpak pa siya sa tuwa. Mas lalong nainis ang tatlo. Nakita niyang kumuha ng karet na sandata ang leader nito. Mas lalo siyang nagalak. Muling sabay na sumugod ang tatlo. Iniwasan niya lang ang mga ito. They are indeed a student of Der Mord. Well trained, and good in fighting. But, not enough for her. Still weak and useless fool. She bend her body to avoid the karet. Mabilis niyang kinuha ang babaeng binaril niya sa dal'wang binti. Siya ang nahagip ng karet, sa talim nito ay napugutan ng ulo ang babaeng pinangharang niya. Nagulat ang may hawak ng karet. "Opps! Not my fault." inosente niyang sabi habang nakatingin dito. Ang kaninang malinis na kwarto, ngayon ay kulay pula na dahil sa mga dugo nila. Nilapitan ng putol ang kamay ang babae. "You killed her!" sigaw nito sa leader nila. "I-I ---- h-hindi ko s-sinasadya." utal na saad naman ng leader. "Don't blame, its her fault!" turo nito sa kaniya. Napahikab siya, nabo-bored na naman siya. "Not my fault, little rats. Its your fault. You violated my rules, that is why I am here to give you a lesson. That's all!" maang-maangan niyang saad. "F*ck your lesson!" mangiyak-ngiyak nitong sabi sa kaniya. Gamit ang isang kamay nito, kinuha nito ang kaniyang swords. Tumabi siya, walang hirap niya itong hinampas sa likuran. Kinuha niya ang sword nito at itinusok sa sikmura sa leader na sumabay sa pagsugod. Bumuga ng dugo ang babae ng mas lalo niya itong binaon, naramdaman niya ang isa pa. Napailing siya, hinugot niya bigla ang sword mula sa katawan ng kawawang leader at saka niya pinadaan sa leeg ang talim ng espada sa susugod sana sa kaniya. Mulat ang matang bumagsak ito. "Y-you! Ma-Mala-laman nila-ng m-may naka-pas-ok. Cough!" rinig niyang wika sa natitirang buhay. Humarap siya rito. She squat in front of her. Ngumiti siya rito. "I don't care. I don't have an intention to kill. But, you came near with me and here you are." wika niya, Muling bumuga ng dugo ang babae. "May natutunan ka ba sa ating lesson ngayong gabi?" tanong niya rito. Isang matalim na tingin ang sinagot nito sa kaniya. "Well, I guess that's your answer. Maaari mo itong dalhin saan ka man mapadpad." nakangiti niyang sabi. Naging malamig ang tingin niya sa kaharap. Walang emosyon niya itong tiningnan. Sa biglang pagbabago ng kaniyang titig, pakiramdam ng babaeng kaharap niya ay nilamig siya bigla. Nakaramdam siya ng takot dito. Hindi siya makilala sapagkat natatakpan ng itim na tela ang kalahati nitong mukha. Tanging kulay dagat na mata lamang ang nakikita mula rito. Nakaramdam ng takot ang babae na ngayon niya lang naramdaman, sa matagal niyang pananatili sa Der Mord. She never encountered the girl like her, a girl who have the same aura with their King. Nginitian siya nito ng nakakikilabot. "DIE!" sobrang lamig na wika nito. Sunod na naramdaman niya ay ang pagbaon ng bala sa pagitan ng kaniyang noo. Tumayo na siya pagkatapos na matumaba ng huling studyante niya. She is satisfied with the outcome of her lesson. Pinagpag niya ang kaniyang mga kamay, maging ang kasuotan niya. Hinakbangan niya ang mga nakahandusay sa sahig, bagot niyang nilisan ang dormitory number 5428. Rhexyl P.O.V Pagkatapos naming kumain kanina sa restaurant na iyon. Ako na ang unang umalis at nagpaalam. Ang sabi ko naman sa kaniya, hindi na niya ako kailangan pang samahan. Pumasok ako sa mall, at nadaanan ang arcade. Ang lugar na madalas kong puntahan kapag nababagot ako. Pagkakuha ko ng token, tumapat ako sa larong basketball. Inihulog ko ang token at nagsimulang maglaro. Napalingon ako sa katabi ng shooting area, nakita ko si impakto. "Hey! I told you, you don't need to---" he cut my word. "Just play and enjoy." sabi niya sa'kin. Napakibit-balikat na lamang ako. Hayaan na natin siya. Gusto niya, e. Huwag na nating itaboy. Hinayaan ko na lamang siya. Akala ko mabobored ako sa laro pero hindi, kasi he's there to play with me. Nilaro namin lahat ng klase ng laro na meron ang arcade except sa singing and dancing. Hindi ko siya napilit, nakakatakot kasi mga titig niya sa tuwing pinipilit ko siya. After namin sa arcade, nagwindow-shopping naman ako. Wala siyang ibang ginawa kun'di ang bumuntot sa'kin. Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kaniya. I enjoy the whole day with impakto. Nang magdilim na, hinatid niya ako hanggang sa pinto ng dorm ko. Nakalimutan ko pa lang sabihin na ang dormitoryng boys ay katapat lang ng dormitory ng sa'min. Face to face lang ang dormitory ng boys at girls. "Thanks for today." nakangiti kong sabi. Gaya ng dati, hindi siya umimik at tumalikod na. "Wait!" pigil ko sa kaniya. Huminto naman siya. "What's your name?" tanong ko. Lumingon siya sa'kin. Tinitigan niya ako nang maigi. Titig na tatagos sa kaluluwa mo. "You don't need to answer if you don't want." alanganin kong sabi. Binuksan ko ang pinto ng dorm ko. "Thanks ulit." pasasalamat kong muli. Papasok na sana ako ng magsalita siya. "Sylvester," wika niya. Napalingon ako sa kaniya, pero likod niya na papalayo ang nakita ko. Sylvester? Napangiti ako. Nice name, ha. Napahawak ako sa dibdib ko ng muli kong naramdaman ang weird feeling. Pumasok na ako sa loob. Nilock ang pinto, dediretso na sana ako sa kuwarto ng bumukas ang tv screen. "Heira Collins, Yvette Scarlet and Vriesh Khins found dead at Ms. Heira Collins dormitory. They are came from 11th floor - Section S." sambit ng isang boses na nagmumula sa Tv screen. I'm not surprised with it. Lahat ng narito is killer. Hindi na bago ang ganito sa kanila. Pinakita rito ang situation ng mga namatay. Ang kuwarto ay puro ng dugo, siguro ang naencounter nila ay mahusay. But one thing napansin ko, sila ang nakaharap ko two days ago. 'Yong muntik na akong patayin, buti na lang nakulong ako sa detention room. Nakaiwas ako sa kanila, sigurado akong target pa rin nila kung nagkataon. Tuluyan na akong pumasok sa room ko. Pabagsak na humiga sa kama. Hayy! Ang problema ko ay ang bukas. Baka ako na ang next na maiannounce na dead na. If I really wanted to be alive here at magtagal, maybe I need to know the rules here. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD